C - 17

2.6K 65 0
                                    

"Ma, nasan si Kuya?" Tanong ko kay Mama, habang nagsusuklay sa harap ng salamin.
"Nauna na." Tinigil ko na ang pagsusuklay at humarap kay Mama.
"Kanino ako sasabay?"

Aaminin ko na late na ko para pumasok ngayong araw, pero kahit late na ko ay hinihintay pa rin ako ni Kuya. Bakit ngayon hindi nya ko hinintay?

"Kay Javen ka sasabay. Pupunta sya rito."

Napanganga ako sa sagot ni Mama sakin. Si Javen, pupunta rito para sunduin ako? Oh, God! Bakit?

Magtatanong sana ako kay Mama pero dumating si Papa na mukhang kagagaling lang sa labas.

"Anak, nandito na si Javen. Nasa labas sya, naghihintay sayo." turan ni Papa sakin.
"Bakit hindi mo muna sya pinapasok dito?" tanong agad ni Mama sakanya.
"Pinapasok ko, ayaw nya."
"Naku... Sige na Crien, lumabas ka na. Puntahan mo na si Javen." Taboy nya sakin. Aish!
"Teka nga lang Ma at Pa. Bakit kay Javen ako sasabay?"
"Anak, fiance mo sya. Kaya simula ngayon, lagi na kayo magsasabay ni Javen pumunta sa skwelahan nyo at umuwi." Ngiti nya.
"Papa, pwede naman na di nalang ako sumabay sakanya. Kaya ko ang sarili ko."
"Wag na maraming salita, Crien. Sundin mo nalang kami. Mabuti na magkasabay kayong dalawa para makilala nyo naman ang isa't-isa."
"Tama ang Mama mo, anak." Sang-ayon ni Papa.

Bigo ako napanguso. Aish! Nagpaalam na ko sa mga magulang ko, at umalis na sa Bahay.

Naabutan ko si Javen na nakatayo sa tabi ng kotse nya.

"Buti naisipan mo pa na lumabas." agad nyang sabi nang makita nya ko.

Hindi nya ko hinintay na magsalita dahil sumakay na sya sa kotse nya. Arg! Bwiset! Inis ko na binuksan ang pintuan ng sasakyan, at umupo na sa front seat. Agad naman nya pinaandar ang sasakyan.

"Ok lang sayo na magkasabay tayo pumasok?" basag ko sa katahimikan namin dalawa.

Kanina pa ko nakatunganga dito, pero ni-isa samin walang nagsasalita.

"Ok lang sakin. Hindi ba ok sayo?" Umayos ako ng upo dahil sa tanong nya. Hindi ko inaasahan na tatanungin nya ko ng ganun.
"O-ok lang din naman sakin. Pero, hindi ka ba mapapagod na lagi ka pupunta sa bahay para masabay mo lang ako? Alam mo na, baka busy ka pala na tao."
"Hindi. Yes, sometimes Im a busy person, pero mas mabuti na lagi kita na kasabay para..." Kumunot ang noo ko, dahil pinutol nya ang sasabihin nya.
"Para ano?"
"Wala, kalimutan mo na yun."

Wala? Pakiramdam ko parang meron, pero ayaw lang nya sabihin. Tch. Hindi na ko umimik pa. Nakakahiya na magsalita ulit.

Akala ko ibaba nya ko sa harap ng gate, pero pinagpatuloy pa rin nya ang sasakyan hanggang sa makarating na namin ang parking lot.

"Hindi ka pa bababa?" Tinigil nya na ang sasakyan at pinarada na, pero napansin ko na di pa sya bumababa.
"Mauna ka na. Baka may makakita satin."

Ay shemay! Oo nga, kung may makakita samin na kakilala namin, baka magtaka pa sila. Dapat hindi nila malaman na engaged kaming dalawa.

Bumaba na ko sa sasakyan at nagmamadali na pumunta sa room. Sheet! Late na kasi ako.

Hinihingal ako na dumating sa room namin. Grabe! Sobrang grabe! Nakakapagod, lalo na kapag room nyo nasa fourth floor. Nasira pa kasi elevator ng skwelahan namin. Psh!

Nyeeta! Nagmamadali ako na pumunta dito tapos wala pa palang teacher. Lumapit ako kay Raine, at umupo sa tabi nya.

"Good Morning, Shariii!" bati nya sakin.
"Walang good sa Morning ko."
"Edi, Bad Morning nalang." Napairap ako.
"Wala ba tayong klase ngayon?" tanong ko sakanya.
"Meron daw eh. Mukhang mala-late lang si Mrs. Ocampo."
"Bakit mala-late pa sya? Pwede naman na di nalang sya pumasok."
"Grabe ka naman kay Mrs. Ocampo. Ano bang nangyare sayo at nagkaka-ganyan ka?"
"Wala."
"Anong wala? Baka dahil kay Javen. Ayiee~" asar nya.
"Tumahimik ka, baka may marinig sayo." saway ko sakanya.
"Ok, tatahimik na ko. I will zip my mouth na." Napailing ako at sumandal na lang sa upuan.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now