82.TOP.

1.2K 60 0
                                    

           
                 Naging normal naman at naging maayos ang lahat mula ng umalis kami sa bansa at mas piniling manirahan muna sa CANADA pansamantala para tuluyan na ding makalimot si Gucci sa mga nangyari nuon.Hindi na nagpatuloy pa sa pagmo modelo si Gucci at pinili na din naming maging karaniwang normal na lang syang bata.Habang si Skyler naman ay nagsisimula ng magpakita ng mga senyales sa pagiging kagaya ko.Nagsimula sa maiksing buhok at nahihilig sa pagsama sa mga bago nyang kaibigang parehas din nya ng trip.

"Mommy,Pwede mo ba kong bilhan na ng kotse please?Si Pebbles kasi,binilhan na ng dad nya ng big bike kahit hindi pa naman sya legal age para mag driving eh._Sky.Sya yung tipong ayaw pahuhuli at gusto pang mas nakakahigit sa kung anong meron ang mga kaibigan nya.

"Sky,Alam mo naman pala na wala pa sa legal age bakit gagayahin mo?
You must obey and follow the laws.Ilang taon na lang naman nasa legal age kana,saka ka na magpabili kay mom ng sasakyan mo._Gucci.Sya naman yung tipo na gusto nasa tama ang lahat,Masyado syang rightious.Kaya gusto nya daw mag take up ng LAW sa college.

"Oo na,Hindi na nga muna.Sinusubukan ko lang naman si mommy kung papayag eh.Alam ko naman yun.By the way mom,Totoo ba yung nadinig ko sa mga kasambahay natin na after maka graduate ng high school babalik na tayo ng Pilipinas?_Sky.Napalingon sa akin si Gucci at saka ako biglang natahimik.

"Tama yung nadinig mo anak,Babalik na tayo sa Pilipinas at dun na kayo mag aaral sa college magkapatid.Nasa Pilipinas ang mga negosyo ng mommy nyo at ng pamilya natin,kaya hindi pwedeng hindi nya tutukan ang pamamahala duon lalo pa at may edad na din ang mga lolo at lola nyo.
_Dess.Tamang tamang kakadating nya lang galing sa grocery store at nadinig ang pinag uusapan namin.

"Pambihira yang si Manang Meding,Akalain mong nauna pa sa atin na magsabi sa mga anak natin sa plano nating pag uwi sa Pinas?Akala ko pa naman,Ako ang unang magsasabi nun sa inyo eh._AKO.Natawa na lang si Dess sa akin at saka nakisali na din sa kwentuhan namin ng mga bata.

"Alam mo namang excited na yung umuwi at miss na miss na daw nya ang pamilya nya.Kako nga,pwede namang mauna na sya duon at kaya ko na namang mag asikaso dito sa bahay mag isa.Sabi nga nya,ayaw nya daw akong pabayaan dito kaya ayos lang naman daw sa kanya._Dess.Matamang inaantay ko naman ang magiging reaksyon ng mga bata lalo na si Gucci.Matagal ng naka recover si Gucci sa nangyari nuon pero hindi ko alam kung gusto nya pa bang bumalik sa Pilipinas.

"Mom,Momshie.Excited na kong mag Manila! Gusto ko na ding mag college sa pinapasukan ni Aloha para sabay kami.Namimiss ko na din yung mga dati kong classmates at mga kaibigan.Kilala pa kaya nila ko momshie,what do you think?_Skyler.

"Sympre naman anak,Makikilala ka pa din nila for sure.Puro mga anak ng kaibigan at mga kanegosyo naman ng mommy mo ang mga kalaro at kaibigan mo duon kaya im sure pag uwi natin,kayo kayo pa din ang magkikita kita at magkakaibigan_Dess.Nagkatinginan lang kami at inaantay ang magiging reaction naman ni Gucci.

"How about you anak,Gucci.Excited ka na din bang umuwi ng Manila?
Miss na miss ka na daw ng mga lolo at lola mo at saka sina Tita Sara at ng Mama._Dess.Sina Ding kasi at ang asawa nyang si Sassy ay nakakapamasyal dito sa Canada kapag may okasyon at kapag may mga mahahalagang papers na papipirmahan tungkol sa negosyo.

"Ofcourse Momshie!I miss grannie and grandad too. Excited na din akong matikman ang masarap na kare kare ni Titalola Sara.At namimiss ko na pinaghehele ako ni Mama Lola para makatulog ako._Gucci.Ilang taon na din ng sumakabilang buhay si Lola Anna ni Dess.

"That's good to hear.Hindi naman pala mahirap pabalikin ng Manila itong mga anak natin babe eh.Akala ko pa naman,mas gusto nyo ng dito na sa Canada mag stay ng habambuhay.Mga anak,Salamat sa pang unawa.Alam nyo naman na nasa Pilipinas ang negosyo ng pamilya, kaya hindi pupwedeng basta basta na lang na ipagwalang bahala ang pag aasikaso nun._AKO.Paminsan minsan din naman akong nagpapabali balik sa Manila pero iba pa din kapag naka tutok ka talaga.

"Pero Mom,Momshie...Meron akong kundisyon kapag nasa Manila na tayo
Since nasa legal age na ako nun at malapit na din yung mangyari,Gusto ko sanang magkaroon ng sarili kong unit ng condo.I want to have my own privacy kung sakaling nasa Pinas na tayo._Skyler.Hindi na ko nagulat sa request ni Sky,Ganun din kasi ako nuon pagka balik ko ng Manila,Bumili ka agad ako ng sarili kong condo unit.

"Aba'y walang problema sa akin yun anak,Sa nanay nyo kayo magsabi.
Sa akin,Mas maganda yang suggestion mo para hindi ka na mahirapan sa pagpasok.Isa pa,ganun din ako nuon.May sarili din akong condo unit nung bumalik ako sa Manila.Sa sobrang traffic duon,mas mainam na nasa malapit ka na lang ng school mo mag stay._AKO.Magkaiba nga lang kami dahil during college ako nag aral dito sa Canada habang sila naman ay dun magka College sa Pinas.

"Kahit naman ayoko,Wala naman akong magagawa dahil tama naman yang mommy nyo sa sinabi nya.Malayo ang Laguna sa Manila kung saan kayo mag aaral kaya mas convenient na magkaroon na nga lang kayo ng sariling unit.Kami na lang ng mommy nyo ang mag aadjust at dadalaw sa inyo._Dess.

"Ngayon pa lang magpapahanap na ko ng magandang condominium para sa inyo.Mas mabuti na yung maaga pa lang makasigurado na tayo na maganda at maayos yung titirahan nyong magkapatid.Wag kayong mag alala,Magiging masaya at maayos ang college life nyo duon._AKO.

"Momshie,Mommy.Pwede bang hindi ako sa condo tumira? Okey na sa akin yung simpleng apartment lang basta malapit dun sa papasukan ko kung sakali.
Gusto kong ipursue yung dream ko na mag aral ng law kaya mas ipa prioritize ko yung maganda at magaling na eskwelahan kaysa yung maganda at mamahaling titirahan._Gucci.
Nagkatinginan na lang kami ni Dess at saka sya tumango sa akin bilang pag sang ayon sa nais ni Gucci.

"Ganun ba,Walang problema yun anak.Suportado ka namin ng momshie mo sa gusto mo.At kung sa apartment mo gustong tumira,Ipagpapagawa kita ng apartment na malapit sa papasukan mo sa college.Basta kung ano ang gusto nyo mga anak,Andito kami ng momshie nyo para suportahan kayo._AKO.Nagyakapan kaming apat at saka muling nag kwentuhan.

Isa't kalahating taon ang agwat ng edad ng magkapatid,Kaya isang taon lang ang pagitan nila sa eskwelahan,Since nasa 11 at 12 grade na silang dalawa,Isang taon na lang ang aantayin namin para makauwi na ng Pilipinas.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon