C - 23

2.3K 66 0
                                    

Agad ako lumapit kay Lola at niyakap ng mahigpit nang makita ko sya.

"Lolaaaa, namiss kita." saad ko habang nakayakap sakanya.
"Naku kang bata ka... Namiss din kita, apo." masayang sabi nya.

Nakangiti ako na humiwalay sakanya at nag-mano na rin. Yinakap ko si Lolo na nasa tabi nya at nag-mano rin. Muntik ko na kalimutan na nasa tabi ko pala si Javen.

Magsasalita sana ako pero natigilan ako nang makita ko si Javen na nag-mano kay Lola at Lolo.

"Ito ba ang lalaki na fiance mo, iha?" tanong sakin ni Lola.

Sinabi na ata ni Papa kila Lola na meron na kong fiance, kaya alam nila.

"Opo, La."
"Ka-gwapong bata."

Tanging ngiti lang ang sagot ni Javen sakanila. Nasa labas pa sila Mama at ang mga kapatid ko. Nauna na lang kami rito dahil yun ang gusto nila.

"Nasaan si Carmelia, at Reynald?" tukoy ni Lolo kay Mama at Papa. "Pati ang mga kapatid mo, iha?" dugtong na tanong nya.
"Nasa labas pa po sila, Lo." sagot ko.
"Mabuti kung puntahan ko muna sila. Dito muna kayo."

Pareho kami napatango ni Lola. Pinapaupo nya muna kami nang umalis na si Lolo.

Maya-maya dumating na sila. Nakita ko na niyakap ng mga kapatid ko si Lola, ganun din ginawa nila Mama. Siguro, tapos na nila yakapin si Lolo sa labas.

Nang makompleto na kami lahat dito ay niyaya na kami ni Lola pumunta sa kusina para kumain. Buti nalang, dahil nakakagutom na.

"Lola, namiss ko ang mga luto nyo. Lalong-lalo na ang luto nyong menudo. Yummy!" di ko mapigilan kong sabi at sinubo ang pagkain sa bibig ko.
"Masarap talaga magluto si Lola. Pareho sila ni Mama." sabi naman ni Sharice.

Tumawa lang si Lola, pati rin si Mama. Sila Papa at Lolo naman ay parang may sariling mundo dahil sa pag-uusapan nila. Nag-umpisa rin nag-usap sila Mama at Lola.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain hanggang sa napalingon ako sa katabi ko. Napataas ang isang kilay ni Javen nang mapansin nya na nakatitig ako sakanya. Nginitian ko sya bago magsalita.

"Masarap ang pagkain noh?" mahina kong sabi pero alam kong rinig nya yun.

Tumango lang sya sakin, at pinagpatuloy ang pagkain.

Napabaling ako kay Lola nang tawaging nya ko.

"Sharica, mas mabuti kung ipasyal mo si Javen bukas sa lugar natin."
"Sige po, La." binigyan nya ko ng matamis na ngiti.
"Haaay, parang noon lang, ang bata mo pa. Ngayon, malapit ka ng ikasal." may halong saya at lungkot na narinig ko mula sa boses nya.
"Nay, mabait naman si Javen. Tingnan nyo silang dalawa, bagay sila. Kaya nararapat lang sila sa isa't-isa." kilig na sabi ni Mama habang nakatingin silang lahat samin ni Javen.

Tama ka, Ma. Nararapat talaga kaming dalawa ni Javen. hihih. Anubayan! Nahahawa na ko kay Mama sa kilig nya samin.

"Gusto ko rin si Javen para kay Sharica, kahit ngayon ko palang sya nakilala. Basta... Tandaan nyong dalawa, wag muna kayo magkaka-anak pagkatapos nyong ikasal."

Parang uminit ang pisngi ko nang banggitin ni Lola na magkaka-anak. Sheet! magkaka-anak ako kay Javen? Anak? anak talaga? Diba, bago magkaroon ng anak, kailangan nyo muna... OMG! Di ko muna pwede yun isipin. Inosente pa ko, lol.

"Tapusin nyo muna ang pag-aaral nyo sa kolehiyo kahit mag-asawa na kayo." dugtong pa nito.

Mas lalo ata uminit ang pisngi ko dahil sa 'asawa' na yan. Di ko tuloy mapigilang isipin kung anong mangyayare kapag asawa ko na si Javen? Shizzz! Asawa ko? Asawa KO? Parang ang sarap sabihin.

My Secret FianceWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu