C - 14

2.7K 76 0
                                    


"ATE! Bilisan mo dyan. Paparating na sila, sabi ni Mama!" rinig ko kay Sharice na mukhang inutusan ni Mama.
"Oo na! Sige na, lumabas ka na!" Inirapan nya muna ako bago lumabas sa kwarto namin.

Tumingin ako sa salamin. Leche! Bat ba kasi kailangan ko pa mag-ayos at magpaganda. Arg! Kung di lang ito utos ni Mama, di ko ito gagawin. Hmp! Napatitig ako sa sarili ko sa salamin. Ayoko maglagay ng make-up sa mukha ko, yung lipstick lang at pulbo, sapat na sakin.

Ang sabi nila, kahit wala kong make-up, maganda pa rin. Yung simpleng ganda lang. Ganern! Maganda naman talaga ko pero kapag tumatagal ang pangit ko na katulad nalang ngayon, yung unang tingin ko pa lang kanina sa salamin, narealize ko na ang ganda ko, pero kapag tumatagal ang tingin ko ay napapangitan na ko, nakakasawa. Lol. Kaya minsan di ako naniniwala sa mga sinasabi nila sakin. Ang pangit ko kaya.

Inayos ko muna ang sarili ko bago umalis sa harap ng salamin. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng cabinet. Itong cellphone na to, balak ko sana ibalik kay Javen pero di na natuloy. Pinapatanggal ko rin sakanya kanina yung singsing na nasa kamay ko pero ayaw nya. Nyemas! Ano bang problema nya at ayaw nyang tanggalin ang singsing na nasa kamay ko? Pano kung makita ito ng future fiance ko?

Binuksan ko ang cellphone ko para tingnan kung may tumawag ba o text at meron nga. May 12 missed calls, at galing lahat kay Javen. Hala. Sayang, di ko na nasagot ang tawag nya. Busy kasi ako sa pagtulong kay Mama na magluto ng mga pagkain kanina para sa mga bwisita - este bisita namin mamaya.

Ang dami nga nyang na-missed calls, pero ang text nya, iisa lang. Binuksan at binasa ko ang text message nya.

Javen: Nandito sila Mama.

Maikli lang text nya pero nyemas! Nakakagulat! Bat bitin yung text nya? Sana manlang pinaliwanag nya kung bakit nandito sa pilipinas ang mga magulang nya. Naku naman oh! Kaya pala ang dami nyang tawag pero di ko manlang nasagot. Gusto ko syang replayan o tawagan pero walang naman akong load, expired na.

"Ate! Dumating na sila! Lumabas ka na nga!" sigaw ni Sharice sa labas.

Nawala bigla ang nasa isip ko tungkol kay Javen at sa mga magulang nya dahil sa sigaw ni Sharice. Shiz! Nandito na sila? Di ko na naiwan ang cellphone ko sa kwarto dahil sa pagmamadali ko na lumabas. Takte!

"Nasan sila?" Tanong ko sa kapatid ko na mukhang hinihintay ako sa sala namin.
"Nasa labas sila, kadadating palang nila."

Sabay kaming naglakad papunta sa labas. Nandoon sila Mama, Papa at Kuya.

Kusang nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang mga kausap nila. Oh God! Totoo bang nakikita ko? Si Tito Ramon at Tita Jhoan ang nasa harapan ng mga magulang ko habang si Javen ay nasa tabi nila. Napatingin sakin si Javen nang mapansin nya ko na papalapit sakanila. Shetay! Totoo nga.

Ito ba ang dahilan kaya naparami sya ng tawag sakin, pero ni-isa di ko manlang nasagot.

"J-javen! Anong..." Di ko na natuloy nang mapatingin sila sakin lahat. Shemay! Bakit ba ko nagsalita agad? Arg!
"Ate, kilala mo sya?"/Kilala mo sya, Crien?" sabay na tanong ni Kuya at Sharice.

Holy Sheet! Tiningnan ko sila Mama at Papa, wala manlang bakas na gulat o pagtataka sa mukha nila. Pero ang dalawa kong kapatid, meron. Takte! Alam ba nila Papa na fiance ko si Javen? Bat di nila sinabi sakin? Nung tinanong ko sila kung sino ang dadating ngayon, ayaw naman nila kong sagutin.

"Mukhang nagulat si Sharica." rinig kong sabi ni Tita Jhoan kaya napatingin ako sakanya.
"Oo nga. Hindi namin sinabi sakanya na kayo ang dadating." sabi naman ni Mama.
"Kaya pala.. Mas mabuti kung mag-usap muna sila ni Javen."

Sumang-ayon naman sila Mama at Papa, kaya pinapasok nila ang mga magulang ni Javen sa loob. Sumunod naman sakanila ang mga kapatid ko.

Naiwan kaming dalawa ni Javen dito sa labas. Ibig bang sabihin, si Tito Ramon ang kaibigan ni Papa kaya nandito sila?

My Secret FianceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora