C - 18

2.4K 68 0
                                    

Pinagmasdan namin si Haylie sa di kalayuan habang nagbabasa ito ng libro. Mag-isa lang sya sa lamesa nya, at mukhang wala syang kasama.

Nasa library kami ni Raine. Napunta kami rito dahil kay Haylie. Yes, sinundan namin sya na pumunta rito nang di nya nalalaman. Parang kami stalker nya. Lol.

Kapag lumilingon sya sa pwesto namin ay yumuyuko kami ni Raine at tinatakpan ang mukha namin para hindi nya talaga kami makita. Aish!

"Lapitan mo na sya. Kausapin mo." Bulong sakin ni Raine.
"Bakit ako lang? Dapat kasama ka." Balik kong bulong sakanya.
"Sharii, nag-usap na tayo kanina na ikaw lang ang lalapit." Pinanlakihan pa ko ng mata nya.
"Pero, baka isipin nya na chismosa ako."
"Bakit? Hindi ba?" Binigyan ko sya ng masamang tingin kaya agad nya binawi ang sinabi nya. "Dejoke! Kasi naman, kung isasama mo pa ko baka isipin nya na chismosa tayo este ako pala. Geez! Kaya mas mabuti na di mo nalang ako isama. Hintayin nalang kita rito."

Balak ko kausapin si Hylie kaya namin sya sinundan dito. Kagabe ko pa to pinag-isipan. May gusto lang talaga ako malamam tungkol sakanya at sa kambal nya.

Hindi ko naman pwede tanungin si Javen baka maghinala sya sakin kung saan ko nalaman ang tungkol kay Kyrine.

"Hindi ka naman nya iisipin na chismosa kapag nagtanong ka na sakanya. Atsaka, kilala ka na nya. Remember, nag-usap na kayo noon."

Two weeks ago na nangyare na nag-usap kami ni Haylie. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin noon. Parang may konting chikahan lang naganap.

"Oo na. Lalapitan ko na sya." Sumilay ang ngiti nya sa labi na para bang sya ang nanalo.
"Gooo! Damihan mo ng tanong huh?" Umirap ako, at di nalang pinansin ang sinabi nya.

Tumayo na ko, at naglakad papalapit kay Haylie na hanggang ngayon abala pa rin sa pagbabasa.

"Haylie?" Tawag ko sakanya nang makalapit na ko. Nawala ang tingin nya sa libro, at lumipat ito sakin.
"Oh, Sharica. Hi." Masigla nyang bati sakin.
"Hi rin, Haylie. Nakaistorbo ba ko?"
"Hindi naman. May kailangan ka sakin?"
"Wala. Gusto lang kita kausapin, kung ok lang?"
"Ok lang. Umupo ka muna, baka mangalay ka dyan habang nag-uusap tayo."

Sinunod ko sya, kaya umupo ako sa harapan nya.

"Tungkol saan ba? Tungkol ba samin dalawa ni Dryle?"
"Hindi. Nakakahiya man itanong pero gusto ko lang malaman kung may kambal ka ba o kapatid?"
"Meron nga. Bakit?"
"Si Lorraine, yung kaibigan ko. Sinabi nya sakin na kamukha mo daw ang dati nyang classmate, si Kyrine. So, baka kapatid mo sya?"

Totoo na naging kaklase ni Raine si Kyrine noon, kaso nga lang nung elementary pa lang sila nun.

"Kapatid ko nga si Kyrine. She's my twin sister."

May pinakita sya sakin na isang picture na nasa cellphone nya. Dalawang babae ang magkatabi sa picture. Magkamukha-kamukha silang dalawa. Pareho sila nakangiti at pareho rin na nakasuot ng dress kaso nga lang magka-iba ang kulay. Kambal nga silang dalawa. Nakakamangha. Ang gaganda nila.

"Yung naka-dilaw na dress, si Kyrine. 14 years old palang kami dyan sa picture."

Sheet of paper! Tama nga ang hula namin ni Raine na kakambal nya si Kyrine. Homaygad!

"Bakit pala gusto mo malaman kung kapatid ko si Kyrine?" takang tanong nya.
"A-ano kasi... Uhmmm..." Ano bang magandang sabihin na dahilan? Err! "Si Lorraine, inutusan talaga nya ko na kausapin ka kaso nga lang busy sya. Gusto nya din kasi malaman kung nasan si Kyrine? Para maka-usap nya daw at kamustahin."

Takte naman! Ok lang tong ginagawa ko diba? Haayst. Gumagawa ako ng kasinungalingan para lang malaman ko ang isang bagay.

Kumunot ang noo ko nang bigla tumamlay ang mukha nya. Hala. May mali ba ko na sinabi? Shiz!

My Secret FianceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz