DESS POV'S
Isang taon na lang at makaka graduate na ako sa kursong Computer Science.Gusto ko sanang magtuloy na din ng masteral degree pero gusto ko na munang magtrabaho para may pang tuition ako,balak ko din kasing mag apply sa University na pinapasukan ko para maging professor.
Enggage nga kami ni TOP pero pakitang tao lang.Mula nung i announce nyang ako ang fiance nya,hindi na namin ulit yun napag usapan hanggang ngayon.Siguro nga,hindi pa talaga sya handang magpatali at mag seryoso.
"Iha,Bakit ba ang tagal tagal nyo namang mag plano ng kasal ni TOP,Inip na inip na kaming mag asawa.Gusto na naming makita kayong magkaroon ng pamilya._Tita Ava.Gaya ng dati,madalas pa din nya akong imbitahan na samahan syang mag shopping at magpa spa.
"Naku Tita,hindi pa po kasi namin un napag uusapan ni Top sa ngayon.Madami pa po kasi kaming gusto pang gawin sa buhay._Ako.Sa totoo lang,Gustong gusto ko na ding makasama si Top sana,pero ano namang magagawa ko kung hindi pa sya nag aaya sa aking pakasal.
"Ang sa akin lang naman,Mas maige na yung magkasama na kayo sa iisang bubong ng makilala nyo ang isat isa ng husto.Saka gusto ko na ding magka apo.Yung apo na kasing gaganda nyong dalawa kahit maging lesbian pa sila paglaki,susuportahan ko din gaya ng magulang nila._Tita Ava.Saglit akong napa isip.What if magka anak nga kaya kami ni Top,at maging lesbian din paglaki?
"Hey ladies!Mukhang masyadong seryoso ang topic nyong dalawa at napapa isip itong magandang girlfriend ko ha mommy?_Top.Hindi ko napansing dumating na pala sya para sunduin kami.Magkasunod syang nagbeso sa amin ng mommy nya.Kapag kami lang dalawa ang magkasama saka nya ako hinahalikan sa labi.
"Tinatanong ko lang yang fiance mo kung kelan ba kayo magpapakasal.Naiinip na kasi kami ng daddy mo at gusto na naming magka apo._Tita Ava.Napansin kong kumunot ng bahagya ang nuo ni Top.
Ayaw na ayaw nya kasing nababanggit ang words na "KASAL"."Mommy naman,Pwede bang saka na lang nating pag usapan yan?Dito pa talaga kayo nag uusap ng mga ganyang bagay,As if walang nakakadinig._TOP.
Pagkatapos namin sa Spa,kumain muna kami ng lunch at saka inihatid naming dalawa si Tita Ava sa opisina nila.Located ang office along makati kung saan nag oopisina ng daddy at mommy ni TOP."Pasensya kana kay mommy ha,Alam mo naman yun kapag naisip gusto mangyari kaagad.haaaist.Sa dami ng branch na pinapatakbo ko,hindi na ko magkanda ugaga sa trabaho at pag aasikaso kaya wala akong time muna sa ganung isyu._TOP.Sa palagay ko nga,walang panahon si Top sa isyu ng kasalan at sa mga branch nya sa mas nakatuon ang pansin.
"Magiging busy nga pala ako sa mga darating na linggo,May mga bago kasi kaming padating na shippment from Italy kaya kailangan ko na muna yung asikasuhin._AKO.Bukod pa sa finals na din kasi kaya need kong mag focus sa studies ko at the same time.Kapag bakasyon naman,gusto ko pa ding mag summer para mas mabilis akong maka graduate.Next year kasi ay naka focus na sa OJT at saka sa practical exam about computers kaya mas malaki ang time kong mako comsume kung sakali.
"Okey,No problem babe.Magiging busy din ako kung sakali dahil may bagong location akong pinag aaralan.Do you remember yung pwesto dun sa tabi ng Holly cafe sa Laguna,Yung bago pumasok dun sa subdivision na tinignan natin?_TOP.Medyo nalimutan ko na yung place na katabi ng Holly cafe, pero yung mga naglalakihan at nag gagandahang mga bahay dun sa subdivision na yun ang di ko makalimutan sa ganda.
"Hindi ko na sya masyadong maalala eh,Bakit may bakante ba sila duon at balak mong magtayo ng happybee duon?_AKO.Sa susunod nga,pag aaralan ko na ding matutunan kung saang mga matataong lugar at magandang lokasyon para mag negosyo.Kung sakali naman kasing kami ang magkatuluyan ni TOP sa future,gusto ko namang kahit papaano ay may maitutulong ako sa negosyo nya.
