C - 19

2.3K 66 0
                                    

"Good Morning, Cookery students!" bati samin ni Ms. Reyes. She's our teacher in Cookery Subject.
"Good Morning too, Ma'am!" balik namin sakanya.

We're here at conference hall. Lahat ng grade 12 - Cookery ay nandito, kaya medyo marami-rami rin kami dito.

"So, alam nyo naman siguro kung bakit kayo nandito, diba?"

May iba na tumango. Yung iba naman ay wala lang.

"We're here because of the Intramurals. It will be next week but until now, wala pa tayo na nahahanap para maging representative ng Ms. and Mr. Instrams..." Blah.. Blah..

Dapat hindi nalang kami pumunta rito. Yan lang pala ang pag-uusapan. Kailangan lang naman namin pumili kung sino magiging represantative ng Mr. & Ms. Intrams sa course namin.

Ang boring...

Pumunta sa harap si Cristina nang matapos magsalita ni Ms. Reyes, dahil tinawag sya nito.

"So, guys sino gusto nyo maging representative ng Mr. Intrams sa course natin?" tanong ni Cristina. Hindi ko sya kaklase, nasa section 1 sya pero kilala ko sya kaya nga alam ko ang pangalan nya.

May iba na nag-simula na mag-suggest kung sino ang gusto nila maging representative ng Mr. Intrams namin.

Ang ingay. Puro Kiefer ang binabanggit nila.

"Ok. Si Kiefer ang magiging representative natin sa Mr. Intrams even thought he's not here."

Naghiyawan yung iba lalo na yung mga babae. Sino ba yang Kiefer na yan? Bakit pa nila pinili ang wala dito?

"Raine, kilala mo si Kiefer?" tanong ko sa katabi ko.
"Oo. Section 1 yun."
"Bakit hindi nalang si Bryan?"
"Sharii, sumali na sya last year. Parang nakakasawa na. Gwapo naman si Kiefer kaya oks na. Baka manalo tayo."

Umirap ako, at ibinalik nalang ang tingin sa harapan pero laking gulat ko na nandon ang pangalan ko sa white board. What the shit!

Sharica Juantes - Section 2. Yan ang nakasulat. Depeta! Sino naman na tao ang nag-suggest sakin? Iniinsulto ba nya ko?

"Sino nagpangalan sakin doon, Raine?"
"Si Charmaine. Naaaks, sharii. Dapat ikaw mapili." May kakaiba sa ngiti nya kaya mas lalo ako naasar.
"Ayoko sumali sa ganyan."

Tinawag ko si Charmaine kaya napalingon sya sakin.

"Bakit mo ko pinili!?" tanong ko sakanya. Ngumisi sya. Tayna!
"Maganda ka naman, Sharica. Dapat ka lang sumali."

Shemay! Ako sasali? No way! Tumayo ako nang marinig ko na ang pangalan ko. Puro sila 'sharica, sharica, sharica, sya nalang ang representative'. Masakit sa tenga.

"Hep! Wag nyo ko isasali dyan! Iba nalang!" Lahat ng atensyon nasa sakin. Shizz!
"Sharica, ikaw ang gusto nila maging representative ng Ms. Intrams." singit ni Ms. Reyes samin.
"Pero, Ma'am, pwede naman si Vanessa."
"Sumali na si Vanessa last year. So, sa ayaw o gusto mo, ikaw ang sasali. Don't worry you have additional point from me." at, nginitian nya ko.

Bigo ako napaupo sa upuan ko. Ba't nangyare ito sakin? Alam ko na maganda ako pero yung ganda ko hanggang sa bahay lang. Hindi aabot dito. Atsaka, hindi ako marunong magrampa!

Naramdaman ko na bigla ako niyakap ni Raine.

"Geez! Finally ikaw ang pinili. Proud ako sayo. Dapat galingan mo next week. huh?"

Napangiwi ako. Dapat pala sya nalang ang sumali.

Lumabas na kami ng conference hall nang matapos ang meeting namin. Err! Meeting na-- nevermind.

My Secret FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon