C - 35

1.8K 42 0
                                    

"Hoy! Hoy! Kayong dalawa. Sumali kayo samin. Last game na to." istorbo samin ni Andy.
"Nakakatamad, Andrie." sagot ni Javen.
"Aba! Andy ang pangalan ko, hindi Andrie. Aish! Ang KJ mo talaga, Javen..." tumingin sya sakin. "Sharica, Ikaw? Sali ka samin. Last na to. Pagbigyan mo na ko. Pls?"
"Ano ba ang laro?" tanong ko sakanya.
"Paper dance. Masaya to, promise!" lahat naman ng laro na inisip nya, eh masaya.
"Sige. Sali ako." payag ko
"Yun oh! Pumayag ka rin. Teka, hahanapan kita ng partner tutal ayaw ni Javen sumali." aalis na sana sya nang may pumigil sakanya.
"Sasali ako, and Im her partner." lalong ngumisi si Andy, dahil sa pagpayag ni Javen.

Umalis na sya, dahil kukuha pa raw sya ng mga papel na gagamitin mamaya sa laro.

"Papayag ka rin pala," at bumaling sa tabi ko. "Takot ka na may iba na mahanap si Andy ng partner ko noh?" asar ko sakanya. Tumaas ang isang kilay nya.
"Mas mabuti na sakin ka mapunta, hindi sa iba." pinipilit ko na hindi ngumiti sa harap nya. Nakakahiya kung ngingiti ako sa harap nya, baka isipin nya na kinikilig ako kahit totoo naman.

Hindi na nadugtungan ang usapan namin, dahil tinawag na kami ni Andy na magsisimula na raw ang laro kaya tumayo kami ni Javen at pumunta sa gitna kasama ang ibang kaparehas.

Pinag-gigitnaan namin ni Javen ang isang dyaryo'ng papel na nasa sahig.

"Bakla! Last game na to, dapat may price na!" rinig ko kay Kira sa unahan. Kapartner nya ang pinsan nya.
"O, sige ba. Nakikita nyo ba tong hawak ko? Ito ang magiging price nyo kapag nanalo kayo." masayang wika ni Andy.

Tiningnan ko ang hawak ni Andy. Nyemas! Parang nagningning ang mga mata ko sa nakita. Hawak-hawak nya ang isang medyo-maliit na plastik na naglalaman ng sandamakmak na chocolates at lollipop. Homaygad! Gusto ko yun makuha. At, mukhang imported pa yun. Shiz! Ang yaman nitong bakla na to.

Karamihan samin, ay babae ang gusto kumuha nun. Kami dapat ang makakuha nun. Dapat kami ni Javen ang manalo.

"Andy. Langya. May ganyan ka pala, dapat binigay mo nalang samin." reklamo ni Trisha.
"No. Kailangan paghirapan nyo to. Ang mamahal kaya nito. hahah!"

Napaharap ako kay Javen na naka-cross arm lang habang tinitigan ako.

"Gusto mo ba yun?" tukoy nya sa hawak ni Andy. Shiz! Nahalata nya pala na nakatitig ako ron.
"Oo. Dapat manalo tayo dito. Para makuha natin yun."
"Bibilhan nalang kita. Mas maganda kung magpatalo tayo, para matapos agad natin." sumimangot ako.
"Hindi pwede! Kahit bilhan mo ko ng ganun, di ko tatanggapin. Nandito na tayo, dapat hindi tayo magpatalo." mas mabuti nga yung paghirapan muna. diba?
"Ok. Hindi tayo magpapatalo but in one condition?"
"Ano?"
"Halikan mo ko, kapag manalo tayo. Sayo rin naman mapupunta yung hawak ni Andrie." ayan na naman ang ngisi nya. Napakamot ako sa batok ko.
"Oo na. Basta, sakin na yung premyo?"
"Of course. Di ako mahilig nun. Sayo lang ako mahilig."
"Heh! Nasa laro tayo, Javen" at iniwas na ang tingin sakanya. Nyemas! Pangatlo na.

Bumalik ang tingin ko sa harapan dahil sa tagal na magpasimula ng laro ni Andy.

"Andrie, pambata na nga yung laro. Pambata rin ang premyo. Wala bang bago?" reklamo ng isang lalaki na pinsan ni Javen.
"Anong gusto nyo? Condom? Wala ako nun!" nagtawanan kami sa sagot nya. "Ito na. Ito na. Mag-umpisa na tayo. Kapag pinatugtug ko na ang music, sasayaw kayo. Then, kapag tinigil ko na, apakan nyo ang papel. Dapat hindi nakalampas ang mga paa nyo sa labas ng papel. Dahil kung nakalampas, out na kayo. Bawal ang madaya. Naku! Titingnan ko kayo."

Nang pinatugtog na ni Andy ang music, ay sinimulan na namin sumayaw. Natatawa ako kay Javen dahil halata na napipilitan sya na igalaw ang katawan nya. Pareho kami di magaling sumayaw. lol.

Agad kami pumunta sa loob ng papel nang tumigil ang music. Takte! Alam ko na mangyayare to. Alam ko na mas lalong didikit ang mga katawan namin ni Javen kapag konti nalang maapakan sa papel. Shiz! Kahit may kuryente na dumadaloy sa katawan ko dahil sa higpit na yakap nya sa likod ko, eh kailangan tiisin. Langya.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now