C - 11

2.9K 91 0
                                    


"Kaming dalawa ni Jei ay nagkaroon na ng asawa nung 18 palang kami." Nagulat ako nang marinig ko iyon.

Nasa wedding reception na kami dahil tapos na ang kasal na ginanap kanina sa simbahan.

"Talaga Ate Jamela?" Di ako makapaniwala sa sinabi nya. Akalain nyo yun, ang kuya at ate ni Javen nagkaroon na ng asawa nung 18 palang sila. Tapos ganun din mangyayare kay Javen. Uso ba talaga yun sakanila?
"Yah. Pero, hindi naman agad ako nagkaroon ng anak. Siguro, nung nagtapos ako ng college, doon na ko nagka-anak."
"Hindi ba naging mahirap sa inyo? Kasi, ang bata pa niyo noon para magkaroon ng asawa."
"Parang, hindi naman. First love ko si Enrique, boyfriend ko na sya nung high school pa kami, kaya, sya ang pinakilala ko sa mga magulang ko para maging asawa ko. Akala ko, ako pa mismo ang mag-po-propose kay Enrique, but I was shocked when he proposed me in my 18th Birthday, as in, nagulat ako nun sharica, at the same time masaya." Parang nag-ningning ang mga mata ni Ate Jamela habang kinukwento nya iyon. Buti pa sila ng asawa nya, may forever. Ang tibay ng pagsasama nila. Hindi ako na-iinggit. Promise.
"Bakit pala gusto ng mga magulang nyo na magkaroon na agad kayo ng asawa kahit 18 palang kayo?" Kuryoso ko na tanong.
"Ahm, yung kasi ang hiling ng lolo at lola namin kaya kailangan tuparin namin, kahit wala na sila dito. At isa pa, 18 din si Mama nung nag-asawa sila ni Papa. So, dapat mangyari din samin."

Nasagot na rin sa wakas ang matagal ko na tanong kung bakit kailangan magpakasal ni Javen next year.

Napatingin ako kay Javen sa di kalayuan, kausap nya ang mga pinsan nya at mukhang may masayang pinag-uusapan. Napasimangot ako, iniwan nya ko dito para lang puntahan ang mga pinsan nya. Hmp! Di ko na namalayan ay napatitig na pala ko kay Javen. Ang sarap kasi nya tingnan habang tumatawa sya, kung paano igalaw nya ang labi nya, kung paano - - Aish! Umiling ako para mawala ang nasa isip ko. Ang totoo nyan, ang pangit nya talaga tumawa. Lol.

Tumunog ang cellphone ko sa sling bag ko kaya kinuha ko ito para tingnan kung sino nag-text.

Sharice: Ate, nasan ka daw sabi ni kuya?

Shet! Ibig sabihin, nasa bahay na sila. Anong ere-reply ko? Hindi ko naman pwede sabihin sakanila na nandito ako, baka magtaka pa sila. Agad ako nag reply nang may naisip ako.

Ako: Kasama ko si Lorraine. May pinuntahan lang.

Pagkatapos ko iyon e-send, ay tumingin ako kay ate Jamela na busy sa pagpapakain sa anak nya.

"Ate Jamela, aalis lang ako. Punta lang sa comfort room." paalam ko.
"Sure."

Tumayo ako sa kina-uupuan ko at pumunta na sa comfort room. Nang makapasok na ko ay agad ko tinawagan si Raine. Buti nalang walang tao na nandito.

"Raine?" Tawag ko.
"Hi, shariii! Napatawag ka?"
"May favor sana ako sayo, kapag tinawagan ka ni Kuya, sabihin mo na kasama mo ko. Ok?"
"Huh? Bakit? Wala ka ba sa bahay niyo?" Pagtataka nya.
"Wala."
"Eh, nasaan ka?"
"Basta, sabihin mo nalang kay kuya na kasama mo ko para hindi magduda. Huh?"
"Ikaw, huh? Nagiging masikreto ka na. Nakow! Oo, sige, sasabihin ko na kasama kita kahit hindi naman." Napangiti ako.
"Thanks, Raine."
"Sharii, nasan ka ba talaga? Siguro may date ka noh?"
"Wala akong date. May pinuntahan lang ako."
"Aysus! Luma-love life si sharii!"
"Sira! Tigilan mo ko!"

Nag-paalam na ko sakanya, baka abutan pa kami ng isang oras sa pag uusap. Huminga ako ng malalim. Wala na kong iisipin pa na problema ngayong araw dahil nagawa ko ng paraan. Kapag umuwi ako sa bahay mamaya, di nila ko tatanungin total nae-text ko na si sharice. Ang galing ko talaga magsinungaling. Aish!

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa harapan ng salamin, bago lumabas ng dito.

Papalapit na ko sa mesa namin nang may bumagsak na flower bouquet sa harapan ko. Kunot-noo ko itong pinulot. Parang pamilyar tong flower bouquet na hawak ko ngayon, parang nakita ko na. Ahh, alam ko na flower bouquet ito ng bride pero bakit bumagsak sa harapan ko?

My Secret FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon