Ibang iba ang pakiramdam kapag naging nanay kana pala talaga.Halos ayaw mo syang mawala sa paningin mo at gusto mo lang na palagi syang katabi.Lahat ng mga naranasan kong hirap sa panganganak,balewala lahat mula ng masilayan ko si Skyler pagkalabas nya mula sa sinapupunan ko.
"Babe,Magpahinga ka naman.Halos maghapon ka ng nakabantay dyan sa anak natin ah,Pwede ka namang makipag salitan sa pag aasikaso sa baby natin sa mga yaya nya.Para saan pa at kumuha tayo ng mga yaya nya kung ikaw lang din naman lahat ang gagawa._TOP.Never ko kasing inalis sa tingin ko si Baby Sky,kaya kahit ang paliligo hindi ko magawa kapag hindi si TOP ang kahalili ko sa pagtingin sa anak namin.
"Hayaan mo na ako,Hindi palaging baby lang ang anak natin.Gusto kong lahat ng ginagawa nya sa araw araw,nakikita ko ang progress habang lumalaki sya.Tignan mo itong scrapbook na ginawa ko para sa kanya,pupunuin ko yan ng mga memorabilya at mga pictures nya.Para pag malaki na sya,makita nya kung gano sya kaganda nung baby pa sya._AKO.
"Babe,hindi na uso ang scrapbook,May video recorder na kahit sa fone lang.Lahat ng mga gusto mong i save tungkol sa paglaki nya,pwede mong i record na lang.Ikaw talaga,ang old school mo.Millenial na noh._Top.Bukod sa video nya nung pinanganak sya at habang lumalaki sya,madami ding syang mga baby pic nung bata sya. Pero iba pa din ang naka scrapbook,Nag eenjoy kang ginagawa dahil may personal touch at emotion kang kasama habang ginagawa mo sya at pinagaganda.Hindi kagaya ko na walang video at kakaunti lang ang picture nung baby ako.
"Iba pa din ang scrapbook kaysa video at pictures lang.Kapag binalikan mo syang basahin at tignan,mapi feel mo yung emotion at saka yung passion habang isinusulat mo sya.Yung nararamdaman mo ng araw na yun habang tinitignan mo kung ano ano ang ginagawa nya,hindi yun kayang i capture ng kahit anong hi tech na video o kamera pa._AKO.Ako na ang emotional/sentimental mother talaga.
"Well may point ka naman dun.Saka bihira na yung gumagawa ng ganyan ngayon for sure.Nakakatuwa nga namang basahin at balikan ang nakaraan na may kasama pang mga masasayang alala.Sige lang babe, Hindi kita pipigilan dyan sa ginagawa mo._TOP.Yan naman ang isa sa gusto ko kay TOP,Hindi nya ako pinipigilan sa mga trip ko at madalas nya din akong sinasamahan sa mga gusto kong gawin sa buhay.Kahit pa yung mga pagsi selfie namin sa mga lugar na pinupuntahan namin,supportive sya sa mga kagagahan ko kahit alangan sa estado nya bilang tagapagmana.
"Syangapala babe,Tinawagan ko si Ding para samahan ako magpa check up bukas.Hindi na kita sinabihan dahil alam ko namang may importante kang ka meeting na darating,nakausap ko si Marlon kahapon at sinabi nyang busy ka nga ngayong buong linggo._AKO.Si Marlon ang secretary ni TOP.Lalaki ang pinili nyang maging assistant dahil mas mabilis daw kumilos at wala pang magiging isyu kung sakali.
"Bakit naman kay Marlon kapa nakipag usap,Pwede mo namang itanong sa akin?At saka pupwede namang samahan muna kita sa hospital at saka ako dideretso ng opisina.Mas importante kayong mag ina sa akin kaysa negosyo,tandaan mo yan babe._Top.
