C - 34

1.7K 43 1
                                    

Tahimik lang ako nakasandal dito sa front seat habang may kausap si Javen sa cellphone nya. Nandito pa rin kami sa sementeryo at di pa rin umaalis dahil may tumawag sakanya.

Lumingon ako kay Javen nang paandarin nya na ang sasakyan, hudyat na tapos na sila mag-usap ng taong tumawag sakanya kanina.

"Saan nga pala tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa pinsan ko. Sya yung tumawag sakin kanina." napatango ako.

Bumalik ang tingin ko sa daanan. Maya-maya, inilabang ko muna ang sarili sa cellphone para mag-facebook.

"May bigla ako naalala." rinig ko sakanya kaya naman napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin ulit sakanya.
"Ano yun?"
"Nung tumawag ako sayo kanina. Bakit mo yun ginawa?" unti-unti tumaas ang sulok ng labi nya habang nag-mamaneho at nakatingin sa daan. Shiz!

Alam ko ang tinutukoy nya. Tinutukoy nya yung pag-utos ko kay Sharice kanina. Shemay! Iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil sa bigla ako nakaramdam ng hiya. Langya! Parang gusto ko na lamunin ako ng lupa ngayon pero ibubuga rin ako ng lupa kapag nakalimutan na ni Javen ang tungkol sa ginawa ko na kahihihiyan. Takte!

Bakit nya pa yun naalala? Akala ko pa naman nakalimutan nya na. Shiz! Kinagat ko ang ibabang labi ko bago sya sagutin.

"P-pwede bang kalimutan na lang natin yun?" nahihiya ko na sabi.
"Mahirap ata kalimutan lalo na gusto mo ko na magselos kanina." matawa-tawa nyang sabi. Napa-pout tuloy ako.
"Bakit? Nagselos ka ba?"
"Hindi. Sinabi rin naman ng kapatid mo ang totoo." napairap ako.
"Hindi ka pala nagselos. So, bakit pa natin pinag-uusapan to?" sungit ko na sabi.

Parang bigla nawala ang naramdaman ko na hiya dahil sa hindi sya nag-selos. Sabagay, tama sya, sinabi rin naman ni sharice ang totoo. Kainis ng babaeng yun. Binuking ako eh!

"Ang sungit mo."
"Mag drive ka na nga lang. Baka mamaya mabangga pa tayo."
"Hindi yun mangyayare dahil papakasalan pa kita." sa boses pa lang nya, alam ko na nakangisi sya.

Di ko na maiwasan ngumiti sa sinabi nya. Shiz! Ilang araw lang kami na di nagkita, guma-ganyan na sya. Pinapakilig ako. Nyemas!

"Ewan ko sayo." narinig ko sya humalakhak.

Napailing ako at binalik ang ginagawa ko sa cellphone. Scroll lang ng scroll ako sa fb hanggang sa makita ko ulit ang post ni Javen sa secret files ng skwelahan namin. Napangisi ako ng mabasa ko ulit yun.

"Bakit ka nakangisi? May katext ka?" rinig ko kay Javen kaya napatingin ulit ako sakanya.

Ang ngisi nya kanina ay napalitan. Nakabusangot na ito sakin na para bang may di sya nagustuhan. Huminto ang sasakyan dahil sa traffic kaya malaya sya na tumingin sakin.

"Wala. Nabasa ko lang ulit yung post mo sa page. Parang gigil na gigil ka kay Kiefer. Galit ka sakanya?"

Nang banggitin ko ang pangalan ni Kiefer ay may bigla ako naalala. Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Raine tungkol kay Kiefer. Shems! Leader lang naman si Kiefer sa SB. Paanong nangyare yun? Bakit di ko napansin na leader pala sya sa SB? Nakaramdam tuloy ako ng takot sakanya.

"Matagal na ko galit sakanya." binalik nya ang tingin sa daan at pinaandar ulit ang sasakyan dahil wala ng ibang sasakyan na nakaharang samin.
"Matagal? May ginawa bang masama sayo si Kiefer noon?" di nya ko sinagot pero iniba nya ang usapan.
"Nilalapitan ka pa rin ba ng lalaki na yun?" nahihimigan ko ang seryoso nya sa boses.
"Hindi na. Bakit?"
"Good. Ayoko makita na kasama mo ang lalaki na yun. Iwasan mo rin sya."

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa bahay ng pinsan ni Javen. Agad nga kami binungad ng pinsan nya nang dumating kami rito.

Puro mga pinsan at kaibigan ni Andrie, ang bisita nya. Andrie is a gay. Sayang nga eh, gwapo sya pero bakla. May iilang pinsan din dito si Javen na nakita ko na sa kasal ng tito nya noon.

Karamihan sa pinsan nya ay alam na engaged kami. Yung iba nga, kilala na ko. Shiz! Sa una, nahihiya pa ko pero kalaunan nasanay na rin. Madali naman sila pakisamahan.

Hindi ko kasama ngayon si Javen dahil nasa ibang lamesa sya kasama ang mga pinsan nya na lalaki. Nag-iinuman din ata sila. Samantala ako, kasama sila Andrie at mga pinsan nya na babae dito.

"Buti sinama ka na ni Javen dito." pansin sakin ni Trisha.
"Dapat lang na sinama nya si Sharica para naman makilala natin sya." singit ni Andrie o mas kilalang Andy.
"Oo nga eh. Nang malaman ko na may fiance na si Javen, bigla ako na-curious kung sino. Buti nalang ikaw yun, bagay kayo ni Javen." sabi naman ni Kira at napahagikhik silang lahat.

Nahihiya ako na ngumiti sakanila.

"Akala ko nga, di nyo ko magugustuhan." aniya ko.
"Naku. Gusto ka kaya namin para kay Javen." sagot ni Faye, at sumang-ayon ang lahat. Ang babait nila.

Tahimik lang ako habang nag-uusap sila pero kapag tinatanong nila ko ay sumasagot ako. Masaya silang kasama kahit minsan na-o-op ako o di kaya, di relate sa pinag-usapan nila..

"Nga pala, anong nangyare sa mukha ni Javen?" rinig ko na tanong ni Kira.
"Ano ba yan, Kira. Kailangan pa ba yan sagutin? Parang di ka na nasanay sakanya. Basagulero yun eh." kumunot ang noo ko sa sagot ni Trisha.
"Yah... Balita ko nga, umalis na sya sa grupo nila. Kaya may suntukan na naganap. Kalerkey!" sabi naman ni Andy.

What.. the... Parang napanganga ako sa mga narinig ko. A-ano ibig sabihin nila?

Gusto ko na sumabat sa usapan nila, o tanungin sila pero bigla nila iniba ang usapan nang mahalata nila na nandito pa ako. Nagkatinginan pa sila sa isa't-isa na para bang may mali sa pinag-usapan nila. Shiz! Sa huli, tumahimik nalang ako at pinipilit na di pinansin ang mga narinig ko mula sakanila.

Pagkatapos ng kwentuhan at usapan, ay tumayo si Andy dahil may gagawin daw sya na palaro para samin. Tumawa nga kami sa gusto nya dahil parang one year old birthday nya na may palaro pang magaganap.

"Andy, hindi na tayo bata para sa ganyan!" ani Faye sabay halakhak namin lahat. Umirap lang si Andy.
"Ang KJ nyo! 18th birthday ko to kaya walang makakapigil sakin. Debut ko to, kaya dapat magsaya lang tayo." may halong inis sa sinabi nya.
"Echuserang bakla! Hindi mo to debut, feeling babae ka rin noh?" pambabasag ni Kira sakanya. Tinarayan lang sya ni Andy.
"Kung ayaw nyo sumali, edi wag! Hmp!"
"Hindi... Sasali kami. Mukhang masaya." payag ni Trisha.

Ayun nga, pumayag kami sa gusto ni Andy. May iilan na sumali at enjoy na enjoy sila sa mga larong kalokohan na pasimuno ni Andy.

Hindi ako sumali sa laro nila. Tumatawa lang ako habang pinapanood sila. Ako lang mag-isa rito sa mesa dahil sumali rin ang mga kasama ko rito.

Nahagip ng mga mata ko si Javen na tumayo sa kinau-upuan nya at lumapit sakin. Umupo sya sa tabi ko. May iilang tao na tumitingin samin lalo na ang mga pinsan nya. Nakatingin sila samin na para bang gusto nila kami asarin.

"Ok ka lang ba dito?" rinig kong tanong kaya lumingon ako sakanya.
"Ok lang. Ikaw? Baka lasing ka na." nakita ko kasi na namumungay na ang mga mata nya.
"Im not drunk. Dalawang shot lang ininum ko." umismid ako sa sinabi nya.

Mas lalo nya inilapit ang upuan nya sakin at ipinatong ang isang braso nya sa sandalan ng upuan ko sa likod. Naramdaman ko na inilapit nya ang mukha sa tenga ko. Bigla uminit ang pisngi ko sa ginawa nya lalo na nang maramdaman ko ang mainit nyang hininga. Para akong naestatwa rito. Shems!

"Hindi pa ko lasing pero pagdating sayo, nalalasing na ko." parang husky nyang sabi at inilayo na ang mukha sakin. Wtf.

Humarap ako sakanya at di ko na napigilan na kurutin sya sa tagiliran nya. Napa-aray sya pero nanatili pa rin ang ngisi nya sa labi. Keynes!

"Tumigil ka nga. Kanina ka pa na..."
"Na pinapakilig ka?" dugtong nya habang nanatili pa rin ang nakakalokong ngisi nya. Umirap ako sakanya bago balingan ang tingin sa ibang bagay.
"Heh! Tumahimik ka na nga."

Tanging halakhak lang ang narinig ko mula sakanya nang matapos ko yun sabihin. Napanguso nalang ako sa naging reaksyon nya.

My Secret Fianceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें