30.TOP

1.4K 60 3
                                    

Excited akong isabay na sana pauwi si Dess at ibalita na din sana sa kanya na dito na ulit ako sa Manila nagpa assign.Stable na din naman kasi ang flow ng negosyo sa Cavite branch kaya kampante na ako kahit iwan ko na.
Waiting lang ako sa pag abante ng mamahaling kotse sa unahan ko dahil saktong natatanaw ko na si Dess na nag aabang ng jeep ng mapansin kong sumakay na pala sya dun sa green na kotse na nasa harap ko.

"Good evening po Tita,Mano po Lola.Hello Ding._Bungad na bati ko pagdating ko sa bahay nila Dess.Ini expect ko na andito na din si Dess pero wala pa pala.

"Aba,Ikaw pala yan TOP.Mabuti naman at napasyal ka ulit dito sa bahay.
Maupo ka na muna at ipagtitimpla kita ng juice._Tita Sarah.Inabot ko sa kanya ang dala kong pagkain.
Agad syang tumayo at saka kami naiwan ng Lola Anna ni Dess na nanunuod ng teledrama sa tv.

"Hintay hintay ka lang kay Dess at malamang padating na din yun.
Dito kana din maghapunan,Tamang tama ng matikman mo ang adobo sa gata ni Sarah._Lola Anna.Magiliw silang lahat sa akin kahot madalang lang naman akong mapasyal dito.Pinaka huli nga ay nun pang ihinatid ko si Dess nung natapilok sya sa Isla.

"Ayos lang po ako,Hindi naman ako nagmamadali.Wala din naman po kasi akong pasok bukas kaya naisipan kong bumisita.Pasensya na po sa abala Lola._AKO.Ang totoo,sinadya ko din na mauna na kaysa kay Dess sa pagpunta dito para mas mahaba ang time ko na makipag bonding sa pamilya nya.

"Ate TOP,bakit nga pala pang lalaki yang name mo...Yan ba talaga ang totoo mong name?_Ding.Inabot nya sa akin yung juice na tinimpla ni Tita Sarah.

"Ahhh,Yun ba...Kasi yun ang pinagsamang initial ng full name ko.Since High School kasi yun na ang tawag sa akin ng mga ka klase ko kaya nagtuloy tuloy na._AKO.Napatingin si Lola Anna sa akin at natawa.

"Ano ba kasing pangalan mo talaga?Akala ko nga nuong una TOMBOY ka dahil dyan sa pangalan mo._Lola Anna.Muntik ko na tuloy maibuga yung juice na iniinum ko sa sinabi ni Lola.

"Trishia po ang realname ko Lola.Oliveros po ang middle name ko at Pamintuan ang surname ko kaya pag pinag combine..TOP._AKO.
Kaya KwinTOP din ang name ng supermarket namin dahil sa name ko at ako daw ang Queen ng buhay nila mom and dad ko.haaaist.Ang korny diba

"Ahhhh,Kaya pala TOP.Ayos yun ate ah.Astig ng name.Syanga pala,sabi mo kanina nakita mo si ate na may ibang sumundo?Bakit di mo tinawag para sumabay na sayo?_Ding.Habang papaakyat kasi kami ng hagdan,nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa ate nya.

"Yan talagang ate mo,ang hilig magsasakay sa kotse ng may kotse.
Abangan mo nga dun sa terrace,parang may natanaw akong sasakyan na nakapark dun sa di kalayuan eh._Tita Sarah.Nakayuko lang ako at hindi tumingin sa kanila.Baka mamaya,malagot ako kay Dess dahil sa pagsusumbong ko.Pero tama lang naman si Tita Sarah,dapat talaga di sya basta basta magtiwala sa ibang tao.

"Sarah,Matanda na yang si Dess.Alam nya na ang tama sa mali.
Hindi naman sasakay yun sa kotse ng di nya kakilala yung magsasakay sa kanya,Malay mo naman kaibigan nya din yun.Mamaya mo tanungin para hindi ka nag aalala dyan._Lola Anna.Ayos din naman pala ang lola ni Dess, hindi istrikta.Mas may pagkaistrikta pa pala si Tita sa kanya.

"TOP? Kanina kapa ba dito?Tita..Nakapagluto kana ba?
Pasensya na TOP,Hindi ko alam na nandito ka pala..._Dess.Nasa mukha nya ang pagka taranta.Excited ba sya or guilty?

"Oo,Kanina pa sya dito.Nakita ka nga daw nya na may ibang sumundong kotse sayo.Sino ba yun ha?_Tita Sarah.

