C - 3

4.4K 99 1
                                    


Pilit akong ngumiti sa harap ng mga magulang ni Javen. Nasa hapag-kainan kami at ito nga nasa tabi ko ang mokong.

Masasarap ang mga pagkain na hinanda nila. Actually, bigla ako nagutom kanina nang makita ko ang mga pagkain, gusto ko nga na sunod-sunod ang subo ko sa bibig ko ang pagkain, kaso nga lang nakakahiya. Baka isipin pa nila na patay-gutom ako. Ugh. Kasalanan ko ba na nagutom ako kanina.

"Iha. Ilang months na ba naging kayo ng anak ko? Umabot ba kayo ng taon?" rinig kong tanong ni Tita Jhoan, ang mama ni Javen.

Inaasahan ko na magtatanong sila samin dahil sinabi na ito ni Javen sakin kanina kaya di na ko nagulat.

Hindi ko na rin kailangan sumagot kahit ako pa ang tanungin dahil si Javen na ang bahala. Pano ako sasagot? Eh, hindi ko nga alam. Kaya na yan ni Javen, total sya ang nagplano nito.

Enjoyin ko muna ang pag-kain sa mango float. Ang sarap. Parang gusto ko pa, parang nakukulungan ako na nasa platito. I want more. Pano ba naman kasi, hindi ako nabusog kanina.

"2 years ko na naging girlfriend si Sharica, Ma." rinig ko naman sagot ni Javen.

Nakita kong napakunot-noo si Tito Ramon, ang papa nya.

"Two years naging kayo, bakit hindi namin alam?" takang tanong ni Tito.
"Oo nga anak. Ang tagal na pala na naging kayo."
"Ma, Pa, ayaw ni Sharica na sabihin namin sa lahat na may relasyon kaming dalawa. Hindi pa daw sya handa, kaya tinago namin." napabaling ako sa katabi ko. What the heck!? Hindi ko alam na magaling pala sya gumawa ng kwento.
"Totoo ba iyon, iha?" tanong naman sakin ni Tita.

Akala ko si Javen ang sasagot, ngunit nakatingin sya sakin at parang sinasabi na 'sumakay ka sa gusto ko, gaya ng pagsakay mo sa kotse ko'... Naman oh! Magsisinungaling din ba ko? Ang daya! Sabi nya di ko na kailangan sumagot. Arg.

"O-opo." tipid kong sagot dahil baka tuluyan na ko mapatay ni Javen sa mga titig nya sakin.
"Bakit naman iha?" Oh, God! Anong isasagot ko ulit. Takte naman!
"A-ayaw kasi ng mga magulang ko na magkaroon ako ng boyfriend, natatakot po ko kapag nalaman nila pero nung last week, sinabi ko rin sa mga magulang ko ang totoo na may boyfriend ako. Tinanggap naman nila yun at t-tanggap din nila si Javen para sakin." Pwe! My God! Nakaya ko yun sabihin? Teka, saan ko ba yun napulot? Ugh.
"Pero, alam din ba ng mga magulang mo na Fiance mo na ang Boyfriend mo ngayon?" Napailing ako at handa na sana sumagot pero inunahan na ko ng katabi ko. Psh!
"Ma, hindi pa nila alam but soon, we will tell them." Napairap ako sakanya.

Nagpatuloy ang pag-uusap. Kada-tanong ni Tita tungkol samin ay si Javen na ang sumagot.
Nagtanong nga si Tita kung saan ba daw kami nagkilala, ang sinagot naman ni Javen ay sa school lang daw. Eh, hindi ko nga alam kung pareho ba kaming skwelahan na pinapasukan.
Tapos, tinanong din kung pano ako niligawan ni Javen? Sagot naman ni Javen sakanila ay 'pa hard to get daw ako, kaya medyo sya sa nahirapan sakin manligaw, umabot pa nga daw ng 2 weeks'.
Aba! Kung pwede lang pumalakpak sakanya, nagawa ko na. Ang galing eh. Ang mas nakakasuka sa sinabi nya, ay yung 'nainlove daw ako sakanya kaya ko sya sinagot' Hanep! Napabilib ako sa paggawa ng kwento nya. Sana manlang makonsensya sya.

"Jhoan, ikaw na magsabi sa anak natin ang tungkol sa pag-alis natin mamaya." Pag-iiba ni Tito sa usapan. Buti iniba nya. Whoa!
"Oo nga pala, anak. Muntik ko ng kalimutan sabihin."
"Aalis ulit kayo?" tanong ng mokong
"Oo, nak. Mamayang 10pm, kailangan asikasuhin ang negosyo natin sa ibang bansa pagkatapos namin pumunta sa Davao. Sayang nga, hindi muna namin makilala ang mga magulang ni Sharica." So, ibig sabihin kung hindi sila aalis ay pupuntahan nila mga magulang ko para makilala nila. Naku naman! Wag dapat nila yun gagawin dahil sermon ng mga magulang ko ang aabutin ko. Buti nalang aalis sila.
"Kailan kayo babalik?"
"Maybe, next year. Masyadong busy anak, kaya baka matatagalan kami. Bukas pala, dadating ang kuya at ate mo, kasama nila ang mga pamilya nila. Dito muna sila titira."
"Yun na eh, aalis na kayo. May dumating pa. tss!" rinig kong bulong ng katabi ko kaya kumunot ang noo ko. Ayaw ba nya makasama ang mga pamilya nya?
"Javen?" tawag ni Tito sakanya
"Bakit, Pa?"
"Kailan kayo magpapakasal ni Sharica, since you two were already Fiance. May date na ba?" Muntikan na ko mabilaukan sa kinakain kong mango float dahil sa seryosong tanong ni Tito. Sa lahat ng tanong kanina, ito yung nakakagulat. Hindi ako prepare.
Akala ko ba fiance lang ako, hindi ako pwede umabot sa kasal. duh!
"Baka next year, kapag dumating na kayo. Maybe on April or May." parang hindi manlang kinabahan ang mokong sa pag-sagot.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now