C - 12

2.8K 88 0
                                    


Lunes na. Makikita ko na naman ba ulit si Javen? Naku. Wag muna, di pa ko nakaka-get over sa nangyare nung kasal ng tito nya. Napakagat ako sa labi ko nang ma-alala ko na naman yun, kung paano suotin ni Javen yung garter sa hita ko. Bat feeling ko, kinikilig ako sa mga oras na yun? Ehem! Ehem!

Bigla ko tuloy naalala yung mukha ni Javen na namumula. Shemay! Ang cute nya pala. First time ko sya makita ng ganun ang mukha! Ang cute nya talaga hahah!

"Sharica Crien Juantes!" Natauhan ako sa sigaw ni Raine.
"Raine, wag ka ngang sumigaw. Nasa room tayo oh!" saway ko sakanya.
"Kasi naman kanina pa kita tinatawag, pero mukhang nasa ibang mundo ka. Ano ba ang nasa isip mo, at ang lalim ata? Nakangiti ka pa tapos namumula pa yang mukha mo!"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi nya. A-ako? namumula? at nakangiti? shems! di ko alam.

"W-wala. May naalala lang ako."
"Naalala? Aysus shari! Siguro naalala mo yung date mo nung sabado, ano? E-share mo naman dyan, hindi yung ikaw lang."
"Sira! Wala nga kong date, may pinuntahan lang talaga ko."
"Aba! Shari, nagsisikreto ka na. Hmp! I really hate you! Ganyan ka naman talaga na kaibigan, hindi sinasabi sakin yung totoo, para ngang ayaw mo kong pagka-tiwalaan. Tinuring mo ba talaga kong kaibagan? Huh? Shari?" madrama nyang sabi. Aish! "Bakit? Pangit ba ko? Kapalit-palit ba ko? Dapat mo na ba kong palitan?" Napangiwi ako sa pahabol nya.
"Tigil-tigilan mo ko, Raine! Hindi sayo bagay mag-drama." Napanguso sya.
"Alam mo, Shari. Basag trip ka. Balak ko mag-artista eh!" Napairap ako.

Hindi ko nalang sya pinansin, at pinagpatuloy ang pagsusulat sa notebook ko. Pasalamat sya wala teacher namin kaya malaya syang dumaldal sa tabi ko.

"Shari?"
"Ano naman, Raine?" aniya ko nang di tumitingin sakanya, dahil busy ako sa pagsusulat."Ahm, punta tayo mamaya sa Badminton Court."
"Bakit tayo pupunta ron?"
"Manonood lang."
"At, Bakit naman tayo manonood?"
"Kasi... Ano... May practice si Rious mamaya sa badminton para sa Intrams natin." Napatigil ako sa pagsusulat, at napatingin sakanya dahil sa pangalan na binanggit nya.
"Bakit tayo manonood sa practice ni Rious este ni Javen? And please, Raine, tawagan mo sya sa Javen, hindi ako sanay sa Rious."
"Eh, sanay ako sa Rious, pero kung yan ang gusto mo, ok, Javen ang itatawag ko sakanya."
"So, ano nga? Bakit tayo manonood?"
"Kasi nga diba. Sabi mo noon, di mo pa napapanood maglaro si Javen na mag-badminton. So, mamaya panoorin natin para makita mo kung gaano sya kagaling maglaro." Ngumisi sya sakin.
"Ayoko."
"Sharii. Sige na pls?"
"Teka, may crush ka ba kay Javen?"
"Wala ah! Ang totoo nyan, gusto ko makita si Xtan. Balita ko, lumipat na sya sa Badminton. Hindi na sya sa basketball." Napangiwi ako. Kaya pala... kaya pala gusto nya manood mamaya sa Gym. Ginamit pa talaga nya si Javen.
"Sharii, kahit samahan mo lang ako mamaya." pilit nya sakin.
"Ayoko. Di ako manonood."
"Shari naman, kapag may practice si Dryle, sinasamahan naman kita. Ang unfair mo!" Napaisip ako.
"Oo na. Sasamahan na kita." Payag ko sa huli.
"Yieeee! Thanks my bebe sharii! haha!" Napailing nalang ako at binalik ang pagsusulat.

Hindi ko sya pwedeng tanggihan, dahil nga ayokong maging unfair sakanya. Syempre, kaibigan ko sya, kailangan suportahan gaya ng ginagawa nya sakin.

Kanina lang, ayoko makita si Javen pero mamaya makikita ko sya. Nubayan! Napaisip ako. Ano naman kung makikita ko sya? Wala naman akong kasalanan na ginawa. So, bakit ako iiwas? Hindi naman yata nya ko lalapitan kapag nakita nya ko na nanonood.

"Sheet! Sharii, ito ang una ko na makikita si Xtan na maglaro ng badminton." excited na sabi ni Raine sa tabi ko.

Pagkatapos ng klase namin, ay diretso kami dito sa Badminton Court. Excited si Raine, eh. May iilang studyante na tumatambay lang dito, yung iba naman ay nanonood na sa practice nila Javen. Kasalukuyan kaming naka-upo ni Raine dito sa mga bleachers habang tinatanaw ang mga nag-lalaro ng badminton sa di kalayuan.

My Secret FianceOnde histórias criam vida. Descubra agora