C - 29

2K 50 0
                                    

"Madriaga! Yieee!"
"Soon to be Mrs. Madriaga! Hahah!"
"Sharica, nandyan si Kiefer. Ayieeee!"
"Sagutin mo na si Kiefer, sharica. Pakime ka pa eh! Hahah!"
"Ang swerte mo kaya sakanya. Witwew!"

Masama ko sila na tiningnan isa-isa. Hindi nakakatuwa. Nakakarindi yung mga asar nila sakin. Puro sila Madriaga at Kiefer kapag tinatawag nila ko. Arg. Simula nung umamin sakin si Kiefer at nung nabasa nila ang confession ni Kiefer sa secret files ay inaasar na nila ko. Ayoko sa lahat yung inaasar nila ko sa ibang lalaki. Ok lang sakin kung si Javen ang inaasar nila sakin at kikiligin pa ko.

Nakausap ko na si Kiefer. Gusto nya ko ligawan pero hindi ako pumayag. Kumbaga, basted agad sya sakin. My heart is already taken. Alam nyo na kung kanino. Kay Javen.

Ang problema nga lang, hindi sumusuko si Kiefer. Sa tuwing nakikita nya ko ay nilalapitan nya parin ako at kinakausap. Ang sabi pa nga nya sakin, 'gagawin nya ang lahat para makuha nya daw ang puso ko'. Nyemas! Pano nya kukunin ang puso ko kung nasa loob ko ito? Ano, hihiwain nya ang dibdib ko? dejoke! Hindi nya na makukuha ang puso ko dahil may nauna na. Sorry sya. Si Javen na ang kumuha. Enebe! Im already inlove with Javen, kasi.

Pero mukhang desperado si Kiefer na maging girlfriend nya ko. He really wants me to be his girlfriend. Hindi nya ko pwede maging girlfriend dahil may fiance ako. Kung pwede lang sabihin sakanya yun.

Bakit ako pa? Sa dina-dami ng babae sa mundong ito, ako pa ang pinili nya? Sakin pa sya tinamaan. Minsan naiinis na ko sakanya dahil pinipilit nya ko kahit ayaw ko.

Hindi naman sa ayaw ko sakanya pero parang papunta na roon dahil sa hindi nya ko tinitigilan. Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya ko na ibigay sakanya pero mukhang ayaw nya. Aish! Ayaw ko sya na umasa at saktan dahil sa pinag-gagawa nya. Marami pa naman dyan ibang babae na pwede nyang magustuhan. Gwapo, matangkad, at matalino sya kaya hindi sya mahihirapan maghanap.

"Tumigil nga kayong lahat. Tigil-tigilan nyo na pang-aasar sa kaibigan ko. Aba!" rinig kong saway ni Raine sakanila.

Ganyan nga Raine. Pagalitan mo sila. Palibhasa, alam nya na si Javen ang fiance ko. Kung alam lang nila siguro na may fiance ako, baka tigilan na nila ko. Ilang ulit ko rin sila pinatigil at sinaway pero patuloy pa rin sila sa pang-aasar sakin kaya sa huli, hinayaan ko nalang kahit nakakaasar na at nakakainis. Arg.

Bago pa namin marinig ang mga babatuhin nilang salita kay Raine ay lumabas na kami ng Room. Nakaka-imbyerna lang sa loob. Katatapos pa lang ng exam namin sa ibang subject kaya kahit papano nabawasan ang pagka-stress ko. At, ayoko ng dagdagan pa dahil sakanila. Hmp!

Naglalakad kami rito sa hallway nang tumigil si Raine kaya napatigil din ako. Nagtataka ako na tumingin sakanya.

"Shit! Si Kiefer, papalapit satin." pagpa-panic nyang sabi.

Lumipat ang tingin ko sa tao na tinitingnan nya ngayon. Tama nga sya. Kahit malayo pa si Kiefer samin, ay mukha na lalapit sya rito.

"Umalis na tayo, Shari. Bago pa sya makarating dito." nag-alala nyang turan. Napangiwi ako na napalingon sakanya.
"Hindi tayo aalis. Bakit parang takot ka na lapitan nya ko?"
"Wala. Ang kulit nya kasi. Ayaw ka nya tigilan. Tch!"
"Ako ang bahala. At isa pa, kung iiwas ako sakanya baka isipan nya na may gusto ako sakanya. No way!"
"Iiwas ka lang, may gusto agad? Sus! Hindi ba pwedeng isipin na ayaw mo talaga sakanya."
"Ganun naman talaga ah. Iiwas ka dahil may gusto ka sakanya. Parang katulad sa inyo ni Karrick, diba?" asar ako na ngumisi sakanya kaya napasimangot sya.
"Heh! Tumahimik ka! Masaya na ko kay Xtan" inis nyang sabi.

Hindi na ko nagsalita pa dahil nakarating na si Kiefer sa harapan namin. Holy Shit! May mga mata na naman nanonood samin, kasali na yung iba ko na mga kaklase. Psh! Dahil sa confession nya sa secret files ay nagiging sikat na ko at marami na rin nakilala sakin. May iba nga na kinikilig pa samin ni Kiefer. Jusme! Wag ako.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now