C - 33

2.1K 53 4
                                    


Wala sa sarili ko sya na hinampas sa dibdib. Inirapan ko sya at tinalikuran na. Di ko pinansin ang naging reaksyon nya. Umupo ako sa gutter na malapit sa pwesto namin. Pinunasan ko ang tirang luha sa pisngi ko. Nakasimangot ako na tumingin sa kawalan.

Hindi ako sasama sakanya hangga't di nya ko sinasagot. Simple lang naman ang tanong ko na hindi nya manlang masagot-sagot. Hindi naman mukhang mahirap. Masama ba na mag-alala sakanya? Err. Bahala nga sya.

Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko kaya napalingon ako sakanya pero saglit lang iyon. Langya. Di ko inaasahan na uupo sya sa tabi ko. Narinig ko sya na tumikhim.

"Galit ka ba?" rinig ko mula sakanya.
"Sa tingin mo?" wala kong gana na sabi.

Ilang minuto sya di nakaimik bago magsalita ulit.

"Anong gusto mo na malaman?" napatingin ako sakanya.
"Bakit? Sasagutin mo?" parang paghahamon kong sabi.
"Kung mahirap... Baka hindi." sinamaan ko sya ng tingin kahit ang seryoso nya.
"Hindi naman to mahirap. Gusto ko lang malaman kung anong nangyare sa mukha mo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin?" nawala ang pagkaseryoso nya nang ngumisi sya ulit. "Anong ngi-ngisi mo dyan? Tinatanong kita." irita kong saad. Napailing lang sya.
"Nag-alala ka sakin."
"Bakit naman, hindi? Ang tagal mo nga di nagpakita sakin."

Nagulat ako nang akbayan nya ko kaya napabaling ako sa kamay nya na nakapatong sa kanan balikat ko. Shiz!

"Sorry na, ok? Itong nasa mukha ko, sinadya ko talaga magkaroon. Ginusto ko to..." nanlaki ang mga mata ko. Ano ibig nyang sabihin? "Hindi pa sana ako magpapakita sayo dahil hinihintay ko pa mawala ang mga sugat ko sa mukha. Ayaw din kita mag-alala sakin. Pero ngayon, di ko na kaya tiisin na di kita nakakasama kaya nandito ako."

Nakaawang ang bibig ko pagkatapos iyon marinig. Ibig bang sabihin, kaya di sya nagpapakita sakin dahil ayaw nya na malaman ko ang nangyare sakanya nitong nakaraang araw para di ako mag-alala, para rin hindi ko makita ang mukha nya na napuruhan. Ganun ba yun?

"Kahit naman na di tayo nagkikita, ay nag-alala na ko. Hindi mo sinasagot ang mga tawag o text ko. Akala ko nga, wala ka ng paki sakin."
"Im sorry... Di ko na uulitin." di ko yun pinansin at pinagpatuloy ang sasabihin.
"At yang mga sugat lang pala ang dahilan kung bakit di kita nakikita..." huminga ako ng malalim. "Javen, gaya mo, namimiss din kita," kinagat ko ang ibabang labi ko. "Kung nalaman ko agad ang nangyare sayo, edi sana inalagaan na kita. Ang unfair mo... Fiance mo ko tapos di ko alam kung anong nangyayare sayo."

Iniwas ko ang tingin ko sakanya kahit seryoso sya na nakatitig sakin. Hindi sya kumibo pagkatapos ko iyon sabihin.

"Wala ka bang tiwala sakin, Javen? Hindi mo ba ko m-mahal?" nanatili pa rin syang tahimik. Yumuko ako. "Pakiramdam ko, may di ka sinasabi sakin. Pakiramdam ko, ayaw mong sabihin kung bakit ka nagkaroon ng mga sugat sa mukha. Parang ayaw mong malaman ko kung sino ang may gawa nyan, o nangyare sayo..." aniya ko, at marahan na napapikit.

May tiwala ako sakanya, pero sya? Parang walang tiwala sakin. Nakakalungkot isipin. Masakit din. Napadilat ang mga mata ko nang hawakan nya ang baba ko at dahan-dahan inangat yun sakanya.

Ang... ang lapit nya sakin. Baka 2 inches lang ang layo namin sa isa't isa pero nyemas! Ang lapit talaga, pati hininga nya nararamdan ko at naamoy. Napalunok ako sa dis-oras.

"May tiwala ako sayo. Wag mong isipin na di kita mahal dahil mahal na kita, Sharica..." at, bumaba ang tingin sa labi ko.

Mas lalo ata bumilis ang tibok ng puso ko. Mas lalo rin nag-iingay na para bang tambol. Unti-unti lumapit ang mukha nya sakin nang may bigla tumawag samin kaya naman napahiwalay kami sa isa't-isa at lumingon sa likod namin.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now