C - 4

4K 100 2
                                    

"Aray! Bakit mo ko sinapak!? huh!?" inis na singhal ni Javen nang matapos ko syang sapakin sa kaliwang braso nya. Ang arte! Alam kong mahina lang iyong sapak ko para sakanya. Psh!

Nandito kami sa garden ng mama nya, dito nya ko dinala para makapag-usap kaming dalawa. Sa wakas nga, natapos na ang nangyare kanina sa loob.

"Eh, sa naiinis ako sayo! Kaya pala, ginamit mo ko para may ipakilala kang fiance sa mga magulang mo dahil ayaw mong mahirapan!" balik kong singhal sakanya.

Nalaman ko kasi na kung walang ipakilala si Javen ng fiance sa mga magulang nya ay babawiin sya ng lahat meron sakanya. Kumbaga, grounded sya. Aish!

"Hindi kita ginamit, ok!? Oo, ayaw kong mag-hirap. Ayaw kong mawalan ng pera, kotse o anong meron sakin ngayon. Ayaw ko rin na ilipat nila ko ng skwelahan sa public!" Ang arte nya talaga! Palibhasa, sanay sa karangyaan.
"Hindi mo ko ginamit? Eh, bakit nandito ako ngayon!?"
"Nandito ka dahil fiance kita." pilosopo nyang sabi. aba! Konti nalang, sasapakin ko ulit sya Napakurap ako at iniba nalang ang usapan.
"Sabihin mo nga sakin. Nasaan ang totoong fiance mo? Bakit hindi nalang sya ang ipinakilala mo?"
"Bakit mo yan tinatanong? Nasa harap ko ang totoo kong fiance. Ikaw yun diba? tsk!" Napatampal ako sa noo ko dahil sa namimilosopo nya ulit.
"Javen naman! Sumagot ka sakin ng matino!" feeling ko nati-trigger na ko sa mga sinasagot nya sakin. Gigil na gigil na ko dito! "Wala ka bang fiance na dapat ipakilala mo sa mga magulang mo!? o kahit girlfriend manlang huh? Hindi yung ako pa!" dugtong ko.
"Wala." tipid nyang sagot.
"Anong wala?"
"Kailangan ko pa bang ulitin yung tinanong mo sakin?" tamad nya sabi.
Argh! Nyemas, Javen! May ganito ka palang ugali. Feeling ko ulit na lagi akong maha-high-blood kapag kausap ko sya. Ugh!
"Wala kang fiance o girlfriend?"
"Uulitin ko pa ba ang sagot ko?" Pagkatapos ko iyon marinig ay bigla kong ginulo ang buhok ko dahil sa inis na nararamdaman.
"Javen naman! Bakit ka ganyan!?" sabi ko na parang naiiyak na sa inis.

Unti-unti sumilay ang ngisi mula sa labi ni Javen. Teka, pinagti-tripan ba ko ng mokong!?

"Anong ngi-ngisi mo dyan!?"
"Sharica, ayoko inuulit ko ang sinasabi ko o kahit sino. Kung anong kinuha o narinig mong sagot, yun na yun." turan nya na hindi manlang pinansin ang tanong ko.
"Pano kung hindi ko na-gets ang sagot huh!? Katulad nalang kanina!?"
"Problema mo na yun." Tumalikod ako sakanya para talikuran na sya. Ayoko na, suko na ko makapag-usap sakanya.
"Saan ka pupunta?" ngayon tatanong-tanong sya sakin.
"Aalis na."
Pumunta sya sa harapan ko at huma rang. Napatingin tuloy ako sakanya.
"Kailangan pa natin mag-usap."
"Wala ka namang kwentang kausap." sabay iwas sa tingin nya. Mukha kasing tinatawanan nya ko dahil sa itsura ko ngayon.
"Gusto mong makulong?" Ayan na naman sya, tinatakot nya ko. May posibilidad naman talaga ako na makulong dahil sa ginawa kong pagsakay nang di nya manlang alam. Ito tuloy naging resulta.
"Eh, ikaw gusto mong makulong dahil nagnakaw ka ng halik sakin! Nanghalik ka sakin ng di ko alam! Hindi mo sinabi sakin na hahalikan mo pala ko kanina!"

