2.DESS

4.4K 97 2
                                    

Elementary pa lang ako ng maghiwalay sila mama at papa sa hindi ko malamang dahilan.At para makalimot,Nag apply si mama sa HK bilang factory worker at hindi na muling umuwi dito sa Pilipinas mula nuon.

Lumaki ako sa pangangalaga ng aking tita Sarah at lola Anna na maganda naman ang pagtrato sa akin at hindi nila pinaramdam sa akin na wala akong ina at ama sa tabi ko.

Isang ginang ang nagpunta sa amin,Isang araw at ipinakilala ang kapatid ko daw na si Ding.Anak daw sya ni papa sa kapatid nyang kamamatay lang at ibinilin na sa amin na daw patirahin sana ang anak nya dahil hindi naman nila na kayang pag aralin.

"Pero teka lang naman ho,Papano naman kami makakasiguro na anak nga ni papa yan at hindi nyo kami niloloko lang?_AKO.Agad akong tumawag kay mama para i confirm ang balita at sinabi nga nyang ayun ang dahilan ng paghihiwalay nila nuon ng papa ko,dahil sa may iba syang babae at may anak nga sila.

"Nang mamatay ang papa mo sa aksidente,mag isang binuhay ng kapatid ko si ding at pinalaking mabuting bata.Pero hindi nya inilihim sa pamangkin ko na meron syang kapatid sa katauhan mo,at matagal ka ng gustong makasama ng kapatid mo._Ginang.Napalingon naman ako isang binatilyong naka yuko lang sa isang sulok at saka ako lumapit sa kanya.

"Gusto mo ba ko talagang makasama?Ayos lang ba sayo kahit hindi mayaman ang ate?_AKO.Aaminin ko,sa unang kita pa lang magaan na ang loob ko sa kanya.Tumango sya sa akin at agad ko syang niyakap.

"Ate,sorry sa nagawa ng mama at papa ko sa inyo ng mama mo.Dahil sa akin,nasira ang pamilya nyo.Sorry talaga ate._Ding.May mumunting luha sa kanyang mga mata habang nagsasalita.Saka ko ngayon lang ganap na naramdaman ang pakiramdam ng merong kapatid.

"Ano kaba,hindi mo kasalanan yun.Pareho lang tayong biktima.Pero nangyari na ang nangyari at wala na tayong magagawa kundi tanggapin na lang ang mga nakaraan._AKO.

"Salamat ate sa pagtanggap mo sa akin dito sa bahay nyo.Wag kang mag alala,hindi ako magiging pabigat.Magta trabaho ako habang nag aaral para naman hindi ka mahirapan._Ding.

"Wag kang mag alala,akong bahala sayo.Basta mag aral ka lang ng mabuti.
Ngayon ko lang napansin,kamukhang kamukha mo si papa._AKO.Kahit kasi nagkahiwalay na sila ni mama,dinadalaw pa din ako ni papa paminsan minsan nuon.Hanggang sa mabalitaan na nga lang namin na namatay na sya.

"Thanks ate.Masaya ako na nakasama na kita.Palagi ka kasing kinukwento ni papa nuon sa akin bago pa sya namatay.Masayahin at makulit na bata ka daw.Kaya nuon pa lang gustong gusto na kitang makilala at makasama._Ding.

"Sinabi ng papa yun?Hindi ba nya sinabi na maganda at mabait na bata din ako?_AKO.Dinaan ko sa biro ang usapan namin para naman kahit papaano,hindi masakit sa dibdib.

"Uhmmmm yung maganda sinabi nya,pero yung mabait parang hindi.
Mataray ka daw kasi at prangka.Kapag may gusto kang sabihin,sinasabi mo kahit makasakit kapa._Ding.Saglit akong natigilan.Ganun ako kakilala ng papa kahit hindi ako lumaki sa poder nya?Wow,siguro nga kasi bata pa lang ako,hindi na ako nahihiyang sabihin ang gusto ko.

"Hahahha.Ganun ba?Para talagang kilalang kilala mo na ko ayun sa pagde describe ni papa sayo ah!Well,hindi naman to the point na palaging nakakasakit sa kapwa ang pagiging prangka ko,May limitasyon naman.
Pero totoong direct to the point nga ako magsalita,kaya humanda kana._AKO.Bahagya namang namutla ang kapatid ko sa sinabi ko kaya tinapik ko na lang sya sa balikat para ma relax.

DESS AVILA NAKPIL ang buo kong pangalan.Hindi masasabing mahirap lang ang pamilya ko pero hindi naman kami mayaman.Dahil solo ko lang ang sweldo ko bilang saleslady,nabibili ko yung mga bagay na gusto ko at hindi ako kinakapos sa pera.Pero ngayong dalawa na kami ng kapatid ko, mababawasan na ang pag gastos ko sa mga hindi importanteng bagay.

(THE FIRST  TIME WE MET)    not so long ago...

"Wow naman Dess,May kapatid ka pa pala.Akalain mo yun?Masaya kaya may kapatid,meron kang masasandalan sa oras ng kalungkutan._Sally.
Matalik kong kaibigan.Nag aaply pa lang kami bilang mga saleslady ng maging magkaibigan kami.

"Kaya lang ngayon,mag iiba na ang lifestyle mo.Kung dati yung sweldo mo sayo lang,ngayon dalawa na kayong maghahati.Mabigat kaya sa bulsa ang pagpapa aral lalo na sa kolehiyo._Joyce.Visor na kaibigan din namin ni Sally.Matanda sya sa amin ng isang taon.

"Kaya nga eh.Pero okey na din yun,Nang may kapuntahan naman yung mga pinaghihirapan ko at hindi nauubos sa kung ano ano lang._AKO.
Magastos din kasi ako at maluho kaya walang natitira sa sweldo ko palagi.
May patahian kasi ang lola at tita kaya may pera din silang kanya kanya.

"Kaya nga halika na,ilibre mo na kami sa Happybee ni Joyce para sa pagkikita nyo ng kapatid mo.hahahaha._Sally.Kundi kami sa canteen kakain,sa Happybee kami nagpupunta.Nagkataon kasi na pare pareho naming paborito ang chicken joy ng happybee kaya pag may birthday or may increase kami sa sweldo dito kaagad kami nagpupuntang tatlo.

Nakapila na ako sa counter ng mapansin ko na nakatitig sa akin yung isa sa mga cashier sa harapan.Infairness,maganda sya ha.Mas maganda pa sa akin.Pero bakit ganun sya makatingin,para akong hinuhuburan?Bahagya akong namula sa naisip kong yun.hubad talaga?

"Dess,Samahan mo na din daw ng sundae sabi ni Joyce.Sya ang magbabayad._Sally.Lumapit sya sa akin kaya dalawa na kami sa harapan para umorder.TOP ang name na nakalagay sa tag nung magandang cashier,Parang girl on TOP  lang ang peg?Namula ako ng bahagya sa inisip kong yun.

"Is there anything you want to add ma'm?_Cashier.Siniko naman ako ng bahagya ni Sally dahil hindi ko pa sinasagot yung tanong nung cashier.

"Yun lang miss,okey na.Salamat._AKO.At saka kami bumalik sa pwesto ni Sally.

"Ma'm,Yun pong spaghetti at fries on the house na daw po sabi nung cashier namin.Happy Birthday daw po_crew.
Napalingon naman kaming tatlo sa sinasabing nagbayad sa extra order na dinala sa amin.So,yung TOP ang nagbyad ng mga ito?pero bakit?At saka hindi ko naman birthday.

"Ganun ba,sige salamat ha._Joyce.Hindi ko naman kasi birthday kaya nagtaka kaming tatlo.
Agad namang umalis yung crew at saka kami nagkatinginang tatlo.

"Dess,Anong drama ni pretty cashier at nilibre tayo?Kilala mo ba yun?_Sally.Napakamot sya sa ulo sa pagkalito.

"Hindi ko alam.Saka hindi ko din sya kakilala.Ngayon ko lang sya napansin eh.Kako parang alangan namang cashier yung ganun kaganda._AKO.
Sa totoo lang naman kasi,Pwede syang artista at modelo sa tindig at porma nya.

"Kundi lang sya maganda,iisipin ko type ka nya eh.Hahahha.Pero imposible naman.Baka naman gusto lang makipag kaibigan sa atin._Joyce
Kahit naman ako hindi din maniniwala na may ibig sabihin ang pang lilibre nya.Kahit nararamdaman ko sa mga titig nya na may kakaiba.

"Wala din sigurong paglagyan ng sweldo nya kaya gustong manlibre. I enjoy na lang natin tong mga pagkain at ng manaba na tayo ng husto.hahahah._Joyce.Kumaway siya dun sa cashier at saka ngumiti sa amin si girl.

Hindi ko maintindihan,bakit ganun na lang kalakas ang epekto ng mga tingin at titig nya sa akin.Its like,Im burning with fire.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now