C - 27

2.2K 56 1
                                    

Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Simula nung umalis kami sa skwelahan ay hindi kami nag-usap. Parang wala manlang may gustong mag salita samin habang nagbabyahe kami kanina.

Kahit gusto ko magsalita kanina ay pinipigilan ko lang. Pano kung di lang nya ko pansinin? Pano kung di nya ko sasagutin sa mga tanong ko? Halata sa mukha nya na wala sya na gana makapag-usap sakin. May kasalanan ba ko sakanya? Shit! Meron nga pala. Yung pagiging huli ng dating namin kanina ni Raine sa laro nila. Tama ba? Baka yun ikinagalit nya sakin? Takte!

Lumabas na ko ng sasakyan at naabutan ko si Javen na nakatayo sa harap ng gate namin habang nakahulukipkip na para bang may hinihintay. Nauna syang lumabas ng sasakyan kanina. Di nga ko pinansin nung bumaba sya at iniwan lang sa loob ng sasakyan. Hmp.

"Javen?" tawag ko kaya napalingon sya sakin. "May kasalanan ba ko?"

Naningkit ang mga mata nya dahil sa tanong ko. Parang hindi sya makapaniwala na tinanong ko pa yun.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Bakit ko pa yun tinanong? Shet! Halata naman na may kasalanan talaga ako dahil sa pinapakita nyang kilos sakin simula nung matapos ang laro nila.

Huminga ako ng malalim nang mapansin na di sya nagsalita.

"Javen, sorry kung nahuli kami ng dating kanina. Hindi ko naman sinasadya. Atsaka, napanood naman kita kanina." sincere kong sabi.

Sana pansinin nya na ko. Nagulat ako nang hawakan nya ang isang kamay ko at hinila papalapit sakanya. Oh, Shit! Napatingala ako sakanya.

Tiningnan ko ang buo nyang mukha. Ang pagka-kunot ng noo nya ay di pa rin nawawala. Hanggang sa dumapo ang mga mata ko sa mga mata nya. Nagkatitigan kami hanggang sa binaba ko na ang tingin ko sakanya.

Para akong hinihingal dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Alam ko na si Javen ang dahilan kaya nagkakaganito ang puso ko. Nagiging abnormal.

"Its ok, though..." mababa at malalim na pagkasabi nya.

Medyo napaatras ako sakanya para may konting distansya na mamagitan sakin. Hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko kahit naramdaman nya na umatras ako. Hindi naman sa gusto ko na tanggalin ang paghahawak nya sa kamay ko, sa katunayan nga nagugustuhan ko na ganito kami.

Binalik ko ang tingin ko sakanya. Ang lapit nya pa rin sakin kahit umatras na ko ng konti.

"Pero, bakit di mo ko pinapansin? Parang galit ka sakin." unti-unti nawala ang pagkakunot ng noo nya.
"Hindi ako galit. Naiininis lang."

Parang narinig ko na ang sinabi nya. Parang pamilyar. Saan ko ba yun narinig? Aish! Baka sa mga kaklase ko lang.

"Naiinis ka dahil sa nahuli kami ng dating kanina? Javen, sorry talaga." pagsusumamo kong sabi.
"No. Hindi yun..."

Kumunot ang noo ko. Kung hindi yun? Bakit sya naiinis? May iba pa ba ko na ginawang kasalanan maliban yun? Parang nabasa nya ang nasa isip ko dahil sa sunod nyang sinabi sakin.

"Pag-isipan mo mabuti. Tch. You easily to forget huh?" masungit nyang sabi.

Binitawan nya ang kamay ko at napamulsa sa harapan ko habang mariin nya ko tinitigan. Napasimangot ako. Kainis sya. Bakit nya binitawan ang kamay ko? Hmp. Napa-cross arm ako at iniwas ang titig nya sakin.

Katahimikan ang dumapo samin dalawa nang wala ng magsalita samin. Ano ba talaga ang kasalanan ko? Ano ba ang nakalimutan ko? Pwede ko syang iwan dito at pumasok nalang sa loob ng bahay namin. Pwede ko rin syang hayaan nalang sa pagsusungit nya sakin ngayon, pero ang problema, di ko yun kayang gawin. Peg-ebeg nge nemen.

Hindi naman sya ganito kanina umaga nung nagkita kami. Hinalikan pa nga nya ko sa pisngi bago magsimula ang-- Teka! Parang naalala ko na, naiinis ba sya dahil hindi ko sya binigyan ng goodluck kiss na sinasabi nya? Huh? Yun ba ang problema nya?

My Secret FianceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora