C - 16

2.5K 66 0
                                    


Halata sa mukha ni Raine ang pagtataka dahil sa nakita nya kami ni Javen na magkasama. Aish! Sinabi ko sakanya na hintayin nya lang ako sa cafeteria.

Lumapit ang kaibigan ko sakin, samantala si Javen ay umalis na. Takte! Hindi ko tuloy nalaman kung bakit nya binato si Dryle. Arg!

"Hoy! kalerkey ka Shariii. Bakit kayo magkasama ni Javen?"
"May pinag-usapan lang." Naningkit ang mga mata nya.
"Close kayo? Pano nangyare?" takang tanong nya.

Nagkibit-balikat ako sa tanong nya, at umupo sa kinauupuan ni Javen kanina.

"Shariii, sabihin mo nga sakin. Sya ba ang bago mong crush?" aniya habang nakatayo pa sa harapan ko.
"Baka sya nga." Mahina ko na sabi pero alam kong rinig nya yun.
Umupo sya sa tabi ko.
"Anong baka sya nga? Oo o Hindi ang dapat mong sagot." Napabuga ako ng hangin sa bibig ko bago ko sya hinarap.
"Oo."
"Oo, na sya ang crush mo ngayon?"
"Yeah."
"Oh My God, sharii! K-kailan pa?"
"Ewan, basta naramdaman ko nalang."

Inangat ko ang isang kamay ko at pinakita sakanya ang singsing.

"Anong problema sa kamay mo?"
"Yung singsing, tingnan mo." Sinunod naman nya ko.
"Bakit? Alam ko naman na galing yan sa Tita mo."
"Hindi talaga galing to sa Tita ko."
"Kung hindi sa Tita mo, edi kanino?"
"Galing to kay Javen. Sya ang nagbigay sakin." Napanganga sya sa sinabi ko. Alam ko na nagulat sya, kita naman sa mukha nya ngayon. Binaba ko na ang kamay ko pero sinundan pa rin nya iyon tingnan.
"Totoo ba yang sinasabi mo? Baka jino-joke time mo lang ako." Balik na tingin nya sakin.
"Sa tingin mo, nagjo-joke ako sa mukha kong to? Raine, Seryoso ako sa sinabi ko."
"Pero, panong nangyare? Nyemas, sharii! Kailangan mo sakin ikwento lahat." excited nyang turan.

Ayun nga kinuwento ko sakanya ang lahat-lahat sa simula hanggang sa huli, umabot pa nga kami ng 30 minutes. Hindi na kami pumasok sa P.E subject namin, dahil sa dami ng tanong nya sakin. Cutting class tuloy kami.

"Grabe ka shariii. Nangyare talaga ito sayo?" Di sya makapaniwala sa mga narinig nya sakin.
"Ganun talaga eh. Pero, Raine, wag mong sabihin sa iba ang tungkol dito. Wala dapat makaalam na fiance ko si Javen."
"Ano ka ba, shari. Ang dami mo na ngang sinabi na sekreto sakin na hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam. Takot ko nalang na baka sabihin mo rin sa iba ang sekreto ko."

Kaya tumatagal ang pagkakaibigan namin dalawa dahil may tiwala kami sa isa't-isa.

Naisipan na namin umalis para pumunta sa next subject namin. Siguradong tapos na ang klase sa P.E namin. Sayang nga hindi kami nakapasok kanina, mukhang mapapagalitan kami bukas nito.

Ang ganda-ganda ng upo ko kanina sa classroom nang bigla ako inutusan ni Mrs. Bautista na pumunta kay Mr. Ramos para ibagay ang envelope, folder at libro na hawak ko ngayon.

Gusto sana sumama sakin ni Raine, pero hindi sya pinayagan ni Mrs. Bautista. Mag-isa lang tuloy ako naglalakad dito sa mahabang pasilyo.

Malayo ang room ni Mr. Ramos, nasa kabilang building. Buti nalang may tulay na naka-konektado sa building namin patungo sa kabilang building, kaya hindi mahaba-haba ang lalakarin ko. Kaysa bumaba pa ko, eh mapapagod lang ako at matatagalan pa.

Nasa fourth floor na ko ng kabilang building nang may marinig akong pamilyar na boses.

"I though, you like her."
"Yes. I like her, pero nang makita ko si Kyrine... Parang naguluhan na ko."

Napatago ako sa pader nang makita ko si Javen at Xtan na nag-uusap. Maingat ako na sumisilip sakanila. Nakatalikod sila sakin habang nakapamulsa. Dapat pinagpatuloy ko na ang paglalakad, pero dahil sa curios ako sa pinag-uusapan nila, tinigil ko muna. Ang chismosa ko talaga. Aish!

