C - 31

2.4K 76 9
                                    

"Sharica, Totoo ba na may boyfriend ka?" tanong sakin ng isa kong kaklase.

Tumango nalang ako sakanya bilang sagot. Pa-ulit-ulit ko nalang yun naririnig kapag nagtatanong sila sakin. Para silang reporter kung magtanong. Aish!

"Sino ba yang boyfriend mo, Sharica? Bakit hindi namin kayo nakikita na magkasama?"
"Sorry. Di ko yan masasagot. Secret kasi."

Lagi ko yun sinasagot sa tuwing may tinatanong sila sakin tungkol sa boyfriend ko raw. Ayoko namam sabihin sakanila na yung boyfriend ko ay fiance ko na pala, baka mas lalo pa nila dagdagan ang tanong nila sakin. Nakakaloka na.

Naramdaman ko na kinalibatan ako ni Raine kaya napalingon ako sakanya.

"Anong iniisip mo? Pwede mong e-share sakin?" napatitig ako sakanya sandali at binalik ulit ang tingin sa kawalan.

Pareho kami nakaupo ni Raine dito sa isang bench na madalas namin tinatambayan. Lumayo kami sa mga kaklase namin para makaiwas sa mga tanong nila sakin. Nakakapagod na kasi. Masyado silang interesado.

"Iniisip mo pa rin ba ang post ni Javen don sa secret files?" di ko sya sinagot kaya nagsalita ulit sya. "Alam mo, nag-message ako sa page na yun kung kanino account ang nag-send ng confession na pinost nila. Nag-reply sila, ang sabi, di nila alam dahil mukhang dummy account ang ginamit. Iba kasi ang pangalan." kwento nya.

Alam ko na di gagamitin ni Javen ang totoo nya na account sa facebook dahil kung gagawin nya yun ay malalaman ng admin. Ayaw pa naman nya na may nakakaalam sakanya. So, he used a dummy account to hide his true identity.

Hanggang ngayon, di ko pa rin nakikita si Javen. Maski si Xtan, hindi alam kung nasan sya. Mukhang di sya pupunta dito ngayon. Nasaan kaya ang lalaki na yun? Arg.

"Kailan mo balak magsalita, Shari? huh? Kanina pa ko nagsasalita dito, oh!" parang irita na sabi ni Raine. "Para akong nagsasalita dito na mag-isa. Walang sumasagot sakin. hmp!" dugtong pa nya.

Kanina pa talaga sya nagsasalita pero di ko lang pinapansin. Napatingin ako sakanya.

"Atleast, may nakikinig sayo. Wag kang high-blood agad. Relax, ok?"

Napairap sya pagkatapos ko iyon sabihin. Napailing ako dahil mukha sya na nagtatampo sakin.

"Ano ba talaga ang iniisip mo? At, mukhang malalim? Si Javen ba yan?" Usisa nya.
"Si Javen nga..." amin ko sakanya. "Hindi ko pa sya nakikita kanina pang umaga. Sa tingin mo, nasaan kaya sya?"
"Baka may mahalaga lang pinuntahan. Nami-miss mo sya, noh?" bigla nyang ngisi na sabi.
"Hindi ah!"
"Sus! Ayaw pang aminin." asar pa nya.

Masama ko sya na tiningnan para tumahimik sya. Mukha naman gumana dahil nawala na ang ngisi nya sa labi. Sa totoo lang, miss ko na talaga si Javen, ayaw ko lang aminin sakanya dahil baka mas lalo ako asarin.

"Tawagan mo sya, o e-text para malaman mo kung nasan sya." Suggest nya sakin.

Ginawa ko na yan pero out of coverage o di sumasagot. Baka busy sya ngayon.

"Di nya ko sinasagot." wala kong gana na sabi.
"Wag ka mag-alala, Shari. Baka mamaya, nasa parking lot na si Javen. Hinihintay ka." napanguso ako.
"Sana nga, dahil parang pinapaasa mo ko sa sinabi mo."

Napatawa sya. Sarap talaga pektusan ang babaeng ito. Tinatawanan lang ako. Alam nya naman na masakit umasa.

"Anong gagawin mo pala ngayon sembreak natin? Magbabakasyon ba kayo?" pag-iiba nya sa usapan.
"Di ko alam. Baka nasa bahay lang ako."
"Ang boring..."
"Ikaw ba?"
"Di ko rin alam eh. Baka aalis kami. Di ko alam kung saan."

Matapos ang ilang minuto na pag-uusap ay naisipan na namin umalis. Pupunta na kami sa conference hall dahil may orientation kami para sa work immersion namin. Sana makita ko na si Javen ngayon. Lahat kasi ng grade 12 ay dapat nandoon.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now