C - 5

3.1K 90 0
                                    


Lumayo si Javen sakin nang sagutin nya ang tawag sa cellphone nya. Naalala ko tuloy yung cellphone ko, di pa yun nag-one-year, kinuha na sakin. Sayang. Sayang talaga.

Napakunot ang noo ko nang marinig ko si Javen na sumigaw. Luh. Galit?

"Putangina, nyo! Mga gaqo! Sinabi ko bang pumunta kayo! Aish! Anong napala nyo!? Wala!" matigas na turan nya sa kausap.

Hindi ko na marinig si Javen na magsalita pa. Sino kaya ang kausap nya? Kawawa naman yun. Grabe din maka-talkshit si Javen, eh. Ganyan pala sya magalit. tch!

Nakita kong papalapit na sya sakin at kita ko din sa mukha nya na nawalan sya ng mood ngayon. Parang bigla syang nagkaroon ng problema. Karma nya na ito siguro. whahaha!

"We need to go. Ihahatid na kita sa inyo." walang gana nyang sabi nang makarating sya sa harapan ko.
"Hindi ba tayo magpapaalam sa mga magulang mo?" Syempre, bilang respeto na rin noh.
"Bahala ka. Umuwi ka nalang mag-isa." sabay talikod sakin para umalis. Aba! Wala talaga syang respeto sa mga magulang nya.
Tapos, Iiwan nya ko dito? No. Hinabol ko sya at sumunod sakanya para puntahan kung saan nakapark ang SUV nyang kotse.

Napatigil kami sa harap ng SUV nya at humarap sya sakin habang nakataas ang isang kilay nya.

"Akala ko ba, magpapaalam ka sakanila?" tanong nya.
"Eh, iiwan mo ko dito." napa-face palm sya.
"Psh! Sumakay ka na." utos nya at umalis na sya sa harapan ko para pumunta sa driver seat.

Binuksan ko ang pinto ng front seat at sumakay na. Parang kanina lang, nasa likod ako nakaupo pero tingnan nyo naman ngayon, nandito na ko sa harapan nakaupo.

Pinaandar nya na ang kotse at tuluyan na kaming umalis sa bahay nila. Sa wakas, makaka-uwi na ko. This time, totoo na to. Shet! Ginabi na kong umuwi. Papagalitan kaya ko?

"Wala ka bang ibang babae na nahanap para gawin mong fiance?" Basag ko sa katahimikan. Eh, ayoko sa tahimik.
"Wala akong mapili." sagot nya habang abala sa pag-drive.
Woah! Ibig sabihin, maraming babae ang pagpipilian nya, pero ni-isa wala syang mapili. hanep!
"Bakit?" Nagkibit-balikat sya bago sumagot.
"Lahat sila may gusto sakin." Wow, just wow! Alam kong may itsura syang lalaki, gwapo (pwe!) pero sana naman, pumili nalang sya.
"Grabe ka tsong! Sana pumili ka nalang sakanila." sinamaan nya ko ng tingin.
"Ayoko, masyado silang obsess sakin."

Naku! Marami palang nakakandarapa sakanya, pano na yan na may fiance na sya ngayon? Hahabulin pa rin ba sya? Syempre, meron pa din yan. Because, Im just his SECRET Fiance. Secreto lang. Walang ibang nakakaalam.
Kung iisipin nyo na nagseselos ako, NOPE! Hindi, pero sabagay may karapatan din ako magselos dahil FIANCE nya ko. Kaso nga lang wala akong nararamdaman sakanya, kaya bakit naman ako magseselos?

"Kaya ba ako nalang ang pinili mong maging fiance dahil alam mong di kita gusto?"
"Siguro.. Pero may kasalanan ka rin naman." Napakagat ako sa labi ko nang banggitin nya ang kasalanan ko. Sumakay lang ako sa kotse nya kanina. Kasalanan na agad? hmp!
"Bakit... Bakit pala gusto ng mga magulang mo na magkaroon ka na ng fiance, eh 18 ka palang diba? Ang bata pa para magpakasa." Tanong ko. Kanina pa ito na nasa isip ko.

Sandali sya tumingin sakin at binalik ang tingin sa daan bago nya ko sinagot.

"Sana tinanong mo nalang yan sa mga magulang ko." Napakunot-noo ako.
"Hindi mo ba alam?" Napakibit-balikat sya. Hindi nya ba talaga alam? Ugh. Siguro, alam nya talaga pero tamad lang sya sabihin sakin ngayon. Napanguso nalang ako.

"Saan ka pala nakatira?" Bumaling ako sakanya dahil sa tanong nya.
Oo nga pala. Di ko pa sinasabi sakanya kung anong address ko. Napatingin ako sa labas para tingnan kung nasaan na kami.
"Ahm.. Dito mo nalang ako ibaba." Turan ko nang nasa harapan na kami sa isang mall. Tumigil naman ang sasakyan.
"Dito? Bakit dito sa harap ng Mall?" Kunot-noo nyang tanong.
"Naalala ko bigla na magkikita kami ngayon ng kaibigan ko dyan sa Mall." Shet! Kung sya magaling magsinungaling, pwes ako rin.
"Magkikita kayo ng ganitong oras?"
"Oo. 8:00 palang naman ng gabi. Baka nga hinihintay na ko nun." Pilit akong ngumiti para di nya ko mahalata na nagsisinungaling ako. "Aalis na ko." aniya ko ulit nang di sya nagsalita.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng front seat nang pigilan nya ko. Ano na naman ba?

"Teka." Napalingon ako sakanya.
"Ano?"
"Pahingi ako ng cellphone number mo."
"Wala akong cellphone."
"Niloloko mo ba ko?"
"Hindi. Promise... Wala ako nun. Ninakawan ako kanina. Pati nga bag ko, ninakaw." Narinig kong napa-buntong hininga sya.
"Sabihin mo nalang sakin ang buo mong pangalan."
"Sinabi ko na diba, kanina?"
"Pangalan mo lang ang sinabi mo, walang apelyido. I want to know your last name. So, tell me?" Napakagat ako sa sariling labi, shet! Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba talaga.
"Sharica... Sharica Del Monte."
"Sigurado ka? Baka, nagsisinungaling ka sakin."
"Hindi ako nagsisinungaling. Totoo na Del Monte ang apelyido ko." Inis syang napakurap.
"Siguraduhin mo lang, dahil sa oras na malaman ko ang totoo mong pangalan, alam mo na ang magiging kapalit." Banta nya. As if naman na natatakot ako, hmp! Hindi ako natatakot dahil aalis din naman ako.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala, Javen."
"Tsk! Alis na, Bumaba ka na." Napairap ako dahil sa pagtataboy nya sakin.

Nang makalabas na ko sa kotse nya ay sinilip ko sya sa bintana at kumaway sakanya.

"Bye!" nakangiti kong paalam sakanya. Nakasimangot syang umiwas ng tingin sakin.

Lumayo ako sa kotse nya nang paandarin nya ito.

Nakangisi akong napatitig sa kotse nyang papalayo sakin.

Ang totoo nyan, Sharica Crien Juantes ang buo kong pangalan. HAHAHAH! Hindi ko iyon sinabi sakanya para di nya na ko mahanap. hehe! Kaya nga, hindi ko binigay sakanya ang address ko at dito nalang bumaba sa harap ng mall dahil ayokong malaman nya.

Napatingin ako sa singsing na nasa kamay ko.

"Haaay! Hindi ako makapaniwala na meron na kong Fiance ngayon. Pero, ang tanong, mahahanap pa kaya ko ni Javen? Lalo na, mahirap akong hanapin. WHAHAHAH! Tingnan natin kung mahahanap pa ko ng Fiance ko. HAHAH! HAHAHAH! *cough *cough." Napatigil ako sa pagtawa ng mapa-ubo ako.

Takte! Nasobrahan ata ako ng tawa. Sobrang nakakatuwa kasi. WHAHAHA! Sa wakas, Im Freeeee! Lol.

"Miss. Ok ka lang ba?" Napalingon ako sa taong nagtanong sakin.
"O-opo. Ok lang po ko, Lola."
"Naku! Iha, akala ko sinasapian ka na kaya tawa ka ng tawa dyan mag-isa. Mas mabuti kung umuwi ka na." May pag-alala sabi ni Lola.

Nahihiya akong napakamot sa noo ko.

Naman oh! Di ko na napansin na may nakakita pala sakin.

My Secret FianceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant