C - 32

2.1K 59 2
                                    


Limang araw na ang nakalipas, hindi pa rin nagpaparamdam sakin si Javen. Five days na sya na hindi nagpapakita sakin. Err. Tawag o text, hindi nya ginawa para kausapin ako. Kapag ako naman ang nagte-text o tumatawag, hindi nya rin ako sinasagot. Hindi sya nag-rereply. Pati nung orientation namin last week ay di ko sya nakita. Ni-anino, wala. Nagpapa-miss ba sya? Kung, oo. Miss na miss ko na nga sya. Shems! Namimiss din kaya nya ko? Siguro, hindi. Kalungkot.

Gusto ko sana pumunta sa bahay nila, ang problema di ko alam. Nakalimutan ko na kasi ang daan papunta sakanila. Matagal na rin nung pumunta ako sa bahay nila. Kamusta na kaya ang lalaki na yun? Parang nakalimutan na ko, eh. Saklap. Baka iniwan nya na ko nun. Sheet! Wag naman.

Sana ngayon, mag-paramdam na sya sakin.

Mukhang tinupad ang 'sana' ko, dahil tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Javen sa screen. Oh My... Tumatawag na si Javen. Sasagutin ko ba? Hmm. Parang ayoko sagutin. Gusto ko na maranasan din nya na hindi sya sinasagot. Bahala sya. Nakakainis eh. Ngayon lang naisipan tumawag. Tch. Kahit namimiss ko sya, kailangan ko magpakipot. Langya.

Nakatitig lang ako sa cellphone ko na hanggang ngayon ay tumutunog pa rin.

"Ate, papanoorin mo nalang ba yang phone mo?" nawala ang atensyon ko sa phone ko at inilipat iyon sa kapatid ko na nasa harapan ko. Nakasubangot ang mukha nya sakin. "Nakakarindi na sa tenga yang ringtone na yan. Kung hindi mo sasagutin si Kuya Javen, e-cancel mo ang tawag. Yun lang kadali." inis nyang sabi.

Di ko napansin na nakita nya pala kung sino ang tumatawag sakin. Napangisi ako bigla nang may naiisip na plano.

Kumunot ang noo ng kapatid ko nang makita nya na inabot ko sakanya ang phone ko. Lalo tuloy ako ngumisi. Shit! Nasisiraan na ata ako ng ulo dahil kay Javen. Takte!

"Ikaw ang kumausap kay Javen. Sabihin mo sakanya na busy ako at may kausap ng ibang lalaki. Ok?" utos ko habang nakangisi.

Napangiwi sya na tinanggap ang cellphone ko. Alam kong magseselos si Javen kapag nalaman nya iyon. Baka mamaya pupunta na yun dito. Success ang plano ko kapag mangyare yun. Ang sama ko ba?

"Bakit ko naman yun gagawin, ate?" sabay tingin sa phone na hawak nya.
"Dahil gusto ko. Sundin mo nalang ako kung ayaw kita isumbong kila Mama na may jowa ka. Naku!" inis sya na napairap sakin.

Sinagot nya naman ang tawag ni Javen. Ni-loudspeaker pa nya ang phone para marinig ko ang boses ni Javen. Buti naisipan nya yun gawin.

"Hello, Kuya? Si Sharice to." aniya sabay tingin sakin.

Humalukipkip ako habang pinapanood si Sharice. Tinaasan ko sya ng kilay dahil sa masama nyang titig sakin. Psh.

"Sharice, Nasaan ang ate mo? Bakit ikaw ang sumagot?" rinig ko sa kabilang linya.

Di ko na mapigilan ngumiti habang kagat-kagat ang ibabang labi ko. Hinahanap nya ko. Shemay! Namiss ko ang boses nya.

"Si Ate? Ahm.. Inutusan nya ko na sabihin sayo na may kausap daw syang ibang lalaki kaya busy sya pero ang totoo naman ay nasa harapan ko lang sya at hindi busy, Kuya." nakangisi nya na sumbong.

Unti-unti nanlaki ang mata ko habang sinasabi nya iyon. Nawala na rin ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi ng walanghiya kong kapatid. Inagaw ko ang cellphone ko sakanya bago ko pa marinig ang magiging sagot ni Javen at pinatay na ang tawag. Narinig ko pa ang tawa ni Javen sa kabilang linya bago ko tapusin ang tawag. Putspa!

Masama ko tiningnan si sharice. Nahalata ko na umatras sya ng konti sakin.

"Bakit mo yun sinabi!?" galit na tono na sabi ko.
"Sinunod lang naman kita." ngisi nya pa rin sabi.
"Sharice! Hindi mo ko sinunod. Sinabi mo ang totoo!" singhal ko sakanya.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now