C - 21

2.5K 60 1
                                    

Napatingin ako kay Raine dahil kanina pa sya nakatitig sa mukha ko na para bang may dumi ako sa mukha. Naiilang tuloy ako sa kakatitig nya sakin.

"Hoy! Anyare sayo? May dumi ba sa mukha ko?" takang tanong ko sakanya.

Umiling sya sakin. Nilunok nya muna ang pagkain sa bibig nya bago magsalita sakin.

"Pansin ko lang, shari. Simula nung bumalik ka sa klase natin kanina, biglang nagbago ang mood mo. Parang ang saya-saya mo. Yung ngiti mo abot sa tenga, kulang nalang mapunit sa mukha mo."

Hindi ko na naman talaga maiwasan ngumiti kapag naalala ko ang nangyare kanina sa rooftop. Gesh! Gusto ako ni Javen. Anebe!

"Oh ayan! Namumula na naman ang pisngi mo. Para kang sira na nakangiti dyan. Ano bang nangyare, at nakaka-ganyan ka? Inlove ka ba?" Interesado nyang tanong.

Inlove? Ako? Wala sa isip ko yun. Ang alam ko lang, gusto ko si Javen. Hindi pa ko inlove sakanya, siguro?

"Bakit mo yan naitanong sakin?" nagkibit-balikat sya.
"Wala lang. Baka inlababo ka na kay Javen, o baka naman may masayang nangyare sayo ngayon. Meron ba?"
"Meron nga..."
"Ano? Tungkol saan? Share, share din pag may time." at ngumisi sya sakin.

Napairap ako at walang magawa na ikwento sakanya ang nangyare kanina. Nang matapos ko iyon ikwento sakanya ay bigla sya tumili ng pagkalakas-lakas, na ikinagulat ko naman.

Sana nalang, hindi ko muna ikinuwento sakanya. Parang nagsisi tuloy ako.

"Kyaaaaahh! OMG! Umamin sya sayo? God! Nakakakilig kayo! Hindi ko--"
"Lorraine! Pwede bang hinaan mo ang boses mo... Tumingin ka sa paligid natin! Halos lahat sila ay nakatingin satin!" saway ko sakanya.

Ginawa nya naman ang sinabi ko. Hiyang-hiya ako rito. Err! Nasa canteen pa naman kami.

Hindi naman nagtagal ang tingin ng mga tao samin dahil tinanggal din nila agad iyon at bumalik sa kani-kanilang ginagawa.

"Sorry. Di ko mapigilan eh... Pero, ang swerte mo Sharii. Gusto ka ni Javen tapos gusto mo pa sya. Perfect. Baka, sa susunod mahal nyo na pala ang isa't-isa." mahina na nya yun sinabi ngayon.
"Ewan..." napangalumbaba ako.

Impossible kaya na mahalin ako ni Javen? Kahit gusto nya na ko?

"Shari, feeling ko parang hindi mo lang gusto si Javen. Inlove ka na din ata sakanya." kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Huh? Bakit mo nasabi?"
"Sabi mo nga, tumibok ang puso mo kay Javen. Parang nagiging abnormal ito, yung bibilis at lalakas. Senyales yun na inlababo ka na sakanya. Mahal mo na sya."

Napayuko ako sandali para isipin mabuti ang sinabi nya. Inlove na ba talaga ako kay Javen? Mahal ko na talaga sya?

Napabuga ako ng hangin sa bibig ko. Siguro nga, tama sya. Hindi lang ata gusto ang nararamdaman ko kay Javen. Mahal ko rin sya.

"Tama ka. Baka mahal ko na sya."
"Naku... Yan na nga ang sinasabi ko. Tuluyan ka na nahulog kay Javen. Pero, sabagay gusto ka naman nya. Baka mamahalin ka rin nya."
"Sana... ayoko pa naman umasa." Napanguso ako.
"Kasi masakit umasa.. Sus! ganun talaga, masakit din naman mag-assume! Yung akala mo na may gusto sayo, yun pala wala! Paasa eh!" gigil nya na turan.

Pagkatapos nun, ay tumawa sya, kaya napailing ako. Pagdating talaga sa love, ang expert nya. Daming alam, dami ring hugot. Ang kaso nga lang walang lovelife. Kailan kaya magkakaroon ng lovelife ang babaeng ito?

Bigla sya napatigil sa kakatawa nang may umupo sa tabi nya. Napasimangot sya dahil ang umupo sa tabi nya ay si Karrick.

Naku naman... Away na naman ba? Medyo lumayo sya kay Karrick na parang bigla sya nandiri rito.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now