"Let me correct you, bro. Hindi yun si Kyrine, kakambal nya yun." pagtatama ni Xtan.
"Akala ko talaga, sya si Kyrine."
"Remember bro, Kyrine has a broken family, baka ayaw nya na sabihin satin noon na may kakambal sya kaya di na natin yun nalaman. Malay natin, magkahiwalay sila na lumaki."
"Siguro nga. Kasalanan ko kung bakit umalis si Kyrine, kung di sana yun nangyare sakanya, edi sana nandito pa sya."
"Matagal na yun, bro. Apat taon na ang nakalipas nung mangyare ang bagay na yun. At isa pa, hindi mo kasalanan. Mabuti kung tanungin mo ang kakambal ni Kyrine, para malaman mo kung nasan sya."

Umalis na ko sa pagtatago sa pader. Ayoko na marinig sa usapan nila dahil parang nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Err!

Tulala ako habang naglalakad. Maraming tanong na nasa isip ko dahil lang sa mga narinig ko kanina. Sino ba si Kyrine? Ano ba ang nangyare sakanila noon? Bakit sya umalis? Sino ang kakambal ni Kyrine? Err, ang pinakamasakit isipin ay yung parang mahalaga pa si Kyrine sa buhay ni Javen.

Naalala ko ang una kong narinig kay Javen kanina. May gusto syang babae, pero dahil sa nakita nya ang kakambal ni Kyrine, naguluhan sya at mukhang di na sya sure sa nararamdaman nya. Naknang! Sino naman ang babae na gusto nya? Parang nakakainggit. Bakit ba ko naiinggit? Dapat hindi! Arrg! Paki ko kung may gusto sya sa iba. Kami din naman ang ikakasal sa huli, lol. Tch!

Nawala ang pagkatulala ko dahil sa mga tao na nagkakalat sa labas ng clinic. Anong meron?

"Grabe nangyare kay Oliver. Kawawa yung mukha nya. Sa tingin mo bes, sino may gawa nun?"
"Obviously, kasali sya sa gang. Baka ang B.T ang may gawa nun sakanya."
"Ssshh, baka marinig ka nila. Sa detention ang bagsak natin."
"Sinagot ko lang ang tanong mo, bes!"

Kumunot ang noo ko matapos marinig yun sa dalawang babae. Napatingin ako sa glass window ng clinic kung saan may iilang tao na nakatayo roon, at parang may pinapanood. Mga chismoso at chismosa nga naman.

Dahil sa chismosa rin ako, ay lumapit din ako roon. Ano kaya ang pinapanood nila sa loob? May artista ba roon? Hayst!

Bigla ako napatakip ng bibig nang makita ko na kung sino ang nasa loob ng clinic. Shit! Kilala ko si Oliver, naging kaklase ko sya nung grade 10 kami. May pagka-pangit ang ugali nya pero hindi ko naman na inaasahan na mangayari ito sakanya.

Puro pasa ang mukha nya at may iilan din na sugat sa braso nya, at mukha rin sya nanghihina. Naka-upo lang sya habang ginagamot ng nurse. May dalawang teacher din na nasa loob.

"Nung isang araw lang si Renzo ang na-clinic, tapos ngayon sya naman. Sino naman ang sunod?"
"Balita ko, tol. Nagtraydor daw sya sa grupo nila kaya ganyan nangyare sakanya."
"Myembro sya sa S.B diba, tol?"
"Di ko alam."

Mahina ang boses ng dalawang lalaki habang nag-uusap sa tabi ko, pero sorry sila, malakas pandinig ko kaya rinig na rinig ko sila.

Alam ko na may gang na nag-e-exist sa skwelahan namin, pero wala akong alam tungkol sakanila. Tutal hindi naman talaga sila pinag-uusapan.

Pinag-uusapan lang sila kapag may nasaktan, o na-ospital, kagaya ngayon. Pero nagtataka ako tungkol sa S.B at B.T? Ano iyon? Grupo ba yun? Aish! Wag ko na nga lang yun isipin, di naman ako interesado, hindi naman ako kasali sa mga ganyan.

Naputol ang pagtitingin namin sa loob dahil binaba ng nurse ang kurtina ng glass window. Kaya kaming mga chismosa at chismoso, ay umalis na. Wala na rin naman kami mapapala don.

Ay sheet! May ibibigay pa pala ko. Shemay! Muntikan ko na kalimutan ang inutos sakin.

My Secret FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon