C - 39

2.1K 41 4
                                    

Napangiti ako na napatitig sa singsing ko. Geez. Malapit na ko ikasal. Wala ng atrasan. Ilang buwan nalang magiging asawa ko na si Javen. Asawa? Ko?

"Oo. Asawa mo!" Naputol ang pag-iisip ko dahil kay Raine.
"Mind Reader ka ba?" Titig ko sakanya.
"Sira! Narinig kita na nag-salita. Di mo ata napansin na yung iniisip mo ay nilabas mo na. Para kang buang dyan na nakangiti habang nakatitig sa singsing mo. Ikaw huh? Excited ka na ba?" Sumilay ang mapang-asar nya na ngiti sa huli nyang sinabi. Inirapan ko sya.
"Ako? Excited? Hindi."
"Sus! Halatang excited ka eh! Kung ako sayo, wag ka dapat maging excited."
"Bakit naman?"
"Syempre, magkakaroon ka na ng asawa ibig sabihin di mo na magagawa lahat ng gusto mo katulad noon. You are not free to do anything when you get married." Napangiwi ako sa binanggit nya.
"Magagawa ko pa naman ang gusto ko."
"Sure ka? Kahit gawin mo ang mga gusto mo, may mga responsibilidad ka rin gawin bilang asawa. Ano ang uunahin mo gawin, yung gusto mo o pagiging asawa mo sakanya?"
"Teka lang Raine huh, bakit mo ba sinasabi to sakin?" Kunot noo ko na tanong.
"Ayaw kita magsisi kapag tapos ka na maikasal. Lalo na isa sa mga responsibilidad bilang asawa ay ang bigyan mo ng anak ang asawa mo, diba?" Napanganga ako sandali nang banggitin nya ang tungkol sa anak at maya-maya ay binatukan sya. "Aray! Bakit mo yun nagawa? Masakit ah!" Reaksyon nya matapos ko sya batukan kaya napahimas sya sa ulo nya.
"Ewan ko sayo, Raine. Panonood mo ba yan ng drama? Nasobrahan ka na ata."
"Aish! Totoo naman ang mga sinasabi ko. At oo dahil to sa drama na napanood ko dahil baka magaya ka sa bida na nagsisi at nasaktan dahil sa nag asawa sya ng maaga."
"Sa drama pala huh? Raine, drama lang yun."
"Pero nangyayari rin sa totoong buhay." Pagtatama nya sakin.
"Anong gusto mo ipahiwatig na dapat hindi muna kami magpakasal ni Javen ng maaga, ganun ba?" Napatahimik sya sandali. "Raine, iba kami sa drama na yun. Iba ako sa bida na yun. Siguro, di nya mahal ang asawa nya kaya di sya masaya. Pero kami ni Javen, mahal namin ang isa't isa."
"Im sorry, Sharica. Concern lang ako sayo." Marahan ako napatango sakanya.
"Yung tungkol naman sa anak na sinasabi mo, wala pa kami balak ni Javen gawin yun dahil ang bata pa namin. Pagkatapos ng kasal namin, balik kami sa pag-aaral."

Kinagat nya ang ibabang labi nya at bigla nalang ako niyakap.

"Kapag asawa mo na si Javen, hindi mo na ba ko kasama palagi?" Napatawa ako sa tanong nya.
"Ikaw pa rin ang kasama ko." Humiwalay agad sya sa yakap nya sakin.
"Talaga?"
"Oo." Ngisi ko na sagot.
"Sabi mo yan, huh? Teka nga, ba't ang drama natin ngayon?" Pansin nya.
"Ikaw lang. Ikaw tong nag-umpisa." Natatawa na napanguso sya.
"Ah, basta! Kapag may problema kayong dalawa ni Javen, sabihin mo agad sakin. Baka matulungan kita."
"Kung makapagsalita ka, parang ikakasal na ko bukas." Napakurap sya sa sinabi ko.
"Kaibigan mo ko, Sharica. Atsaka, malapit ka na rin naman ikasal."

Pareho kami tumayo ni Raine at napagdesisyon na umalis na sa canteen. May susunod pa kami na klase na kailangan puntahan.

Habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo ay di ko maiwasan mapansin ang ibang tao na napapatingin sakin. Sa tuwing dadaan ako sa harapan nila ay titingin sila at bubulong sa kasama nila. Alam ko kung bakit nila iyon ginagawa.

"Hindi ko maintindihan. Matagal na nilang alam na may fiance ka pero hanggang ngayon usap-usapan pa rin kayo ni Javen. Hindi ba sila nag-sasawa?" Rinig ko kay Raine.

Tanging kibit-balikat lang ang naisagot ko kay Raine. Wala naman akong paki kung anong sabihin ng ibang tao tungkol sa maagang kasal namin ni Javen.

Lumipas na ng isang buwan nang malaman nila ang tungkol samin ni Javen. That we already engaged and his my fiance. Some of them judged us dahil ang bata pa namin kuno sa ganito. Alam namin iyon ni Javen pero mga magulang na namin ang nag desisyon nito. Pareho nilang gusto na magpakasal agad kami ni Javen.

"Hey, sharica. May tanong ako sayo?" Sambit ni Raine nang matapos ang klase namin.
"Ano yun?"

Bago nya ko sagutin ay hinintay nya muna lumabas ang lahat ng mga kaklase namin. Nang kami nalang dalawa ay nagsalita na sya.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now