C - 22

2.3K 59 0
                                    

Babalik na sana ako sa kwarto nang may humarang sakin. Muntikan ko pa sya mabangga. Sheet! Si Javen ang humarang sakin, kaya lumayo ako agad sakanya. Ang lapit nya sakin kanina, eh? Nakakailang.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid namin. Wala na si Kuya sa sala, pati si Mama. Di ko rin makita sila Papa at Sharice.

Ibig bang sabihin, kaming dalawa na lang ang nandito. What the! Nasaan sila?

Binalik ko ang tingin ko kay Javen at nahuli ko syang naka-kunot ang noo na para bang nagtataka sa mga kilos ko ngayon.

Ganito nalang ba ang gagawin namin? Mag-titigan sa isa't-isa buong araw at nakatayo lang dito. Ni-isa samin walang nagsasalita. Hindi pwede ang ganito.

Ako nalang... Ako nalang ang mau-unang magsalita. Tumikhim muna ko.

"G-good morning, Javen. Pupunta lang ako sa kwarto. Babalikan kita, mamaya. Ok?"

Akmang lalampasan ko na sya para pumunta sa kwarto nang higitin nya ko sa braso at binalik sa harapan nya. Napangiwi nalang ako.

"Hindi mo ba narinig ang Mama mo. Kumain ka muna." turan nya.

Narinig nya pala ang sinabi ni Mama. Sabagay, malakas ang pagkakasabi yun ni Mama sakin.

"Mamaya na. Magbibihis muna ko." sagot ko.

Tinaasan nya ko ng isang kilay habang nakapamulsa sa harapan ko.

"Nahihiya ka ba sakin?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Pano nya nalaman?
"H-hindi ah! Bakit naman ako mahihiya?" syempre, kailangan e-deny. Lol. Napaismid sya sa sinabi ko.
"Wag kang mahiya kung ganyan ang itsura mo sa harapan ko."

Teka, hindi ko naman inamin na nahihiya ako ah!

"Di nga ko nahihiya." depensa ko.

Hindi nya yun pinansin ngunit lumapit sya sakin kaya napaatras ako. Akala ko titigil na sya pero nagkamali ako, dahil pinagpatuloy nya pa rin ang paglapit sakin, kahit umaatras pa rin ako. Aneb-- este Ano ba!

"Pwede ba, wag ka na masyadong lumapit sakin." pigil ko sakanya kaya napatigil rin sya sa paglapit sakin.
"Bakit?" napairap ako. Nagtatanong pa sya, eh alam nya naman ang dahilan.
"Di pa ko nakakaligo. Nakakahiya sayo."

Dahil sa sinabi ko. Bigla sya napangisi. Kaasar!

"Inamin mo rin. Alam mo Sharica. Ikakasal din naman tayong dalawa. Araw-araw kitang makikita na ganyan. So, bakit ka pa mahihiya?" ngisi nyang sabi.

Pakiramdam ko, uminit ang pisngi ko sa narinig ko mula sakanya. Shemay! Tama naman sya. Kapag tapos na kaming ikasal, nasa iisang bahay lang kami, tapos-- ewan! Ayoko muna mag-isip sa ganyan.

Hindi na ko nakapagsalita sa sinabi nya dahil dumating si Mama. Buti nalang.

"Oh, Crien.. Akala ko, nasa kusina na kayo," Bumaling sya kay Javen bago ituloy ang sasabihin. "Javen, sabayan mo na si Crien sa pagkain."
"Hindi na po, Tita. Busog pa po ko." magalang na tanggi ni Javen.
"Ganun ba... Akala ko, kaya ka rin tumanggi kanina dahil gusto mo hintayin si Crien para sabay na kayo," Binalik ang tingin sakin ni Mama. "Osya, kumain ka na.. Bilisan mo. Baka mainip si Javen sa kakahintay sayo."

Wala sa sarili ako na napairap nang tumalikod na sakin si Mama. Hindi ko pa nga alam kung bakit nandito si Javen. Di bale, mamaya ko nalang itatanong.

Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Ayan, maayos na ang itsura ko ngayon kaysa kanina. Tapos na ko kumain. Tapos na rin ako maligo at magbihis. Tapos na lahat.

"Sharice, alam mo ba kung bakit nandito si Javen?" tanong ko sa kapatid ko na nakahiga lang sa kama habang hawak ang cellphone nya.

Malay natin, may alam sya.

My Secret FianceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin