C - 36

2.1K 55 9
                                    


Kakainis si Raine! Di ko na sya matawagan ulit, lagi na out of coverage. Di ko tuloy alam kung anong nalalaman nya kay Javen. Err. Kainis talaga.

Alam ko na may pagkachismosa sya, pero hindi lahat ng nariring nya ay sinasabi sakin. Hindi lahat ng nalalaman nya ay sinasabi sakin. Pili lang ang sinasabi nya sakin. Chismosa sya pero, hindi nya sinasabi sa iba o kinakalat sa iba ang lahat ng mga nalalaman/naririnig nya. Kahit sakin, hindi agad sinabi ang tungkol kay Karrick pati kay Javen. Err.

Gulong-gulo ang utak ko dahil sa kakaisip ko sa mga narinig ko kay Raine kanina. Hindi ko maintindihan. At maraming tanong ang nasa isip ko, lalo na ang huli nyang sinabi. Alam nyang kasali si Javen, pero saan?

Ayoko isipin na kasali si Javen sa gang. Ayoko isipin na yun ang tinutukoy ni Raine. Dahil impossible... Impossible na kasali sya. Shiz!

"Ma'am? Saan ho kayo baba?" napabaling ako sa unahan.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na nakasakay ako sa taxi. Oh... My... God... Paano ako nakasakay dito? Holy Shit! Siguro, di ko lang namalayan na sumakay ako rito dahil sa kakaisip ng kung ano-ano. Wala ako sa sarili kanina.

May trauma pa naman ko sa taxi. Dahil baka manakawan ulit ako. Ayoko mangayre yun. Napalunok ako sa kaba.

"Di-dito nalang po ko baba, M-manong." aniya ko.
"Kakasakay nyo lang ho. Baba na kayo agad?" takang tanong nya.
"O-opo." tanging sagot ko nalang.

Laking pasasalamat ko na tinigil nya ang sasakyan. Buti nasa matao na lugar kami. Nagbayad na ko kay manong, at bumaba na. Nakaginhawa ako ng maluwag nang makalabas na ko ng taxi.

Mukhang mabait naman si manong at parang walang balak na masama sakin. Pero, natatakot pa rin ako. May phobia na ata ako sa pagsakay ng taxi.

Sa jeep nalang ako sasakay. Pumara ako nang may makita at sumakay na. Papunta ako sa lugar na tinext sakin ni Dryle kanina.

Pumayag ako makipagkita sakanya, dahil nag-alala ako at nagtataka rin. Parang may masamang nangyare sakanya. Baka kailangan nya ng tulong ko. Wala na ko nararamdaman sakanya pero kaibigan ko sya, may pinagsamahan rin kami kahit ex ko sya. Im just concern for him, kaya pupuntahan ko sya.

At isa pa, may sasabihin daw sya sakin. Nako-curious ako kung anong sasabihin nya sakin. Mukhang mahalaga.

After 30 minutes, nakarating na ko sa lugar. Linibot ko ang mga mata ko sa paligid. Umihip ng malakas na hangin. Teka, parang pamilyar itong lugar na to. Parang napuntahan ko na.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Walang mga tao. Walang gumagala na sasakyan. May mga bahay naman at building pero mukhang abundanado na. Mukhang walang gumagamit.

Napatigil ako nang maalala kung nasan ako. Parang gusto ko na bumalik. Parang gusto ko na lumayo rito at umatras. Pero, pano si Dryle? Sigurado ba na, nandito sya? Sigurado ba na ang tinext nyang lugar sakin? O, baka nagkamali lang sya sa binigay? Sana.

Hindi nga ko sumakay sa taxi at ninakawan, pero nakarating naman ako rito sa lugar kung saan ako naligaw noon nung matapos ako manakawan at dito rin binaba noon. Dito rin nag-umpisa kaya nakilala ko si Javen. Gusto ko matawa dahil sa nangyare sakin ngayon. Parang sinasadya ng tadhana na makarating ako rito. Napailing ako.

Tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext sakin. Binasa ko iyon.

Nandito nga si Dryle, nasa isang building sya. Yun ang sabi sa text nya.

Kahit kinakabahan ay kailangan ko labanan ang takot ko. Kailangan ko maging matapang. Kailangan ko sya puntahan para malaman kung bakit nya ko gusto makausap o makita. Atsaka, bakit sa dinadami ng lugar, dito pa nya naisipan na magkita kami?

My Secret FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon