C - 25

2.3K 64 3
                                    

Bukas na gaganapin ang Mr. & Ms. Intrams. Pero, nyeta! Tinatamad talaga ko para sa ganyan. Pwede ba ko tumakas? Mukhang hindi, maraming magagalit sakin. No choice talaga ko. Bukas na eh.

Dalawang araw na ako tinuruan ni Raine kung paano maglakad ng maayos, yung lakad-model talaga habang hawak-hawak ang racquet. Ang hirap pala, nakakapagod. Badminton sports ang gagamitin ko bukas. Nai-inspired ako kay Javen kaya Badminton.

"Goodluck nalang satin bukas." rinig kong sabi ni Kiefer. Nasa gym kami at katatapos palang sa last rehearsal namin kasama ang ibang representative.
"Goodluck! Sigurado na hindi ako mananalo." napa-smirk sya at lumayo na sakin dahil may tumawag sakanya.

Lumapit ako kay Raine na nakaupo sa mga bleachers. Tumayo sya nang mapasin nya na papalapit ako sakanya.

"Ang galing nyo ni Kiefer!" agad nyang sabi. Umirap ako.
"Si Kiefer lang."
"Ikaw rin kaya. Alam mo ba, parang kinikilig ako sa inyo ni Kiefer nung kayong dalawa na ang rarampa. Nung hahawakan ka nya sa bewang habang linilibutin mo sya. OMG! Maraming kikiligin bukas." napangiwi ako.

Sa sinabi nya, gagawin talaga namin yun ni Kiefer bukas. Napipilitan lang ako gawin yun dahil utos yun ni Cristina samin baka daw manalo kami. Lahat naman kaming representative ay meron yun.

"Titgilan mo ko. May fiance na ko."
"Alam ko. Di ko lang mapigilan. Char! char!"

Kinuha ko ang bag ko na nasa bleachers at isinakbit na sa balikat ko.

"Sharii, ang sama ng tingin sayo ni Haylie. Kanina ko pa nahahalata." kumunot ang noo ko at tiningnan si Haylie sa di kalayuan samin. Tinarayan nya ko bago iniwas ang tingin sakin.
Bakit ganun sya? Parang may nagbago sakanya? Binalik ko ang tingin kay Raine.
"May kasalanan ka sakanya?" umiling ako sa tanong nya.
"Wala."

Nagsimula na kami maglakad para lumabas ng gym. Umabot na kami ng alas-sais sa kaka-rehearsal. Nagawa pa ko hintayin ni Raine kahit pinapauna ko na sya umuwi kanina. Palibhasa, nandito si Xtan.

"Hindi ko pa pala sinabi sayo." napabaling ako sakanya.
"Na ano?"
"Maldita pala si Haylie." napatigil ako at humarap sakanya.
"Nagbibiro ka ba?"
"Hindi ah! Akala lang natin ay mabait sya pero hindi. Ang sama pala ng ugali nya."
"Ang hirap paniwalain, Raine" at, pinagpatuloy na ang paglalakad.
"Maniwala ka. Marami na nga nagsasabi na ang pangit ng ugali nya. Nakalimutan ko lang sabihin yun sayo. Nakita ko na nga sya nakipag-away."
"Wag muna natin sya husgahin." hindi nalang sya umimik.

Sa nakita ko kay Haylie noon ay mabait sya at ma-amo ang mukha. Pero ngayon, nagbago sya? o sadyang hindi talaga sya nagbago. Nagpapanggap lang sya na kunwari isang mabuting tao pero ang totoo masama pala. Bakit kailangan nya pa magpanggap?

Hindi ko namamalayan na nakarating na kami sa parking lot. Nagpaalam na sakin si Raine at humiwalay na sakin. Dumiretso ako sa sasakyan ni Javen. Buti nga, hindi sya nainip sa kakahintay sakin. Alam nya na kasali ako sa Mr. & Ms. Intrams, nainis nga sakin nung una dahil sumali pa raw ako. Tch. Hindi ko naman talaga gusto na napasali.

Pinaandar agad ni Javen ang sasakyan nang makasakay na ko. Napatingin ako sakanya. Nakasimangot sya habang nakatingin sa daan.

"May problema ba?" sandali sya napatingin sakin at umiling. "Bakit ganyan ang mukha mo?" napakawala muna sya ng hangin sa bibig bago sagutin ako.
"Nakita ko kayo kanina."
"Kami? Sino?"
"Tch. Kiefer."

Nakita nya kami ni Kiefer? Kailan? Teka, pumunta ba sya kanina sa Gym?

"Nasa gym ka kanina? Bakit di kita nakita?"
"Umalis ako agad. Ang boring kapag nandoon ako." napanguso ako.
"Nagseselos ka lang, eh?” lalo syang sumimangot.
"Alam mo pala. Bakit mo pa sya hinayaan na hawakan ka?" namula ako dahil sa pagseselos nya.
"Kailangan kasi. Wag ka mag-selos ok? Ikaw lang naman ang gusto ko. Walang aagaw sayo."

My Secret FianceWhere stories live. Discover now