C - 13

2.5K 73 0
                                    


Pagka-uwi ko kanina ay niyakap ko agad si Papa. Namiss ko kasi sya. Five months sya wala dito sa bahay, mabuti nga na umuwi sya ngayon.

"Anak, alam mo na siguro kaya ako umuwi ngayong araw." turan ni Papa.

Hindi lang kaming dalawa ni Papa ang nandito sa sala para mag-usap. Nandito din si Mama at Kuya. Si Sharice nasa kwarto, busy na naman sa cellphone nya. Alam nyo naman yun, may boyfriend, ka-chat siguro.

"Opo. May gusto kayo sabihin sakin. Ano yun, Pa? Tungkol saan?" Nagkatinginan sila Papa at Mama bago ibalik ang tingin nila sakin.
"Alam na ito ng Mama mo nung isang linggo pa, pero mas mabuti kung kami na dalawa ang magsasabi sayo. Sana wag kang magalit samin anak dahil para rin to sayo."

Napalunok ako. Bat ganyan magsasalita si Papa? Kinakabahan na ko oh! Si Kuya Cynander naman tahimik lang na nakikinig samin.

"Pa, ano po bang sasabihin nyo sakin?"
"Ikakasal ka next year." Diretso na sabi ni Papa kaya napatayo agad ako dahil sa gulat. Pati si Kuya ay nagulat rin.
"Pa, seryoso kayo? Ipapakasal nyo ko?" Di ko makapaniwala na tanong. Shiz!
"Seryoso kami, Crien. Ipapakasal ka namin sa anak ng kaibigan ng Papa mo." turan ni Mama.
"Ma, ang bata pa ni Crien para magpakasal." rinig kong sabi ni Kuya.
"Alam namin iyon, Cynander. Pero, may pangako kami ng kumpare ko nung college kami na kapag may anak kaming dalawa ay ipapakasal namin sila." paliwanag ni Papa.
"Pero, Pa. Masyado namang luma yan na kayo ang magdedesisyon kung sinong lalaki ang ipapakasal sakin."

Parang pinapa-arrange marriage nila ko. Hindi na yun uso diba? Aish!

"Umupo ka nga Crien, at makinig ka muna samin." utos ni Mama, kaya sinunod ko nalang.
"Anak, hindi naman pwede na ipakasal ko si Cynander dahil lalaki ang anak ng kumpare ko. Hindi din pwede si Sharice dahil hindi pa sya sa tamang edad kaya ikaw ang naisipan ko na ipakasal sa anak nila." Napasimangot ako sa sinabi ni Papa.
"Pa, hindi biro ang kasal. Dapat yung lalaki na ipapakasal sakin yung mahal ko at kilala ko."
"Makilala mo sya kapag nagkita kayo. Matutunan mo rin sya na mahalin."

Matamlay ako napayuko dahil sa desisyon nila para sakin. Tiningnan ko si Kuya at tahimik lang sya na nakamasid sakin.

"B-bakit ngayon nyo lang to sinabi sakin?" sabay balik ng tingin kay Papa.
"Akala ko, hindi ko na makikita ang kumpare ko pagkatapos ng college. Pero, nung isang linggo, nag-kita kami at nag-kausap rin hanggang sa maalala namin ang pangako namin nung college."
"Pano.. pano kung ayoko sa gusto nyo? Ayaw kong magpakasal?"
"Kahit ayaw mo, Crien. Ipapakasal ka pa rin namin."

Humalukipkip ako sa sinabi ni Mama, at di sila tiningnan. Gusto ko mainis, pero di ko magawa dahil nasa harapan ko sila. Err!

"Anak, para din naman to sayo. Kahit papaano, mapapanatag kami ng Mama mo na yung lalaki na ipapakasal sayo ay kilala namin."

Para sakin? Baka para sakanila. Tumahimik nalang ako at hinayaan nalang sila magsalita.

"Bukas ng gabi ay pupunta sila dito, para makilala mo rin ang lalaki na papakasalan mo."

Napapikit ako sandali. Bukas agad? Kung di ko type yung lalaki na ipapakasal nila sakin ay lalayas ako. Bahala na!

"Sana tanggapin mo Crien na ikakasal ka na next year. Wag mong isipin na di ka namin mahal kaya ginagawa namin ito. Tandaan mo, mahal na mahal ka namin."

Hindi ko alam kung iiyak ba ko sa sinabi ni Mama. Pero, nakaramdam ako ng saya dahil mahal nila ko. Mahal nila ko. Shiz! Akala ko hindi.

Napasandal ako sa backrest ng sofa. Next year? Bigla ko naalala si Javen. Next yeardin ako ikakasal katulad nya. Hindi ko pwede sabihin sa mga magulang ko na may fiance ako ngayon lalo na may gusto silang lalaki na ipapakasal sakin.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now