"Alam ko naman,kaya lang sympre ayaw na din kitang maabala sa trabaho
Isa pa,matagal na din kaming di nagkakasama ni Ding at namimiss ko na din sya kaya sya ang naisipan kong isama.Balak ko na din kasi syang ipamili ng mga suit nya pang work para ready na sya sa susunod na buwan._AKO.Gaya ng napagkasunduan,iti train si Ding sa pagma manage ng negosyo ni TOP para may kahalili sya habang nasa Canada kami sa susunod na taon."Wag mo na syang ipamili.Patawagan mo na lang sa PA mo at sabihin mo na lang kay LUIS na pumunta dito bukas at para dito mo na lang pasukatan si Ding pag uwi nyo galing Hospital.
Mahirap ding mag mall na may kasama kang baby,Hindi din kayo makakapili ng husto._TOP.Ganito ang lifestyle ng mayayamang gaya ni TOP,Bukod sa PA(Personal assistant)Meron din silang sariling designer,arranger,trainer ,bodyguards at messenger na kasa kasama mo kahit saan ka magpunta,depende sa lugar napupuntahan mo.
Kaya naman wala na akong nagawa kinabukasan kundi ang magpunta ng hospital na may sampung taong kasama bukod kay Ding at TOP."Kamusta naman mommy,Wala naman bang problema sa pagdumi si baby?_Doctor Ballesteros.(Gwapong pedia doctor ni SKY)Last week kasi ay nagka problema si baby Sky sa pagdumi nya kaya pinapalitan ng doctor ang gatas na iniinum nya.
"Okey na po Doc,Normal na po ang pag dumi nya.About naman po sa ngipin nya,madalas po syang mang gigil sa mga hawak nyang laruan at kinakagat kagat okey lang po ba yun doc?_AKO.Nakikinig lang sa amin sina TOP at Ding habang karga karga ko si baby Sky.
"Basta i make sure lang po natin na mababantayan yung mga kinakagat at sinusubo nya ay malinis at walang harmful chemical na pwedeng maka lason kay baby.Normal po talaga sa batang nag ngingipin na lahat ng mahawakan ay kakagatin.So far,healthy at maayos naman po si baby at wala kayong dapat alalahanin._Doc.Ballesteros.
Matapos ang check up,Sa work na dumiretso si TOP habang kami namang mag ina ay dumiretso na ng uwi sa bahay kasama si Ding.Nadatnan namin duon si Luis na naghahantay na sa amin.
"Hello Madam,Nice to see you again.Ang pretty naman talaga ng baby nyo.Paglaki nyan,sana ako pa din ang kunin nyong designer nya.Siguradong bongga at pabulosa yan pag nagdalaga,Isasali natin sa beauty contest!_Luis.(Gay designer na taga gawa ng mga suit ni Top)
"Salamat,Ikaw din matagal ko ng di nakita.Sige,Sabi mo yan ha,gagawan mo ng gown itong baby ko.Sana nga maging beautyqueen sya paglaki, proud parents kami ni TOP pag nangyari yun._AKO.Sikat na designer si Luis,mayayaman at mga sosyal na mga tao sa lipunan lang ang nakaka afford na kumuha ng serbisyo nya.Kahit ang mga artista,sikat at may pera lang ang nakakapag suot ng mga creation nya.
"My pleasure madam!Promise ko yan,Ako ang bahala sa prinsesa nyo kapag nagdalaga na yan,Mas lalong magiging bongga at lalo pang gaganda si Sky na parang tala sa umaga kapag ako ang nag bihis sa kanya._Luis.
Wala namang nanay na di nangarap na sana nga ay maging beautyqueen ang anak nya pagdating ng panahon...Ganun pa man,kahit ano pa ang karir na tahakin ng anak namin ni TOP,Alam kong magniningning pa din sya among others.

YOU ARE READING
DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)
RomanceTRICIA OLIVEROS PAMINTUAN a.k.a T.O.P. is a certified Womanizer At dahil natira at nakapag aral sa isang bansang liberal,Nasanay syang naglalaro at nang iiwan na lang basta ng mga babaeng kanyang naikakama. Never pa syang nagkagusto sa lahat ng m...