20.TOP

1.7K 65 1
                                    

Pagkahatid ko kay Dess sa bahay nila,Agad akong umuwi sa FORBES PARK dahil ipinatatawag daw ako ng Daddy.Nadatnan ko sila ni mommy na nakaupo sa malaking sofa sa recieving area ng bahay at inaantay ako.

"TRISHIA!.Ano na namang kalokohan ang pinag gagagwa mo at sinabi sa akin nitong mommy mo na nakikipagmabutihan ka daw sa isang saleslady?Alam mo namang nakatakda ka ng ikasal hindi ba?_Daddy.
Madiin ang pagkakasabi ng daddy sa salitang KASAL kaya bahagyang napakibot ang ugat sa ulo ko.

"Ipinaliwanag na sa akin ni Aycee kung sino yung babaeng kasama mo sa party.Sya din yung representative ng CK mall nuon sa Gucci fashion show hindi ba?Sya yung muntik ng gawan ng masama ni...._Mommy. Sabi ko na nga ba at pati buhay ni Dess kakalkalin nila at hindi tatantanan simula ngayon.

"Dad,Sinabi ko naman kasi sa inyo na hindi ako magpapakasal sa babaeng yun.Hindi nyo ba nakikita kung gaano sya ka obssessed?Para syang baliw na kahit saan ako magpunta,gumagawa sya ng eksena para mapansin ko sya._AKO.Umupo ako sa harapan nila kahit ayoko sana,alam ko naman na hindi din nila pakikinggan ang mga paliwanag ko.

"Kaya nagkakaganun si Leslie dahil nga hindi mo sya binibigyan ng chance para makilala ng lubusan.Iniiwasan mo sya kaya natural na habulin ka nya kung nasaan ka.Hindi kaba nahihiya sa pinag gagagawa mo ha TOP,Nasasaktan din si Leslie sa mga masasakit na salita mo sa kanya pero tinitiis nya alang alang sa pagmamahal nya sayo._Mommy.
Sarado na talaga ang utak nila para pakinggan ang side ko.Hindi nila alam kung gaano kapanganib si Leslie.

"Nag confess sa amin si Leslie na nuon pa man talaga gusto ka na nya.
Habang tumatagal daw,palalim ng palalim ang pagka gusto nya sayo.
Kung bibigyan mo lang sya ng chance anak,Magiging masaya kayong dalawa at mas lalo pang uunlad ang mga negosyo ng pamilya nating pareho._Daddy.This time,mahinahon sya sa pagsasalita at parang nakikiusap.

"Im sorry Mom,Dad...Pero hindi ko talaga gusto si Leslie.Kahit anong gawin ko,hindi ko talaga kayang makisama sa taong hindi ko mahal...
Kung tungkol sa negosyo ng pamilya naman ang pag uusapan natin,I can give you all my shares para mas mapalago nyo pa ang business nyo.
But still...HINDING HINDI KO ILE LET GO ANG TUNAY KONG MAHAL para lang sa PERA._AKO.Nakatungo ako habang sinasabi ko yun.Bahala na kung anong isipin nila,basta hindi ako makakapayag na magpakasal sa taong hindi ko gusto.

"Then maghanda ka sa pwedeng gawin ng pamilya ni LESLIE sayo at dyan sa babaeng pinagmamalaki mo.Kilala ko ang tatay nya,hindi yun basta basta papayag na ganun ganun na lang ang gagawin mo sa anak nya ng hindi sya nakakaganti.Sigurado ako na kapag pinagpatuloy mo pa yang pakikipag relasyon mo sa isang saleslady lang,pati buhay nya magugulo din._Daddy.Saka sya tumayo na at dumiretso sa hagdan papunta sa kwarto nila ng mom.

"Hindi pa tayo tapos TOP.Hinding hindi ako makapapayag na sa isang mahirap ka lang babagsak!Hindi kami nagpakahirap ng Daddy mo sa paghahanapbuhay para lang mapunta sa ibang tao ang pinaghirapan namin para sa maganda nyong bukas.Kapag pinagpatuloy mo pa yang kalokohan mo na yan,hindi lang pamilya ni Leslie ang makakalaban mo kundi pati ako.Gagawin kong miserable ang buhay nya hanggang sya na mismo ang sumuko at iwanan ka nya!_Mommy.Napa angat ako ng ulo sa mga katagang binitawan ni Mom...Kelan pa naging kontrabida si Mommy pagdating sa mamahalin ko?Hindi sya dating ganun,wala syang pakialam sa lahat ng mga nakakarelasyon ko pero bakit ngayon,parang may kakaiba.


●●●●●●

"Really,Sinabi ni Tita AVA yun sayo?Ganun sya ka desidido na paglayuin kayo ni DESS kahit ang totoo HINDI naman talaga kayo?_Terry.Umuwi ako sa condo at ikwinento kay Terry ang nangyari sa party.

"Yup! Ngayon pa lang nagsisisi na ako na idinamay ko si DESS sa problema ko.Pati tuloy sya at ang pamilya nya,mapapahamak dahil lang sa mga pinag gagagawa ko.haaaaist!_AKO.Wala na kasi akong maisip na idalhilan kanina kay Leslie para tantanan nya na ko kaya si dess ang naisip ko.
Napasabunot tuloy ako sa ulo ko.

"Kinakailangan pala ni Dess ng bantay nyan.Papano kung umatake yang si Leslie at basta na lang sugurin si Dess kahit sa trabaho?
Napaka bayolente pa naman nyang babae na yan.Tapos samahan mo pa ng tatay nyang notoryus._Terry.Napabalita kasi nuon na may naipapatay na ang tatay ni Leslie na kumalaban sa negosyo nila.Pero natakpan lang yung kwento dahil sa malaking binayad ng pamilya para hindi na kumalat pa ang balita.
Ganun pa man,wala namang patunay na totoo nga ang balita kaya basta na lang namatay ang isyu.

"Sa palagay ko need ko ng bumalik sa CK branch para mabantayan na din si Dess.Kasalanan ko ito lahat eh,Kundi ko sya idinamay sa gulo tahimik lang sana ang buhay nya at ng pamilya nya.Ako pa tuloy ang nagdala sa kanya sa kapahamakan.Nasaktan na sya minsan ni Leslie,at hindi naman tamang masaktan pa syang lalo ngayon.
_AKO. Inaya ko si Terry na mag swimming kami sa pool nitong condo.At dahil gabi na,solo lang kaming dalawa sa paglangoy.Kapag hindi kasi ako nakapag gym,dinadaan ko sa paglangoy.Like Terry na mahilig talaga sa swimming kahit nuong bata pa sya madali ko syang mayaya kahit maghahating gabi na.

"Nagpa plano akong bumili ng Isla around Zambalez,what do you think?
May nag offer na sa akin pero parang naliliitan ako dun sa place.Gusto kong makita nyo din para may idea ako kung bibilhin ko ba or hindi._Terry.Saka ako biglang nagkaroon ng idea sa sinasabi nya.

"Isla?Let's go and visit the place para malaman natin kung maganda nga ba sya.Kapag nagustuhan ko,Makikihati ako sayo.Parang gusto ko kasing umalis na muna dito sa Manila at ng maiba naman ang paligid ko.Balak ko nga sanang mag Hawaii na muna kaso hindi ko basta maiwan yung mga negosyo ko.Sa totoo lang,sobrang stressed ako kay leslie at sa mga ka praningan nya.I cant take it anymore. Kundi lang sya babae,matagal ko na syang binigyan ng mag asawang tadyak at sipa!She's Crazy!_AKO.Naaalala ko kasi yung ginawa nyang pagsabunot at paghila sa damit ni Dess  sa party.Sa sobrang pagkabigla ni Dess,Hindi na sya nakapag salita at natulala na lang.Ganun din ang itsura nya nuong muntik na syang gawan ng masama ni Marfil.Sobrang awang awa ako sa itsura ni Dess nuon kaya alam kong ganun din ang naramdaman nyang pagkabigla sa party kanina.

"Okey then,magpapa alam lang ako sa opisina ko by tomorrow and saka tayo lalakad after.I'll ask na din GD kung gusto nilang sumama ni Sally._Terry.
Umahon na kami parehas sa pool para mag shower at makapahinga na din.
Masyadong madaming nangyari ngayong gabi kaya siguradong hindi kaagad ako makakatulog.

Tinawagan ko na lang lahat ng branch manager ko para sabihing mawawala lang ako ng ilang araw at tawagan na lang nila ako kapag may problema sa branch.Ito lang ang maganda sa mismong may ari ng kumpanya,Wala kang kailangang sunding skedule at anytime pwede kang umalis.Yun nga lang,hindi ako basta basta makakapunta sa ibang bansa dahil halos kakabukas ko pa lang ng branch ko sa Cavite at kailangan ko pang obserbahan ang takbo ng negosyo.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن