78.DESS

1.2K 51 2
                                    

Ilang buwan pa ang nakalipas bago isinagawa ang procedure kay Top.
Kinailangan pa kasing i kundisyon sya emotionally bago pa sya maging carrier ng pangalawang baby namin.This time,Sa akin naman mang gagaling ang eggcell habang sya ang magbubuntis.

"Kapag nanganak ako,magdadalawang taon na si Sky nun.Ibig sabihin,Two years halos ang pagitan nila.Sayang,hindi kasi natin kaagad nasimulan._Top.Gusto kasi nya na isang taon lang sana ang pagitan ng mga anak namin para daw mas close.

"Mabuti na din yung dalawang taon ang pagitan,para hindi masyadong hirap sa pag aalaga.Saka may space yung dalawang bata at na enjoy pa ni Sky ang pagiging baby nya._Ate Mildred.Two years din kasi ang pagitan ng mga anak nya then after ng 3 kids nya,nag decide na silang hanggang dun na lang kahit walang girl.

"Top,Iwasan mo na munang uminum ng beer habang buntis ka.Mas mainam na gatas na muna ang inumin mo.Saka wag masyado sa beef at matatamis,need mong kumain ng gulay at prutas para healthy yang baby nyo._Kuya Tom.

"Kuya,Daig mo pa ang doctor ko nyan eh.Nagtanong na ko if okey pang uminum at ang sabi nya pwede naman basta in moderation lang._Top.
Sinamaan ko sya ng tingin kaya bigla syang nanahimik.Tinawanan naman ako ni kuya Tom na obvious namang nag iinis lang.

"Ayan,Kala mo uubra yang katigasan ng ulo mo kay Dess noh?hahahha.
Sige nga Dess,Ikaw na ang kumausap dyan sa pasaway na yan.Sa akin,hindi talaga susunod yan eh.Pero pag ikaw ang nagsalita,takot lang nyan._Kuya Tom.

"Wag kayong mag alala kuya Tom,Bantay sarado sa akin yan.Ayokong may mangyaring masama sa baby namin kaya hindi pupwede ang katigasan ng ulo nya._AKO.Isa yun sa mga naging dahilan kaya na delay ang procedure kay TOP.Dahil na din sa mga nakasanayang lifestyle ni Top na hindi nya basta basta kayang i give up pansamantala gaya ng pag inum at nightlife.

"Dont worry babe,Behave lang ako dito sa bahay.Akong bahala sa inyo ni baby Sky.Sige na kuya,pwede ka ng umuwi sa inyo.Tapos na ang oras ng sermon.Para kang pari eh,Pulis ka hindi ba?_Top.Ganun sya mang asar sa kuya nya,Halatang spoiled kaya lahat ng gusto nasusunod.

"Parang ang layo naman ng bahay ko?Sa kabilang pinto lang kami tol kaya hindi moko need ipagtabuyan.hahahahha.Parang ayoko pang umalis eh, gusto ko yung ganitong moment na hindi ka makaka ganti sa akin dahil may dala kang baby dyan sa tyan mo.Namiss ko tuloy bigla yung pakikipag sparring sayo._Kuya Tom.Lalo namang napikon si Top sa kanya at kaagad syang itinulak papalabas ng bahay.

"Get out!Ayokong makita ka habang buntis ako.Baka maging kamukha mo pa itong baby namin eh!Alisss na sabi ehhh!Get losssst!_Top.Natatawa na lang ako sa kulitan nilang magkapatid.Now ko lang kasi nakita kung ganu ka close ang magkapatid dahil bihira naman silang magkasama since dito na sa Canada naglagi si Kuya Tom.

"Ang kulit din pala ni kuya Tom ano?Para kasing hindi sya ganun kapag nakikita ko sya with his uniform.May side din pala sya na ganun ka cool at tuwang tuwa syang napipikon ka nya._AKO.