Pagkatapos ko iyon sabihin ay bigla syang tumawa. Napanguso ako dahil sa nakikita kong reaksyon mula sakanya. Tinatawanan nya ba yung halik? Aba!

"Hahah.. Isang halik lang naman iyon, First kiss mo ba? pfft." turan nya habang tumatawa pa. Napasimangot ako. Sana pasukan sya ng langaw sa bunganga, para ako naman ang tumawa. hmp!
"Hindi! Second Kiss ko iyon. Pero sana naman, hindi ka nanghahalik." Napatigil sya sa pag-tawa. Mabuti naman. Nakakarindi tawa nya, kahit hindi naman talaga. Argh!
"Kailangan kita halikan, para maniwala sila satin." balik serysoso nyang sabi. Ang bilis talaga nya magbago ng mood.
"Whatever. Pano na yan? Ako na ang pinakilala mong fiance sa mga magulang mo. Anong balak natin?"
"Dapat natin panindigan tong dalawa. Kung mag-fiance tayong dalawa, edi mag-fiance."
"Kailan naman tayo titigil?"
"Di ko alam."
"Hindi naman tayo siguro aabot sa kasal? diba?"
"Hindi." Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko.
"Mabuti naman. Atleast, magpapanggap lang tayong dalawa sa harap ng mga magulang mo."
"Sinong nagsabi na magpapanggap lang tayo?" Namilog ang mga mata ko sa gulat.
"Bakit? H-hindi ba?"
"Hindi tayo magpapanggap. Gaya ng sabi ko kanina, ikaw na ang fiance ko mula ngayong araw."
"P-pero, akala ko."
"Sharica. Just accept the fact that Im now your fiance, ok? Kung may boyfriend ka man, dapat mo na syang hiwalayan. Dahil, ako. Ako na ang fiance mo ngayon." Napanguso ako sa sinabi nya.
"Pero hindi tayo n-nagmamahalan."
"Nagmamahalan? Kailangan pa ba iyon? Kahit hindi naman iyon kailangan, ang mahalaga ay makita ng pamilya ko na may fiance ako. At isa pa, maghihiwalay din naman tayo."
"Hindi ko maintindihan, Javen. Mag-fiance tayong dalawa pero hindi natin mahal ang isa't-isa. Pano kung mahalata nila tayo?"
"Hindi nila tayo mahahalata. Pwede natin e-peke ang pagmamahal na sinasabi mo sa harapan ng mga magulang ko pero ang pagiging fiance natin dalawa, hindi."
"Bakit ba hindi nalang tayo magpanggap?"
"Kilala ko ang mga magulang ko, gagawa sila ng paraan para malaman kung totoo ba tayong mag-fiance o hindi."
"Hindi pa ba sapat ang ginawa mo kanina para maniwala sila."
"Hindi, kahit nakita nila iyon, alam kong nakukulangan pa sila." Napatahimik ako sandali.

Hindi kami pwede magpanggap pero pwede namin epeke ang pagmamahalan namin sa isat isa. Parang ganun din eh. Parang nagpapanggap din kami na mag-fiance. Ang gulo. Huh?

"Pano mga magulang ko? Malalaman nila na may fiance ako?"
"Hindi nila malalaman."
"Bakit naman? Akala ko ba, hindi tayo magpapanggap."
"Hindi nga pero gagawin natin itong sekreto." Napanganga ako sa sinabi nya.
Ayaw nya magpanggap kami pero gusto nya maging sekreto to. huh!
"Bakit naman?"
"Siguro naman, ayaw mong malaman ng mga magulang mo na may fiance ka at sa ibang tao?"
"O-oo." Hindi ko alam kung bakit may pag-aanlingan sa sagot ko.
"Ganun din ako. Ayaw ko rin malaman ng ibang tao at sa mga kaibigan ko na may fiance ako. Kaya, e-sekreto nalang natin."
"B-bahala ka."
"Ikaw, ako, at ang tangi ko lang pamilya na nakakaalam ang tungkol satin."
"Hindi ba tayo mabubuking ng mga magulang mo?" Umiling sya sakin.

Mahina akong napabuntong-hininga. Maganda na ito siguro. Na walang ibang nakakaalam na may fiance na ko.

I need to accept that I have already now fiance dahil nandito na ko sa sitwasyon nito. Hindi na pwede pang ibalik.

Dumapo samin ang katahimikan pero maya-maya nagsalita ulit ako para basagin ito.

"Hindi ba talaga tayo mabubuking?" ulit kong tanong. Gusto ko lang masigurado dahil kung mabuking kami ay siguradong madadamay ako kahit sya ang nagplano nito. Napa-poker face tuloy sya.
"Hindi, kung isasarado mo yang bibig mo." Napa-pout ako.
"Bakiy kasi ako pa?" Sinamaan nya ko ng tingin.
"Wag kang magreklamo. Oh ito!" Bumaba ang tingin ko sa hawak nyang singsing. Di ko napansin na may ganyan pala syang hawak kanina. Tinago nya ba?
"Ano yan?"
"Edi singsing. Nakita mo diba? Aish!" Napangiwi ako. Oo, alam ko iyon.
"I mean, anong gagawin ko dyan?"
"Edi tanggapin mo at suotin."
"P-pero, bakit?"
"Pwede ba, wag ka ng magtanong."
"A-ayoko, di ko yan susuotin." Umirap ako. Alam kong fiance ko sya pero pwede naman na wala nalang yung singsing eh.

Sa gulat ko ay hindi ko na napigilan si Javen na kunin nya ang kanan kamay ko at sya na mismo ang nagsuot sa gitnang daliri ko yung singsing. Shemay! Hindi manlang dinahan-dahan ang pagsusuot sa daliri ko yung singsing.

"Teka, sabing ayoko tong suotin diba!?"
"Ang arte mo! Simula ngayon, fiance na kita!"
"Sekretong magfiance kamo. Psh!"

Napatitig ako sa singsing na nasa daliri ko. Simple lang pero maganda, halata na mukhang mamahalin ang presyo nito. Pwede ko itong isangla.
Shet! Ang hapdi ng daliri ko. Medyo masikip kasi yung singsing sa gitnang daliri ko.
Hinawakan ko ang singsing, gamit ang isang kamay ko para tanggalin ito. Pero, nyeta! hindi matanggal, lalo lang humahapdi kapag tinatanggal ko. Masakit.

"Javen! Bakit hindi ito matanggal?" Napataas ang isang kilay nya.
"Malay ko."
"Alam ko na sinadya mo to para di ko matanggal." Pano naman kasi, kanina habang sinusuot nya sakin yung singsing, nahalata kong medyo sya natagalan.
"Alam mo pala, bakit ka pa nagtatanong?" aba! aba! sabi ko na eh.
"Javen, tanggalin mo. Masakit."
"Paki ko." Napasimangot ako.
"Di bale, sa iba ko nalang ipapatanggal." Bigla syang ngumisi.
"Kahit sa iba mo pa yan, ipatanggal. Hindi pa rin yan tatanggal."
"Huh? Bakit?"
"Dahil ako. Ako lang mismo ang makakatanggal yan." Sinamaan ko sya ng tingin.
"Ang sama mo. Bakit kailangan pa kasi nito? Pwede ko naman itong suotin kapag nandyan ang mga magulang mo." Napawi ang ngisi nya mula sa labi.
"Yang singsing na yan, ang magmamarka na may nagmamay-ari na sayo. Na akin ka na." mariin nyang sabi.

Unti-unti ako napanganga sa sinabi nya. Parang kinilabutan ako sa narinig ko.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now