C - 2

4.7K 116 2
                                    


"What the hell!? Sino ka? Pano ka nakasakay sa kotse ko?" gulat na tanong sakin ng lalaki. I gulp.
"Ah. Eh. Basta, mahabang kwento." Oh god! Sana hindi nalang ako sumakay sa kotse nya. Hindi naman ako makakapunta sa pesteng lugar na yun kung hindi ako ninakawan.
"Lumabas ka dyan!" Sungit naman tong lalaki na to. hmp!

Pagkalabas ko sa kotse nya ay may nilagay syang isang paper bag sa loob at sinarado nya na ang pinto ng kotse.

"Yan, lumabas na ko. Sorry kung sumakay ako sa kotse mo. Wala talaga akong masakyan sa lugar na yun kanina." Napangiwi sya.

Mas mabuti kung aalis na ko, siguro naman may masasakyan na kong jeep o taxi malapit dito sa lugar.

"Hep! Saan mo balak pumunta?" Pigil nya sakin.
"Aalis na." Napataas ang isang kilay nya na para bang may hinihintay pa sya sakin. "Ok, nag-sorry na ko sayo. Di ko naman sinasadya na sumakay ako sa kotse mo." dahilan ko.
"Really?"
"I mean, sinadya ko talaga. Kasi naman eh, gusto ko lang umalis sa lugar na yun. Hindi ko din naman kasalanan na di pala naka-lock yung pinto ng kotse mo."
"So kasalanan ko pala kung bakit ka nakapasok sa kotse ko?"
"Hindi naman sa ganun. Ah, basta. Kailangan ko na umalis." Tinalikuran ko sya ngunit naramdaman kong hinawakan nya ang palapulsuhan ko. Napalingon ako sakanya.
"No. Hindi ka aalis." mariin nyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko habang sya ay nakatitig sakin na para bang may balak na iniisip. Oh, no!
"Bakit?" Hindi sya sumagot pero ngumisi lang sya sakin.

Napaatras ako dahil ang lapit nya sakin. Pero, takte! Dahil sa hawak nya ang palapulsuhan ko ay umaabante sya sakin. Lalo tuloy, lumalapit sakin. anubayan!

"Bitawan mo nga ko!" Pilit ko tinatanggal ang kamay nya sakin pero ang higpit talaga ng hawak nya.
"Anong pangalan mo?" Napataas ang isang kilay ko sa tanong nya.
"Bakit ko naman yan sasagutin? Pwede ba, hayaan mo na ko umalis. Nag-sorry na ko diba?" Napakurap ako at patuloy pa rin sa pag-aatras hanggang sa napapikit nalang ako bigla dahil may kung anong bagay akong nabangga sa likod ng paa ko. Sheet! Paktay!

Akala ko, tuluyan na ko matutumba pero may humila sakin at agad na pumulupot ang braso nya sa bewang ko. Bumilis ang paghinga ko dahil sa nangyare. Im feeling nervous right now.
"Sh*t! Muntikan na yun." Rinig kong bulong nya. Ramdam ko rin ang pagbilis ng hinga nya.

Unti-unti namilog ang mga mata ko nang mapagtanto ang posisyon namin. Halos magkayakap na kami. OhMyGod!
Bago ko sya itulak ay may narinig akong pag-click ng camera.
"This is so perfect!" Napalingon ako sa babeng nagsalita na tantya ko ay may edad na pero halata pa rin ang ganda nito.

Pumunta sya sa harapan namin habang may dalang camera. Geez! Kinuhanan nya kami ng litrato. Bakit?

"Ma, bakit mo yun ginawa!?" Inis na sabi ng katabi ko.
Ngumiti lang ang ginang hanggang sa napatingin sya sakin. Napayuko ako bigla dahil sa hiya. Nakita nya ang nangyare kanina. Shemay!
"Sya na ba yun, iho?" Napakunot ang noo ko sa narinig kong tanong ng ginang kaya napalingon ako sa katabi ko at nakangisi na ito sakin bago bumaling sa ina nya.
"Yes, Ma. She's my Fiance. I just proposed her, last friday." Napanganga ako sa narinig ko. What the!? Kailan ko sya naging Boyfriend para maging Fiance ko? Hindi ko nga sya kilala at wala akong maalala na nagproposed sya sakin nung friday. Nahihibang na ba sya!?
"It's glad to hear, son. Im sure, your dad will be happy for that. Osya, pumasok na tayo sa loob. Kanina pa namin kayo hinihintay."
"Susunod kami, Ma."
"Siguraduhin nyo lang."

Nang umalis ang ginang, doon na ko nagsalita.

"Bakit mo yun sinabi!? First of all, Im not your Fiance and I couldn't remember that you were proposed me, last friday. Eh, ngayon pa nga lang kita nakita." Naiinis kong saad.
"Yeah, I know, pero pinakilala na kita sa Mama ko. So you already my Fiance, whether you like it or not." Sinamaan ko sya ng tingin.
"No, no, no. Im just 18 years old, ang bata ko pa para magkaroon ng fiance. Are you serious?" Tamad nya kong tiningnan.
"Im serious. I don't fvcking care if you are just 18 years old. Don't worry, Im 18 years old too. So what's the problem? Nasa legal age na tayo para mag-Fiance." Napakurap ako.
"Kasalanan mo to, kung hinayaan mo nalang ako umalis. Edi sana hindi to mangyayare!"
"Kung di ka sumakay sa kotse ko, di to mangyayare. tss!"
"Bahala ka nga dyan. I need to go. Just tell your parents that Im not really your Fiance. Nagkamali ka lang."
"No, I can't do that. Subukan mong umalis, siguradong sa bilanggo-an ang uwi mo." Naestatwa ako sandali.
"Huh? What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.
"Alam mo ba na pwede kitang kasuhan dahil sa pagsakay mo sa kotse ko nang di ko alam."
"Are you kidding me?"
"No. Pwede ko sabihin sa mga pulis na tinangka mong nakawin ang kotse ko kaya ka sumakay dito."
"Hindi sila maniniwala sayo."

Sa itsura kong to, magnanakaw? Over my dead precious body. Pero, sa totoo lang, kinakabahan na ako. Pano kung maniwala sila sakanya? Lalo na mayaman itong lalaki na to.

"Ok, Let's see kung di sila maniniwala sakin. I will call to the police, anyway." Seryoso nyang kinuha ang phone sa bulsa nya. Sh*t! Tatawag talaga sya? Bago pa nya pindutin ang phone nya ay pinigilan ko na sya.
"Oo na. Oo na. Di na ko aalis." Takot ko nalang makulong. Ayoko makulong. Sigurado na lagot ako sa mga magulang ko.
"Good. Bigla ata nagbago ang desisyon mo." Unti-unti syang ngumisi. Aba! Mukhang nang-aasar pa ang mokong na to.
"Tinakot mo ko."
"Its not my fault." I just rolled my eyes of what he said.
"By the way, what's your name again?" Masama ko syang tiningnan ulit pero parang bale wala lang sakanya. hayst!
"Sharica." walang gana kong sagot.
"Okay. Im Javen... Nice meeting you, my Fiance." aniya na parang nang-aasar ulit. Arg!
"Walang nice sa meeting natin. Psh!"
"Ok, sabi mo eh." Tumikhim sya. "Mamaya ulit tayo mag-usap. Pumasok muna tayo sa loob." Bumalik ang pagiging seyoso nya. Aish! Inis akong sumunod sakanya.

I hope this was just a dream, but no! This is real. Fvcking REAL!

Kung may Fiance man sya, nasaan? Ako tuloy napili ng mokong para maging subtitute ng Fiance nya. O sadyang, wala talaga syang Fiance tas naisipan nyang magpanggap na meron. Arg! Ang gulo.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now