C - 30

2.3K 66 8
                                    

Tagumpay ang plano ni Raine. Nakarating kami rito nang di manlang nila kami nakikita. Palibhasa, busy silang dalawa sa pag-uusap. Err! Kaya di nila kami napansin na umupo rito.

Magkatabi kami ni Raine dito sa likuran ni Javen. Hindi pwede na umupo sa harapan ko si Raine dahil baka makita sya ni Haylie. Tahimik kaming dalawa na kumakain habang pinapakinggan ang mga boses nila sa likuran namin.

"Wala na kami ni Dryle, Javen. Kaya pwede na maging tayo. Ok lang kung di mo ko ligawan, sasagutin din naman kita agad." napatigil ako sa narinig ko.

Sya pa talaga ang nag-yaya na maging boyfriend nya si Javen. Fvck. Disparately woman. Javen is already taken. May fiance na sya at ako yun!

"No, Haylie. Wala ako panahon para magka-girlfriend." parang napatulala ako sa sagot ni Javen.

Sigurado na gumagawa sya ng palusot para tigilan sya ni Haylie. Diba? Ganyan nga Javen, ipamukha mo na ayaw mo sakanya.

"Mahal mo ang kapatid ko, right? Isipin mo na, ako si Kyrine. Na mahal mo ko." kumabog ang dibdib ko dahil doon.

Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara. Ginagamit nya pa ang kapatid nya para lang makuha si Javen. Bakit ang desperado nya?

"Haylie. Kyrine is different from you. Kahit kailan, hindi ko iisipin na magiging ikaw si Kyrine. And oh, I already move-on to her. Hindi ko na sya mahal. I have someone special and Im inlove with her."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa narinig ko. Takte ka, Javen. Alam ko na ako ang tinutukoy mo. Ramdam ko eh. Wala akong paki kung assuming ako. Parang nawala ang pagseselos ko dahil doon, lol.

"Kanino ka inlove? Sino sya? Huh?" inis na tanong ni Haylie. Napangisi tuloy ako ng wala sa oras.

Wala akong narinig na sagot mula kay Javen, kaya nagsalita ulit si Haylie.

"Its ok kung di mo ko sagutin. Actually, I know her. I know who is she, Javen..." diin nyang pagsasabi. "Akala mo, di ko alam? Sorry to tell you, pero alam ko na may relasyon kayong dalawa ngayon. Tandaan mo, hindi kita titigilan." narinig ko ang tunog ng pag-atras ng upuan.
"Haylie!" galit na tawag ni Javen sa babae na mukhang umalis sa harapan nya.

Nakita namin na lumabas si Haylie. Sinubo ko ang pagkain sa bibig ko at nilunok ito. Bakit kinakabahan ako dahil sa narinig ko kay Haylie kanina? Parang alam nya na ako ang babaeng tinutukoy ni Javen. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Javen. He's mad. The F!

Di nagtagal ay naramdaman ko na tumayo sya. Pareho kami napayuko ni Raine nang dumaan sya sa tabi ng lamesa namin para hindi nya kami makita.

Bumuntong hininga ako nang lampasan nya lang kami kaya inangat ko na ang ulo ko at tiningnan agad ang likod ni Javen na naglalakad papalayo hanggang sa di ko na sya nakita. Susundin nya ba si Haylie?

"Grabe. Sana kanina pa tayo nandito. Konti lang narinig natin. Sayang!" di ko pinansin ang sinabi nya. "Ano pa kaya ang pinag-usapan nila kanina? Err. Sayang talaga."

Tulala ako sa pagkain ko dahil sa malalim na iniisip. Gusto ko kausapin si Javen, pero pano? Gusto ko sya tanungin tungkol kay Haylie. Arg.

"Hoy, Shari! Narinig lang natin usapan nila, tulala ka na dyan. Wala ka naman pala dapat ipag-selos. Ayaw ni Javen kay Haylie, dahil ikaw ang mahal nya. Ayiee! Loyal sya sayo." may halong asar na sabi nya.

Napabaling ako sakanya at ngumisi ng nakakaloko. Itatabi ko muna anga iniisip ko tungkol kay Haylie, dahil sa kausap ko ngayon.

"Dapat lang, noh? Mahal ko rin sya. Kaya loyal-to-loyal lang. Walang iba dapat."
"Naks! Iba talaga kapag inlababo..." at, humalakhak sya. "Nung una mo sila nakita kanina, alam ko na nagseselos ka. Mahirap magselos? noh? Aminin!" napawi ang ngisi ko sa sinabi nya.
"Ang hirap talaga magselos. Naranasan ko na yun nung naging kami ni Dryle noon."
"Kay Javen ang tinatanong ko. Hindi sa ex mo." irap nyang sabi.

My Secret Fianceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें