C - 24

2.3K 62 0
                                    

Tahimik kaming dalawa ni Javen na naglalakad dito sa mall habang magka-holding hands. Yieee. Di ko tuloy maiwasan ngumiti.

"Teka, Javen..." pigil ko sakanya kaya napatigil kami sa paglalakad. "Doon nalang tayo kumain," turo ko sa di kalayuan namin kaya napatingin sya roon.

Kanina pa kami naglilibot para maghanap kung saan kami kakain hanggang sa makita ko ang Mang Inasal. Shems! Parang gusto ko kumain doon.

Nagsalubong ang dalawang kilay nya nang ibalik nya ang tingin sakin habang nakakunot ang noo.

"Seryoso ka?" di nya mapaniwalang tanong sakin.
"Oo, Bakit? Wala naman masama na kumain tayo dyan."
"Iba nalang. Wag dyan." napairap ako.
"Ang arte mo. Saan mo ba gusto? Sa isang restaurant? Wag doon, mahal ang mga pagkain "
"Hindi naman ikaw ang magbabayad. Ako."
"Kahit na... Bahala ka, kung ayaw mo. Ako nalang mag isa."

Binitawan ko ang kamay nya at iniwan sya. Mag-isa ako pumasok sa loob ng Mang Inasal at naghanap ng pwesto. Nang may nakahanap na ay lumapit ako at umupo. Napangalumbaba muna ako habang hinihintay dumating ang waiter.

Akala ko, hindi ako susundan ni Javen pero maya-maya nakita ko sya na pumasok at nang makita nya ko ay lumapit agad sya at umupo saharapan ko. Napangisi ako.

"Susunod ka rin pala." sumimangot sya sakin.
"I have no choice. Hindi kita pwede iwan." ang ngisi ko kanina ay napalitan ng matamis na ngiti.

Sa huli, ako rin ang panalo. Hindi na ulit kami nag-usap, dahil dumating na ang waiter kaya nagsimula na kami umorder. Sinabi namin kung anong gusto namin na pagkain. At, nang matapos ay umalis na sya.

"Ngayon ka lang ba kakain dito?" tanong ko sakanya.

Parang hindi sya sanay na kumain sa ganitong lugar. Palibhasa, mayaman. Pero, may kumakain din naman na mayayaman dito ah!

"Hindi." tipid nya na sagot.

Kumain na pala sya sa Mang Inasal. Tapos, nag-iinarte sya na pumunta rito. Di ko talaga sya maintindihan.

"Eh, bakit ka tumanggi kanina?"

Tiningnan lang nya ko sa mga mata hanggang sa di na nya ko nasagot dahil dumating na ang mga pagkain namin. Parang nakalimutan ko na agad ang tanong ko sakanya dahil sa mga pagkain na nasa harapan namin.

Kinuha ko ang cellphone ko nang may naisip.

"Picture muna tayo, Javen." napataas ang isang kilay nya at tingnan ang cellphone na hawak ko.
"Bakit?"
"Para may remembrance tayo.. dali!" tinapat ko ang camera sa harap namin. "Smile ka naman, Javen." sabi ko nang makita ko syang di nakangiti. Sinunod nya naman ang sinabi ko.

Nang makarami na ko sa picture namin dalawa ay tinigil ko na. Napangiti ako habang tinitingnan ang mga picture namin sa gallery.

"Don't post it on your social media accounts." napawi ang ngiti ko sa sinabi nya. Alam ko kung anong ibig nyang sabihin.

Balak ko talaga sana e-upload o ipost ang mga picture namin pero, mukhang di na yun matutuloy. Muntikan ko na kalimutan na ayaw nya pala may malaman ng iba na fiance nya ko, lalo na ang mga nasa skwelahan namin.

Kapag napost ko ito sa facebook, sigurado na makikita ng mga kaklase o ka-school mate ko. Baka magtanong pa sila, kung ano ang relasyon namin ni Javen.

Bumuntong-hininga ako at tinago na ang cellphone.

"Bakit pinagpapatuloy pa natin ang pagiging secret fiance natin? Kung gusto naman natin ang isa't-isa?" seryoso kong tanong.

Hindi nya ko sinagot. Tinitigan lang nya ko na para bang may biglang malalim sya na iniisip. Pero, di nagtagal ay iniwas nya rin ang titig sakin at napunta sa mga pagkain.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now