"Relax ka lang,Okey lang naman ako dito.Hindi ako nainip dahil kakwentuhan ko sila lola_AKO.Saka ako nginitian ni Lola Anna at muling tumutok sa pinanonood nya.

"Magpalit kana muna ng damit mo at ng makakain na.Mamaya na natin pag usapan kung sino yung naghatid sayo._Tita Sarah.Nagmadali namang pumasok sa kwarto si Dess para makapagbihis

"Ate TOP,Ang dami mo namang dinala...Para tuloy may party._Ding.
Natawa naman pati sina tita at lola.Natuwa naman ako na nagustuhan nila ang mga dinala ko sa kanila since di ko alam ang gusto nilang pagkain,dinala ko na yata lahat ng klase ng tinda sa store ko.

"Sorry nga pala kung natagalan ako sa pag uwi.Nakipag kwentuhan pa kasi sa akin yung bago naming costumer habang hinahatid ako pauwi.
Mabagal ang pagda drive nya para daw makapag usap pa kami.
_Dess.Hindi naman ako nagtatanong pero patuloy sya sa pagpapaliwanag kaya natuwa naman ako.Matapos naming kumain,dito ako dinala ni Dess sa terrace nila para makipagkwentuhan.

"Ahhh,Bagong costumer nyo pala...As in regular costumer ba?_AKO.
Nahihiya ako magtanong kung lalaki ba o babae kaya paunti unti lang ako sa pagtatanong.Baka naman sabihin nya chismosa ako.

"Actually,Nung una bihira lang syang pumasyal sa boutique...Pero this week siguro halos everyday syang nandun kaya nahiya naman akong hindi sya kausapin since costumer namin sya._Dess.Parang alanganin yung paliwanag nya at meron syang gusto pang sabihin kaya mas naging curious akong mas magtanong pa.

"As in everyday nasa store nyo para bumili ba or para lang makita ka?_AKO.Direct to the point na para mas detalyado.Pakiramdam ko kasi may something sa paghatid nung tao na yun sa kanya eh.

"Hindi naman sya bumibili palagi,pero nag aabang kasi sya ng newest collection na paparating na kaya daw sya palaging nandun.
Saka malapit lang din daw kasi yung work nya dun sa CK kaya dumadaan muna sya sa store.She's the editor in chief of HIPPIE FASHION MAG.
_Dess.Saka ako biglang nadismaya.Kung di ako nagkakamali, si ZOEY ang tinutukoy nya.

"Ohhh,So babae pala yung naghatid sayo kanina.Parang kilala ko kung sino ang tinutukoy mo.Si Zoey Ignacio ba?_AKO.She's a lesbian.Freak'n Lesbian na laging binabanggit sa akin ng mga naikama ko nuon na magaling din daw sa kama pero mas magaling pa din daw ako.whew!In short,taga salo ng mga napagsawaan ko.Nah! I mean mga naka fling ko.

"Kilala mo si Zoey?Teka papano mo sya nakilala?Well actually, Nag confess sya sa akin na gusto daw nya akong ligawan sana pero sinabihan ko syang im not into GxG thing._Dess.Tinignan ko sya sa mata,alam ko namang shes not pero bakit parang hindi sya sincere habang sinasabi nya yun sa akin ngayon.

"Woooooh!As in sinabi mo talaga yun sa kanya?hahahaha.
Ibang klase ka talaga.Brutally frank!So ano naman ang reaction nya?
_AKO.Pagkaka alam ko kasi,hindi na rereject ang isang Zoey Ignacio kapag nagugustuhan nya yung girl.

"Sabi nya susubukan nya pa din daw pagbaguhin ang isip ko.
Sabi ko naman,basta ako pinangunahan ko na sya na hanggang friendship lang talaga ang kaya kong ibigay,ayoko din naman na paasahin sya tapos sa huli hindi ko din naman sya magugustuhan._Dess.

"Talaga bang walang chance na magka gusto ka sa mga lesbian or baka naman hindi ka lang sanay na babae ang makarelasyon?_AKO.Gusto kong alamin ang tunay nyang saloobin.

"Hindi ko na nga din alam eh.Dati talaga as in Dream ko talagang maka pangasawa ng gwapong lalaki na de kotse.Tapos susunduin ako sa work at kakain kami sa mamahaling restaurant.Pero habang nagma matured ako,Parang di na sya ganun ka ideal for me...Hindi na mahalaga kung mayaman ba sya o gwapo,ang importante mahal ko at mahal ako.
_DESS.



*ay naku naman,parang way one lang...




DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now