C - 26

2.1K 62 0
                                    

Si Haylie at Kiefer ang nanalo sa Mr. & Ms. Intrams. Sa simula pa lang, alam ko na si Haylie ang mananalo. Sobra nyang galing kanina, kaya wala ng duda.

Second runner up lang ako. Atleast, may nakuha. Nanalo rin pala kami ni Kiefer sa Best in Partner. Naks! Hindi ko talaga ine-expect na mananalo kami ron.

"Oh, Raine. Akala ko ba di ka papasok dito?" tanong ko sakanya nang makita ko syang pumasok dito sa loob. Nasa comfort room kami ng mga girls at katatapos ko pa lang magbihis.

Mabilis sya na lumapit sakin at mukhang di mapakali. Imbes na sagutin ako, ay hinawakan nya ko sa kabilang siko ko at kinuha ang lahat ng gamit ko na nasa sink.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" takang tanong ko. "At isa pa, Bitawan mo ko."
"Shari, papasok sila Haylie dito. Kailangan natin magtago!" napa-huh ako pero di nya yun pinansin.

Hinila nya ko papunta sa pinakagilid ng cubicle at pumasok kami roon. Ang resulta, nagsisiksikan kami sa loob. Pashnea! Hindi ko talaga alam ang mga kinikilos ni Raine ngayon. Weird!

"Bakit tayo magtatago rito? Pwede naman tayo lumabas." mahina kong sabi.
"Basta.. Tahimik lang tayo." binigay nya sakin ang mga gamit ko kaya tinanggap ko yun.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Raine nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. Parang hindi kami makagalaw nang marinig na namin ang mga boses ng tatlong babae. Shet! Kapag gumalaw kami, ay baka may magawa kami na ingay. Sigurado na, huli kami! Pati ata paghinga namin ni Raine, pinipigilan namin. Syempre, di iyon totoo. Baka mahimatay kami rito kung pipigilan namin.

"Akala ko ba, Haylie. Mabait ka? Unti-unti na ata lumabas ang ugali mo."

Pareho namilog ang mga mata namin ni Raine dahil sa narinig.

Kaya ba nagtago kami rito para marinig ang usapan nila Haylie? Takte! Chismosa talaga ni Raine. Ang daming alam. Akalain nyo yun, alam nya talaga na mag-uusap sila Haylie dito sa loob.

"Honestly, hindi ako mabait! Pinipilit ko lang na magpakabait. And I swear, its so hard to be a good person, Err!" alam ko na kay Haylie ang boses na yun. Pati ang pananalita nya ay nagbago.
"Mahirap talaga. Pero, magaling ka naman magpanggap. You really a good actress, anyway."
"I know, pero ayoko na maging mabait. Nakapapagod. Tch!"
"Bakit ka ba kasi nagpapanggap na maging mabait?"
"Oo nga, kung ayaw mo naman at napipilitan ka talaga."
"Well, I thought, Javen will approach me kapag nakita nya ko." napatakip ako sa bibig ko nang banggitin nya si Javen.
"Pano yan? Di ka nilapitan? So, what's your plan now?"
"Simple lang. Ako mismo ang lalapit sakanya."

M-may gusto ba sya sa fiance ko? Kaya lalapitan nya? Dapak! No way! Pakiramdam ko habang sinasabi nya yun, ay nakangiti sya ng nakakaloko. Err!

"How about Dryle? at ang babae na sinasabi mo?" narinig namin ang pagbukas ng pinto. Lalabas na ata sila.
"Dryle knew about this. Maiintindihan nya ko. And the girl..." hindi na namin marinig ang idudugtong nya dahil biglang tumahimik.

Nang marinig namin ang pagsarado ng pinto ay lumabas na kami sa cubicle na pinagtataguan namin. Nyeta! Pinag-pawisan pa kami dahil sa init.

"Woah!" sabay buga nya ng hangin sa bibig nya na para bang nakahinga sya ng maluwag. "Magre-retouch na nga lang ng mga mukha nila, umabot pa ng isang oras!" irap na reklamo nya at humarap sakin. "Sabi ko na ba! Hindi mabait si Haylie. Plastic sya! Bitch! Ngayon, naniniwala ka na?"

Napaharap ako sa salamin, habang sya naman ay ini-isa-isa tinitingnan ang mga cubicle kung may tao ba na nasa loob. Nang makitang wala, ay pumunta sya sa pinto at nilock. Bumalik sya sa tabi ko.

"Nanggaling na sa bibig nya, kaya naniniwala na ko. Hindi ko naman talaga inaasahan na magiging ganun sya." tingin ko sakanya sa salamin.
"Ganun talaga kapag magaling umarte! Sa panahon ngayon, uso na ang magpanggap! Hindi lahat ng tao, totoo sayo. Hindi rin lahat ng tao, kailangan mo pagkatiwalaan. Tch. Baka, mamaya ginagamit ka lang o kaya may masamang intensyon sayo. Mahirap na magpaloko, noh! Tapos sa huli, masasaktan ka lang? Aba! Yan napapala sa mga madaling magpaloko! Mas mabuti kung kilalanin mo muna ang isang tao, kahit mabait pa yan dahil baka mamaya, may baho pa pala na tinatago yan. Delikado! Katulad nalang yang si Haylie! Akala natin mabait, yun pala may sira sa ulo. Plastic, katulad ng mukha nya na plastic! Err!" gigil nya.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now