C - 37

1.7K 46 2
                                    

JAVEN's POV

"Akala ko ba, kapag tapos ka namin kalabanin, di ka na babalik dito?" mapang-asar na sabi ng lalaki na nasa harapan ko.

Tinaasan ko sya ng kilay nang matapos ko uminom ng tubig at ilapag ang baso sa mesa. Napatingin ako ng diretso sakanya.

"My fiance is here. Wag kang mag-alala, kapag nagising sya. Aalis din kami." napangisi sya sa sinabi ko.
"Hindi ko naman kayo pinapaalis, bro." iling nyang sabi.

Bago sya umalis sa harapan ko ay tinapik nya ang kabilang balikat ko. Napatitig ako sa likuran nya na ngayon ay papalayo na sakin. Napaisip ako. Kung hindi ko binitiwan ang pagiging leader sa BT noon, ay baka wala sya dito.

That guy is one of the leader in BT. Sya yung pumalit sakin sa pagiging leader ko noon. Well, he actually deserved that position. Yung dalawang leader naman ng BT ay kanina pa umalis. Naging kaibigan ko rin silang tatlo.

Napa-buntong hininga ako nang maalala ko ang nangyare kanina. Napapikit ako sandali dahil sa inis. Nahuli ako ng dating kanina, pero kung di dumating ang tatlo ko na kaibigan ay baka napahamak na si Sharica. Fvck, to Kiefer and Haylie! Mali silang kinuha! Tch!

Pagdating ko kanina sa lumang building na nag-mamay-ari ng SB ay naabutan ko na karga ng isa sa mga kaibigan ko si Sharica. Agad ako lumapit at inagaw sakanya si Sharica, para ako na kumarga sa fiance ko. Alam ko na pinatulog nila si Sharica, para wala sya makita o marinig sa dalawang grupo.

Umalis kami sa building na yun at iniwan sila roon. Pero, bago ko yun gawin ay sinamaan ko ng tingin sila Kiefer at Haylie. Pasalamat sila na di nila sinaktan si Sharica, dahil kung ginawa nila yun ay ako mismo ang papatay sakanila!

Hindi ko na din kailangan manatili roon, lalo na kasama ko si Sharica. Ang BT na ang bahala sa mga SB. Hindi na ko parte ng gang. Hindi na ko kasali sa away nila. Kaya nga ko umalis sa gang, para maging normal ang buhay ko at para di mapahamak si Sharica.

Mahal ko ang pagiging myembro sa BT, pero mas mahal ko si Sharica. I love her so much, na lahat ay gagawin ko para makasama ko sya. I dont want to lose her in my life. Iniwan ko ang BT, dahil sa desisyon ko at hindi ko yun pinagsisihan.

I want to live peace with Sharica. I want other to know that Sharica is my fiance. I don't want to keep it a secret anymore. Dahil kahit ako, nahihirapan sa pagtatago namin dalawa. Shit! Pero, hindi na ngayon.

She's my happiness. Sya lang ang babaeng nagpapabilis ng puso ko. Nagsimula iyon dahil sa nangyare sa kasal ng Tito ko. Nung una, tinatanggi ko pa na nahuhulog na ko sakanya pero sa tuwing nakikita ko sya ay di maiwasan bumibilis ang tibok ng puso ko na tila ba nababaliw. Geez! This is so cheesy. But Im so happy that she love me too. Sobrang saya ko nang malaman ko yun. Mahal ko sya at mahal nya ko kaya dapat lang di ko sya pakawalan pa.

Pumunta na ako sa kwarto para tingnan kung natutulog pa rin ang mahal ko.

Pagbukas ko ng pinto, ay nakita ko si Sharica na nakaupo sa kama. She already awake. Pumasok ako sa loob, at lalapitan ko na sana sya nang batuhin nya ko ng unan na pinulot nya sa tabi nya. Holy Shit! Dahil sa gulat, ay natamaan ako.

Napatitig ako sa mukha nya, na halatang inis na inis sakin. Masungit nya ko'ng inirapan nang mapansin nya na nakatitig ako sakanya.

Di ko na mapigilan hindi ngumiti dahil sa pinapakita nya sakin. Kahit ganyan sya, ay nagagandahan pa rin ako sakanya. She's cute too, damn! Im really inlove this girl..

SHARICA's POV

Humalukipkip ako na umalis sa kama, at lumipat na umupo sa nakita kong single couch na malapit sa bintana. Nakakainis tong lalaki na to. Bakit sya nakangiti? huh? Gusto nya ba na batuhin ko pa sya ng unan para matauhan? Kaimbyerna! May kasalanan sya sakin. Yung hindi nya pagsabi sakin ng totoo tungkol sakanya. Kakainis! Hmp.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now