"Kung alam mo lang,mas makulit pa yan sa akin at malakas mang asar.
Nung andito pa ako sa Canada,madalas nya akong sinasama with his barkada at sobrang riot kapag sila ang mga kasama namin.Saka hilig talaga nya kong pikunin,Pero tignan na lang natin kapag nakapanganak  ako.Humanda sya sa akin._Top.Nagising na si Sky kaya nahinto kami sa pagku kwentuhan at kaagad syang nilaro ni TOP.

Isa sa pinaka nagustuhan ko kay Top ay ang pagiging magiliw nya sa mga bata lalo na sa anak namin.Mula ng isilang si Sky,Makikita ang pagiging malambing at maasikasong nanay side ni Top.Lalo na ngayon na kami lang talaga ang magkakasama dito sa Canada,Mas lalo kong nararamdaman ang pag aalaga at pagmamahal nya sa anak namin.

"Babe,Gusto mo bang mag shopping tayo para malibang ka naman?
Madaming shopping mall dito,Tamang tama para makapaglakad lakad na din._Top.Bihirang magyaya si Top na mag shopping kaya naman na excite akong makasama ko sya.Kapag kasi nasa Pilipinas kami,hinding hindi mo sya maaasahang samahan ako magpunta sa mall except sa CK lang.

"Babe,Ang ganda naman nitong store nila ng GUCCI dito sa Toronto.Very modern ang interior design tapos ang laki laki pa.Saka tignan mo,ganito din yung bag na nakita ko online.Bagong labas pa lang nila nito kaya limited lang yung item._AKO.Ewan ko ba kung bakit biglang bigla na lang na nagustuhan ko yung bag na yun kahit hindi naman talaga ako mahilig sa designer na gamit.

"Gusto mo bang kunin yan babe?Maganda nga sya at saka bagay sayo.
Im sure ilan lang kayong meron nyan pag nagkataon._TOP.Kaagad nyang pinaswipe ang card nya at saka iniabot sa akin yung bag pagkatapos.Nag a-aya na ako sa kanyang lumabas na sana sa store dahil masyado ng mahal ang bag na napili ko pero gusto na din daw nyang dito umorder ng stroller at saka mga baby dress ng bagong darating na baby namin.

"Babe,Hindi ba masyado namang mahal kapag pati stroller na bibilhin natin Gucci pa?Hindi naman sa nagkukuripot ako pero,madami namang iba pang mabibilhan na mas maganda at mas matibay pa kaysa dyan babe.Okey na yung mga baby clothes kasi isusuot nya naman yun talaga eh._AKO.May kamahalan naman kasi talaga yung presyo ng stroller kaya nakakahinayang syang bilhin.

"Babe okey lang yan,Matibay at maganda naman talaga ang quality ng Gucci kaya mahal eh.Hayaan mo na kahit gano pa sya kamahal basta para sa mga anak natin.Pumili ka na lang ng iba pang damit na bagay sa baby natin,pati si Sky bilhan mo na din._Top.Masusi nyang chineck yung binibili nyang stroller habang ako naman ay abala sa pamimili ng mga damit sa mga anak namin.

"Wala naman akong masabi sa pagka galante ng RK na si boss Top.Halos masimot yung loob ng tindahan sa dami ng mamahaling damit na binili mo eh.Mabuti na lang at naka discount ka ng kahit kaunti,haaay babe talaga...Sa susunod hindi na kita isasama mag shopping dahil baka mamulubi kana sa sobrang mamahal ng pinamimili mo._AKO.Nasa kotse na kami pabalik ng bahay.Mabuti na lang at medyo malaki yung sasakyang dala namin dahil kung hindi,masikip ang loob nito sa dami ng box na bitbit namin.

"Hahahahha.Minsan lang naman babe.Saka hindi na naman tayo mamumulubi for sure dahil madami akong pera.And you know what, may naisip na akong name sa baby natin...Hulaan mo kung ano._TOP.
Nag isip ako kung anong name ba ang naisip nya,Saka ako napasulyap sa mga kahon na nasa likod ng sasakyan at saka ako biglang napangiti na lang.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now