C - 20

2.8K 91 6
                                    

Kung noon wala ako interesado sa gang na yan o gangster sa skwelahan namin, ngayon meron na. My God! Kasali ang pinsan ko sa gang, kahit hindi nya sabihin sakin, alam ko.

Hindi naman sya aamin sakin kapag tinanong ko sya kung kasali nga ba sya sa gang. Masikreto ang lalaki na yun. Ayaw nya nga sabihin sakin tungkol sa sugat nya. Psh!

Isa pa sa dahilan kung bakit intersedao ako malaman tungkol sa gang. Dahil sa lalaking naka-mask kahapon, yung may brown na mata. Alam nyo bang, hindi ako nakatulog sa kakaisip sakanya kagabe. Puno ng tanong ang nasa isip ko. Kamusta na kaya sya? Sya ba ang hinahanap ng mga lalaki? Bakit sya hinahanap? Nakaligtas ba sya? Kasali ba sya sa gang? Sya ba ang tinutukoy na leader ng B.T? Ang pinakamalaking tanong, Sino ba talaga sya? Err!

The heck! Ano ba ibig sabihin ng B.T at S.B? Madalas ko na yun naririnig, at halata naman na grupo yun ng mga gangster.

"Excuse me..."

Lahat kami napalingon sa pintuan ng classroom namin. Naputol ang pagdi-discuss ni Ma'am sa harap.

"Bakit?" tanong ni Ma'am nang makalapit sya sa babae.
"Ma'am. Pinapapunta po si Sharica sa conference hall para sa Mr & Ms Intrams. May meeting ho sila."

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi ng babae. Yung iba ko naman na kaklase, ay tumitingin na sakin.

Lumingon sakin si Ma'am nang umalis na ang babae. Hindi ko kilala yung babae. I think, inutusan lang sya para tawagin ako.

"Pumunta ka na sa conference hall, Ms. Juantes." utos nya.
"Ah.. O-opo, Ma'am."

Tumayo na ko, kahit ayoko pumunta. Wala naman akong choice. Ngumiti at nag-thumbs up pa sakin si Raine bago ako umalis. Napaiiling nalang ako sakanya.

Nang makarating na ko sa conference hall ay pumasok na ko. Puro represantative lang ng senior high ang nandito, iba lang yung mga junior high.

Hindi na ko nagulat na kasali si Dryle at Haylie. Nandito sila pareho, at hindi ko alam kung ayos na silang dalawa.

Pati si Xtan ay nandito. Naku, kapag nalaman ito ni Raine. Magtitili yun, dahil kasali crush nya.

Sigurado na talo na ko dito. Wala akong laban. Im sure, si Haylie ang mananalo.

"Dryle Montejo and Florie Mae Alonzo, representative from 12-HUMMS... Haylie Versoza and Ryan Lazare, representative from 12-STEM... Xtan Oliver Ty and Lianna Cortez, representative from 12-ABM..."

Tinawag isa-isa ni Mr. Gomezla ang mga representative ng grade 12 kada course since tapos nya na tawagin ang mga grade 11. Hanggang sa tinawag na ang mga TVL.

"Troy Baltazar and Dianna Falcon, representative from 12-Bread and Pastry... Kiefer Madriaga and Sharica Crien Juantez, representative from 12-Cookery..."

Napalingon sakin si Mr. Gomezla.

"Where's Kiefer, Ms. Juantes?" tanong nya sakin.

Bumaling ako sa katabi kong upuan, at walang nakaupo. Takte! Kaya pala, walang nakaupo sa tabi ko dahil wala pa si Kiefer. Akala ko talaga ay nandito na sya.

Pano ko sya sasagutin? Eh, hindi ko nga kilala si Kiefer, at mas lalong hindi ko alam kung nasan sya? Baka nag-back out na sya? Hala.

Akmang sasagot na sana ako kay sir nang may dumating na isang lalaki.

"Sorry sir. Im late." agad nyang sabi kay Mr. Gomezla
"Umupo ka na sa tabi ni Ms. Juantes." at, tinuro ako ni Sir.

Tiningnan ako ng lalaki bago sya umupo sa tabi ko. Pinagpatuloy naman ni Sir ang pagtatawag ng mga pangalan.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now