C - 8

3.1K 94 1
                                    


"Yang singsing na yan ang magmamarka na may nagmamay-ari na sayo. Na akin ka na." mariin nyang sabi.

What the!? Anong pinagsasabi nya? Ako? Pinag-mamay-ari nya? Sigurado sya? Err, Sya ba ang nagpapakain sakin sa araw-araw? Sya ba nag-silang sakin? Kung makasabi ng ganyan. aba!

"FYI. Hindi ako, sayo. ok?" Napataas ang isang kilay nya. "At, isa pa, hindi ako kinilig sa sinabi mo. Duh! Nandidiri nga ko." dugtong ko.
"Sinabi ko bang kiligin ka? Tsk! Sinabi ko yun dahil baka mamaya may kasama kang ibang lalaki at makakita pa kayo ng mga magulang ko. Hindi lang ako ang malalagot, pati ikaw." Nanlaki ang mga mata ko na napatingin sakanya.
"Aba! Baka nga ikaw ang may kasama dyan na ibang babae. Psh!"
"Wag kang mag-alala... Hindi ako babaero."

Howaw! Sa itsura nya yan, dapat ba kong di maniwala? ---

Napailing ako sa ala-ala na yun. Teka nga lang, Why I still remember those thing!? One week ago pa yun nangyare. I should stop this. Arg.

Isang linggo na ang nakalipas nang makilala ko si Javen at ang mga magulang nya. Its been a one week, when I become Javen's fiance, until now? maybe? Buti nga hindi ako masyadong inusisa ng mga magulang ni Javen. Hindi nila ko tinanong kung saan ako nag-aaral, kung sino mga magulang o etc na tungkol sakin.

Pero, sa isang linggo na yun, walang Javen na nagpakita, walang Javen na nagparamdam. Ibig sabihin, hindi nya ko hinahanap. Ang saya. Promise.

"Shari, Ikaw naman sumagot nito, oh!" turan sakin ni Raine.

Nandito kami sa gilid ng field ng skwelahan namin. Since, may mga bench at lamesa na naglilinyahan dito, kaya dito nalang namin naisipan ni Raine gumawa ng assignment at the same time, tumambay na rin.

"Ikaw nalang, Raine. Di ko alam yan." Napasimagot sya.
"Partner tayo dito, dapat magtulungan natin sagutin."
"Mamaya sasagot ako, ikaw muna. ok? Matalino ka naman." Inis syang napakamot sa ulo. Sorry.

Napatulala nalang ako sa malayo habang hinihintay si Raine na matapos.

Pareho kaming nasa TVL-Cookery ni Raine. Nasa section B rin kami. Mahilig akong magluto kaya cookery ang napili ko. Yung pinsan ko naman na si Karrick, HUMMS yun. Minsan nga, inaasar nya kami kasi daw nasa TVL kami. Aba! Wag nya kaming minamaliit porke nasa TVL kami at sya nasa HUMMS. Tch! Pare-pareho din naman nahihirapan at nag-aaral.

Napatigil ako sa pagka-tulala nang mahagip ang mga mata ko sa isang lalaki. Isang lalaki na pamilyar sakin.

Unti-unti namilog ang mga mata ko nang mapag-tanto na si Javen iyon. Napakurap-kurap pa ko kung si Javen nga ang nakikita ko at naknang! Si Javen nga!

Nakikita ko sya ngayon sa di kalayuan na tumatawa habang kausap nya si Xtan. KASAMA NYA SI XTAN AT NAKASUOT DIN SYA NG UNIFORM NA KATULAD KAY XTAN. What... the... heck!? Pano nangyari ito?

Kinuha ko ang libro na hawak ni Raine at itinapat sa mukha ko. Hindi ako pwede makita ni Javen.

Oh God! Kinakabahan na naman ako. Wag ka kabahan. Sira!

Kung naka-uniform si Javen, ibig sabihin, dito sya nag-aaral. Pero, bakit ngayon ko lang sya nakita? Transferee ba sya dito? O, baka naman alam nya na dito ako nag-aaral kaya nandito sya. Shet! Bakit ko pa kasi inalala si Javen kanina, yan tuloy nagpakita sakin. Aish!

"Shari. Are you reading that book?" rinig ko na tanong ni Raine.
"Y-yeah."
"Sure ka? Baliktad yung libro, pano ka makakabasa?" Tiningnan ko ang libro at tama sya, baliktad nga.

Binaba ko ang libro at inilipag nalang iyon sa mesa.

"Shari, si Xtan." Parang kinikilig na sabi ni Raine. Napatingin ako sakanya ng diretso.
"Si Xtan? B-bakit?"
"Nasa malapit sya. Oh My G!" Naknang! It means, nasa malapit din si Javen.
"N-nasaan?"
"Ayun oh?" Turo nya sa kaliwa namin kaya napatingin ako.

My Secret FianceNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