C - 6

3.1K 89 3
                                    


"Ayan napala sayo! Ang hilig mong gumala, kaya ninakawan ka! Anong oras ka ng umuwi kagabe!? Alas-nyebe! Nak ng bata oh!" rinig ko na sermon ni Mama sakin habang umiiling.

Ngayon lang nya ko nasermonan dahil tulog sya kagabe nung maka-uwi ako.

"Ma, hindi ko naman alam na mananakawan ako kahapon eh. Atsaka, kalimutan na natin iyon, nangyare na eh." Paliwanag ko.
"Aba kang bata oh! Sumasagot ka pa! Gayahin mo ang kuya mo at itong kapatid mo! Maagang umuuwi..." Blah, blah, blah... Napasimangot ako, parang wala na ko ganang kumain dahil sa mga sinasabi ni Mama sakin. Ayan na naman sya, puro si kuya at si sharice ang bida sa mga sinasabi nya.

Napatingin ako kay Kuya. As usual, tahimik syang kumakain para sa almusal namin at parang wala lang pakielam sa pag-iingay ni Mama.

"Osya! Aalis na kami ni Sharice.. Cynander, isabay mo yang kapatid mo papunta sa skwelahan nyo, baka mamaya manakawan ulit yan." Napakurap ako sa utos nya kay Kuya. Tss! Bumaling sakin si Mama.
"Ikaw naman, Crien, sa susunod mag-ingat ka. Wag tatanga-tanga."

Hindi ko sya sinagot at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Sanay na ko kay Mama na tinatawag akong tanga kapag naiinis o galit sya sakin. Tanga naman talaga ko. Lol.

Napa-buntong hininga ako nang umalis na sila Mama. Secondary Teacher si Mama sa malapit na high school dito sa lugar namin. Grade 7 naman si Sharice kaya pwede silang dalawa mag-sabay pumunta sa skwelahan na pinagtatrabahuan ni Mama, since doon din naman nag-aaral si Sharice.

Si Papa naman, isang piloto at nasa cebu sya nagtatrabaho. Minsan lang sya umuuwi dito.

"Crien?" Napatingin ako kay kuya.
"Ano na naman, Kuya?"
"Wag ka ng gagala ulit kung ayaw mong sermonan ni mama." Napairap ako.
"Eh, hindi naman yun gala. May importante talaga kami gagawin ng mga kaklase ko."
Hindi ko na sya narinig pang sumagot.

Si Kuya Cynander, ang naabutan ko kagabe na naghihintay sakin. Na-touch nga ko kay kuya kahit pinagalitan nya ko kagabe.
May pagka-strikto si Kuya at napaka-protective yan samin ni Sharice. Minsan nga na naiins ako sakanya. Hmp! Nagawa nga nya suntukin yung Ex ko.

3rd year College na si Kuya, samantala ako, grade 12. Imagine, grade 12 palang ako, may fiance na. Sabagay, hindi lang naman ako ang nakakaranas ng ganito, may iba nga dyan na ina-arrange marriage ng magulang nila kahit 18 palang. Diba? diba? Ugh. Ano ba tong iniisip ko? Uso pa ba yung arrange marriage ngayon? Tengene! Bakit ba ko nagtatanong? Halata naman walang sagot. Baliw.

"Anong oras ang labasan nyo?" Tanong ni Kuya sakin nang tumigil kami sa harapan ng gate ng skwelahan namin. Dito na ko baba.
"3:30pm." Sagot ko at bumaba na sa motor nya. Hinubad ko ang helmet sa ulo ko at binigay sakanya.
"Hihintayin kita mamaya dito sa labas para sabay na tayo umuwi. Wag kang tatakas." ma-awtoridad nyang sabi. Napa-pout ako.
"Hindi ako tatakas, ok?"
"Kilala kita, mahilig kang tumakas." Inirapan ko sya. Tumakas? May naalala tuloy ako.

Pinaandar na ni Kuya ang motor nya at tuluyan ng umalis. Ipaparada pa nya ang motor sa parking lot kaya hindi ko na sya makakasabay pumasok.

Gaya ng utos ni Madam, ang mahal kong ina. Sumabay ako kay kuya papunta dito sa skwelahan. Wala din naman ako magagawa, utos yun ni Madam. Psh! At isa pa, hindi naman ako papayagan ni Kuya na umalis ng bahay nang hindi sya kasama.

Hindi naman lagi na sumasabay ako kay Kuya papunta dito dahil minsan iba ang shedule nya sakin.

"Shari! Shari!" Napatigil ako sa paglalakad dito sa kalagitnaan ng hallway nang marinig ko ang pangalan ko. Napalingon ako kung saan nanggaling yung boses na iyon, at nakita ko si Lorraine Cuavesta na papalapit na sakin ngayon.

Magsasalita na sana ako dahil nasa harapan ko na sya pero inunahan nya ko.

"Shari. Bakit hindi ka sumulpot kahapon sa bahay? Nang tawagin ka namin, hindi ka sumasagot. Alam mo bang naiinis sayo ang iba nating ka-grupo tapos nagrereklamo pa sila, kesyo ang tamad mo, hindi ka tumutulong samin tapos--" Pinutol ko na ang dapat pa nyang sasabihin. Masakit sa Tenga.
"Hep! Wag mo ng ituloy dahil alam ko na."
"Pano mo malalaman, eh pinutol mo ang sasabihin ko."
"Err. Lorraine, obvious naman na maiinis sila sakin dahil hindi ako dumating."
"Bakit nga ba, hindi ka dumating?"
"Papunta na dapat ako sa inyo pero nakneneng raine!--"
"Naaksidente ka?" Putol nya sa sasabihin ko at sinuri pa nya ang buo kong katawan. "Wala naman akong nakikitang galos o sugat sayo, hindi ka din naman napilayan o nabulag, o baka naman may amnesia ka? Pero naalala mo pa naman ako eh. Don't tell me, hindi ikaw si sharica, kundi multo? Waaaah." Napangiwi ako sa sinabi nya. Hindi ko na sya napigilan dahil ang bilis nyang magsalita.
"Pwede ba, Raine. Tumigil ka, at hindi ako multo! Mabuti kung patapusin mo muna ako, ok? Hindi ako naaksidente, kita mo naman diba? Buo parin at walang nagbago sakin. Ang nangyare talaga, ninakawan ako kaya--"
"Oh My God! Ninakawan ka? Ano ba naman yan, shari! Dapat tumawag ka ng pulis o sakin manlang." putol nya ulit sakin. Konti nalang, masasampal ko na tong kaibigan ko.
"Raine! Ninakawan nga ko diba? So, pano ako tatawag? Pati cellphone ko ay nakuha rin. At isa pa, papatayin ako kapag di ko binigay ang bag ko." inis kong turan.
"Ok. ok. ok. Kalma lang tayo, shari. Hindi ka na mabiro." Pilit sya tumawa at nagpeace sign pa sakin.

Di ko sya pinansin at pinagpatuloy nalang ang paglalakad. Naramdaman kong sumunod sakin si Raine.

"Shari. Pano mga ka-grupo natin? Nagrereklamo sila."
"Hayaan mo sila Raine, feeling nila, ang gagaling nila. Eh, kapag nasa harapan na at tatanungin na sila, matameme! Walang isasagot. Naku!"
"Woah! Ikaw ba may isasagot sa harapan kapag tinanong ka?" Napaisip ako.
"Wala rin."
"Ngek! Yun pala eh, bat ganyan ka makasalita?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Sinasabi ko lang ang totoo, hmp! Raine, kung magsasalita ka, yung maganda naman. Yung walang bad vibes chuchu na yan."
"Sige. Sige, shari... Ito nalang, may ibabalita ako." Sa tono palang ng boses nya ay nahahalata ko na ang exciting.
"Ano? Siguraduhin mo na maganda yang chismis na yan. Baka mamaya, ma-imbyerna akes!"
"Siguradong, magugustuhan mo to, shari. So, ito nga, may basketball practice mamaya ang ex mo!" Napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko na napatingin sakanya.
"T-talaga?"
"Talagang-talaga. So, manonood ba tayo?"
"Tinatanong pa ba yan? Syempre, manonood tayo. Hindi ako mawawala, noh!"
"Naks, shari. Iba ka din noh, ikaw lang ata ang kilala ko na gustong makita si ex." Sabay kaming tumawa nang matapos nya iyon sabihin.

Kung ang ibang babae dyan, ayaw makita ang ex nila dahil nasasaktan pa daw sila. Pwes, ako? hindi. Gusto ko makita ang Ex ko. Paki ba nila? Hindi naman ako nasasaktan kapag nandyan si ex o kapag nakikita ko sya, dahil naka move on na ko sakanya!

Tanggap ko naman na hanggang ex lang nya ko.

Iisa lang naman ang dahilan ko kaya gusto ko makita si Ex dahil crush ko sya. Yah, hanggang ngayon, crush ko pa rin sya.

Makikita ko ulit ang crush slash ex ko. hihih.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now