C - 10

3.1K 88 2
                                    


Napalinga-linga ako sa paligid habang naglalakad sa corridor ng building namin. Kahit nasa kabilang building ang room ni Javen, ay baka makita ko pa rin sya. Mahirap na, may kasalanan pa naman ako sakanya. Teka, may kasalanan din naman sya sakin pero parang ako pa yung guilty. Arg! Nasaan kaya si Raine? Di ko pa sya nakikita.

Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad hanggang sa makita ko ang likod ni Raine, lalapitan ko na sana sya pero di na natuloy dahil may naramdaman ako na humila sa palapulsuhan ko at pumasok kami sa isang room na walang tao.

What the! Di talaga ko makaka-iwas kay Javen. Tengene!

"Natanggap mo yung binigay kong cellphone kahapon, diba? Why didn't you call me?" mainit nyang tanong. Napanguso ako bago sya sagutin.
"Im... Im just busy, inuutusan ako sa bahay, kaya di na kita tinawagan." palusot ko na naman.
"Sharica, alam ko na nag-sisinungaling ka! So, tell me, bakit di ka tumawag?"
"Bakit gusto mong malaman? Bakit nag-hintay ka b--"
"Just answer me, ok!?" putol nya sakin, then he give me a death glare. Psh!
"You want to know the truth, huh? Ok, I'll give you a damn answer like what you want... Di kita tinawagan dahil naiinis ako sayo, hinalikan mo ko sa pisngi kahapon!" inis ko na saad pero napa-poker face lang sya. Kainis huh!
"So, gumaganti ka? Sharica, ikaw ang nauna na gumawa ng kasalanan. Diba dapat, ako ang mainis dito?" Napatahimik ako, di ko alam kung anong isasagot ko.

Napakagat ako sa sarili kong labi. Nakaramdam tuloy ako ng konsensya. Tama ba talaga ang ginawa ko?

"S-sorry." Oh, shet! Feeling ko, bigla ako nahiya. Bakit?
"And about the kissed? Just forget it," Shet! Kalimutan? Yun lang? Ok, edi kalimutan. Nyemas! "Nga pala, bukas, may pupuntahan tayo."
"Tayo? Kasama ako?"
"Hindi ka naman bingi diba? Tch! Oo, kasama ka. Hindi na dapat kita isasama kung di ako inutusan ng ate ko." Ok. Mukha sya na napipilitan dahil sa isasama nya ko. Bakit, gusto ko ba?
"Ok lang naman kung di mo ako isama bukas." Para hindi ka na mapilitan pa. Aish!
"No. Kailangan kita isama."
"Pano kung hindi ako payagan lumabas ng bahay bukas?" Palusot ko.

Pwede nalang kasi na di nya ko, isama. Shems!  Malalim nya ko tinitigan. Napalunok tuloy ako ng sarili kong laway.

"Gumawa ka ng paraan. Magaling ka naman mag-palusot."
"Grabe ka!"
"Bukas, tatawagan kita kung saan tayo magkikita. Ok?" Napanguso nalang ako na tumango.

Tiningnan nya ang relo nya sa palapulsuhan, then binalik ang tingin sakin.

"Kailangan ko ng umalis."
"A-ah.. Sige." Sa wakas, natapos din.

Nasa pintuan na sya ng room nang bumalik sya sa harapan ko, parang may kalimutan sya na sabihin sakin.

"Hindi ko pa pala alam ang number mo. So, put your number here." Bumaba ang tingin ko sa hawak nyang cellphone.

Imbes na kunin ko iyon ay kinuha ko nalang ang cellphone na bigay nya na nasa bulsa ng palda ko. At, inilahad iyon sakanya para ibigay.

"Ikaw nalang kumuha, di ko memorize." Tamad nyang kinuha ang cellphone sa kamay ko.

Di nagtagal ay binalik nya iyon sakin.

"Kita tayo bukas. Wag mong ibaba ang tawag ko."
"Oo. Sige na, may pasok din ako."

Aalis na sana sya pero pinigalan ko.

"Teka!" Lumingon sya sakin. "S-salamat pala sa binigay mo." nahihiya kong sabi. Shemay! Bakit pa ko nahiya sakanya?

Tumango lang sya sakin at tuluyan ng umalis. Saan kaya kami pupunta bukas?

Buti nalang walang tao sa bahay nung lumabas ako. Si mama at sharice, may pupuntahan pati rin si kuya so malaya ako na naka-alis.

My Secret FianceWhere stories live. Discover now