"Well,Nagkataon kasing paalis na daw yung establishment na nakapwesto dun sa tabi ng Holly kaya tinanong ako ni Holly kung gusto ko daw bilhin yung pwesto.Actually,maliit sya para sa happybee kaya nagdadalawang isip pa ako kung bibilhin ko ba o hindi eh._TOP.
"Kung maliit naman pala sya at hindi uubrang gawing fastfood wag mo na lang bilhin.Im sure mahal ang mga lote dun sa lugar nila dahil puro mayayaman ang mga nakatira duon.Baka masayang lang ang pera mo at hindi mo din naman mapakinabangan._AKO.
"Uhmmmm,What if ibang negosyo muna ang itayo ko duon?Sayang naman kasi yung lugar eh.Baka later on ibenta din nung katabing establishment yung lote nya,pwede ko ng mapatayuan ng happybee kung sakali.Gusto mo bang makita yung lugar?_TOP.Tumango ako at saka excited nyang pinatakbo ang kotse papunta ng Laguna.
Nakarating kami duon ng wala pang isang oras dahil wala ng masyadong traffic.Sa hollycafe kami pumasok at saka nya sa akin ipinakita yung lot na gusto nyang bilhin.Hindi nga sya kalakihan pero may potential na maging patok ang lugar dahil malapit din sya sa highway."Wow,Ang ganda naman pala ng view dito sa itaas nitong cafe.Kita yung mga nag gagandahang mga bahay sa subdivision.Parang ang peaceful at saka ang presko ng ambiance.How i wish magkaroon ako ng bahay sa isa sa mga yan.hahahahha.As if naman kakayanin ko makabili._AKO. Sa pagkaka alam ko kasi,pawang mga milyonaryo lang ang nakaka afford na makapagpatayo ng bahay sa lugaf na yun.
"Hahahahha.Hindi naman masama ang mangarap eh.Malay mo matupad yun.Hindi natin masasabi ang future.Wait lang,mag oorder lang ako ng maiinum natin._TOP.Iniwan nya ako saglit dito sa mesa para umorder.Habang binubusog ko naman ang mga mata ko sa pagtanaw sa mga naglalakihang mga bahay.May kalayuan din dito sa cafe ang subdivision.Dapat may sasakyan ka para makapasok duon at mahigpit ang security nila.
Napadako ng di sinasadya ang tingin ko sa ibaba ng cafe at napansin kong may kausap na babae si TOP habang nakapila sa may counter para umorder.Sexy ang babae sa suot nyang black spaghetti strap blouse na halos nipples na lang yata ang natatakpan.Maiksi ang red short nya na bumagay naman sa mahaba at maputi nyang mga hita.Hindi ko lang masyadong makita ang itsura dahil medyo naka sideview lang sya.
"Mukhang nag enjoy ka sa pila kahit mabagal ah._AKO.Bitbit nya ang order nyang kape sa tray at saka numero.Halata sa mukha na nag enjoy sya sa pakikipag kwentuhan dahil hindi maalis ang ngiti nya habang papalapit sa mesa namin.
"Medyo mabagal nga ang usad ng pila,Madami kasing tao ngayon.
Here's your coffee babe,Inumin mo na habang mainit init pa._TOP.
Agad namang tumunog ang fone nya pagka baba nya pa lang ng tray sa mesa at saka nya kinancel yung tawag pagkatapos."Oh bakit di mo sinagot,Baka importante yun._AKO.Duda ako kung sino ang tumawag pero hindi ako nagpahalata.Nagpatay malisya na lang ako.
"Hindi naman importante,Si Vonz lang yun.Im sure mangungulit na namang hiramin yung kotse ko._TOP.Si Vonz yung pinsan nyang lezbian din pero hindi gaanong mayaman ang pamilya.
"Okey,Tamang tama at nang makauwi na tayo kaagad.Malayo layo din ito at baka gabihin pa tayo ng husto._AKO.Ewan ko lang kung tama ako sa instinct ko,pero meron talagang kakaiba sa kilos ni TOP ngayon.Wag naman sana.

YOU ARE READING
DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)
RomanceTRICIA OLIVEROS PAMINTUAN a.k.a T.O.P. is a certified Womanizer At dahil natira at nakapag aral sa isang bansang liberal,Nasanay syang naglalaro at nang iiwan na lang basta ng mga babaeng kanyang naikakama. Never pa syang nagkagusto sa lahat ng m...