16.TOP.

1.7K 69 2
                                    

Yung ang dami dami mo na ngang iniisip sa negosyo tapos dadagdag pa itong si Leslie na wala na yatang ibang taong nakikita sa mundo kundi ako na lang.Haaaist!This time,hindi na foodtruck lang ang ipinadala nya kundi isang catering services para daw sa lahat ng crew ng Happybee dito sa bagong bukas kong branch sa may MOA.

"Ma'm ang bongga naman nitong grand opening ng foodchain mo,may pa catering pa.Sobrang nabusog po kami._Manager Yeng.Mula sa mga manager hanggang sa mga visor,alam na ako ang may ari nitong kainan.

"Walang anuman,enjoy lang kayong lahat dyan.Kayo na muna ang bahala dito ah.Mauuna na din ako._AKO.After kasi ng pa blessing at ribbon cutting pinakain ko lang muna silang lahat at saka ko pinabukas yung store.Dahil madaming tao sa mall,madami din ang agad na nagsipag order sa kainan ko kaya kahit inis ako kay Leslie,nawala ang pagod ko pagkakita sa mga costumer na pumapasok sa loob ng tindahan ko.

"Ang aga mo naman yatang nag out sa work mo.Hindi mo na muna inantay na magsara bago mo iniwanan yung bagong branch mo?_Terry.
Pinuntahan ko sya sa work place nya since malapit lang ako sa bagong tayong opisina nya ngayon.

"Ano ba,kayang kaya na nila yun.Palagi namang ganun ang ginagawa ko sa limang branch na binuksan ko eh,iniiwan ko na sa kanila ang pagpapatakbo after kong buksan.Ngayon pa bang dito sa pang anim ako magpapaka subsob sa pagbabantay._AKO.Sa dami ng nagsusulputang mga foodchain ngayon at mga kakumpitensya kong mga may pangalan na at matatatag na,maswerte na akong nakakapag padami pa ng branch ko.

"Sabagay,Mahuhusay din kasi yung mga tao mo talaga eh.Maaasahan at mga subok na.Parang gusto mo pa yatang habulin yung labing limang branches ng QUEENTOP nyo ah!_Terry.Isa pa yung mga supermarket nila Mommy at Daddy,kung dati rati sampu lang sila mas nadagdagan pa ulit ng lima.May dinagdag kasi sila sa CEBU,DAVAO at sa BOHOL.

"Hanggang dun na lang siguro yung kina Mom and Dad.Masyado na silang mayaman kapag lumampas pa sila sa kinseng branches.Hindi na nga namin alam ni TOM kung saang bangko namin ilalagay yung mga shares namin dun eh.Parang ikaw lang,Ilang bangko na ba sa ibang bansa yung pinagtataguan mo ng share mo sa TERRY'S GRILL?hahahaha._AKO. Dahil solong taga pagmana si Terry,buong buo nyang nakukuha ang share nya sa negosyo nila buwan buwan kahit never nyang pinakialaman ang pamamahala dito.

"Manahimik ka nga dyan.Baka may makadinig sayo.Walang kamalay malay ang mga tao dito na anak ako ng mag asawang Mag iihaw noh!
Maiba nga pala ako,Ano ng gagawin mo dyan sa Leslie na yan?Ilang buwan na lang at ikakasal na kayo hindi ba?_TERRY.Biglang nagbago ang mood ko pagkadinig ko sa pangalan ng baliw na yun.

"Ewan ko nga ba,Kahit ako hindi ko na alam ang gagawin eh.Kung pupunta ako sa ibang bansa,papano naman ang mga negosyo ko?
Kapag naman tumakas ako sa araw ng kasal ko,sigurado naman akong mahahanap din nila ako at mai eskando pa ang pamilya ko._AKO.
Malalaman pa ng lahat kung sino ako at ang estado ko.

"Alam mo,Mahirap yang sitwasyon mo talaga pero need mong gumawa ng sulusyon hanggang maaga.Hindi ka pwedeng mag aksaya pa ng oras dahil sigurado ako na gagawin ng babaeng yun ang lahat mapasa kanya ka lang.
_Terry.Kinilabutan ako sa sinabi nya.Posible ngang hindi na ako makawala pa sa kanya,unless may maisip akong paraan para mag back out sya.Pero papaano ko naman gagawin yun?haaaist.

What if ipakidnap ko kaya sya tapos takutin para wag lang akong pakasalan?O kaya naman,hindi ako sumakay ng eroplano at hayaan silang lahat duon sa Canadang mag antay sa akin sa wala?Pwede din namang magpanggap akong nagpakamatay para hindi na ako pilitin mila Daddy ipakasal sa kanya?Ano sa palagay mo ang pwede sa mga yun?_AKO. Wala na talaga akong iba pang pwedeng maisip gawin.Parehong mayaman ang pamilya namin kaya siguradong hindi ganun kadali ang mga palusot ko.

"Alam mo puro kacheapan yang mga pinagsasabi mo!Para kang bata mag isip.Para kang gumagawa ng tagalog teleserye na alam na ang ending at gasgas na mga litanya at plot ng kwento.Millenium na ngayon,dapat hi tech kana din mag isip!_Terry.Sa ganda ng mga ngiti nya,parang nakahanap ako ng pag asa.

"So anong pwede ko gawin para wag lang matuloy ang kasal ko?May naisip ka bang mas makabagong plano?_AKO.Na excite tuloy akong malaman kung ano.

"Ganito ang gagawin natin...Hihiramin natin yung jetplane ni GD at dun kayo sasakay ni Leslie.Ang ipapa alam nyo,mamamasyal lang kayo out of town.Tapos palalabasin nating nasira ang eroplano at magka crash landing kayo sa isang Island.(May sariling Island si Terry)Tapos magpapanggap kang nabagok ang ulo at magkaka amnesia._Terry.
Saka naman ako napahiga sa sofa at napatakip ng unan sa ulo ko.Kung sinauna ang plot ng kwento ko,Mas pang bata at mababaw ang kwentong naisip ni Terry.

"Hahahha.Parang nagamit ko na kasi yang amnesia story na yan nuon diba kaya malamang di na kagatin ngayon.Its either tuluyan ngang basagin ng tatay mo yang ulo mo at tuluyan kang magka amnesia or di kaya naman ipa hunting ka ng tatay ni Leslie sa mga bayarang sindikato.
_GD.Kadarating nya lang galing sa trabaho nya at dito na din sya muna nagtuloy.

"So mas tamang ituloy ko na lang talaga na magbigti or maglason para lang wag matuloy ang kasal ko sa babaeng baliw na yun tama ba?_AKO.

"NOPE!Hindi magandang pagkamatay yan.Nakakahiya.Labas ang dila mo sa kabaong or kaya naman masama ang itsura ng mukha mo sa pait ng lason.Meron akong naisip na suggestion pero ewan ko lang kung papayag ka?_GD.Napatayo ako sa sofa at agad lumapit sa kanya.Kahit si Terry na nagliligpit na sa mesa nya ay napatigil din at sabay kaming nag aabang sa planong naisip nya...

"So ano namang plano yan?Siguraduhin mo lang na maganda yan kung hindi pareho ko kayong itataboy palabas nitong opisina ko!_Terry.
This time,magkakatabi na kaming tatlo sa malambot na sofa ng opisina ni Terry at nakatingin pareho kay GD.

"Maghanap ka ng babaeng papayag magpakasal sayo!Kung hindi mo kayang magmahal,pwede mo naman syang i divorce after dahil sa ibang bansa naman kayo magpapaksal.Hindi ba ang ayaw mo lang namang mangyari ay magpakasal sa baliw at obssessed kamo na si Leslie?_GD.
Saka ako biglang natigilan...May punto si GD.Pupwede nga akong magpakasal sa iba basta wag lang kay Leslie...Pero papaano, at sino namang babae ang papayag na magpakasal sa akin?

Hanggang sa makauwi ako sa Cavite,Yun pa din ang iniisip ko.Sino nga bang babae ang pwedeng pumayag na magpakasal sa akin na walang kasamang LOVE?Or kung may pumayag man...Siguradong hindi din ako pakakawalan nun kapag nalaman nya kung gano kalaki at kayaman ang pamilya ko.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now