15.DESS

1.8K 68 2
                                    

            Malalim na ang gabi pero ayaw pa din ako dalawin ng antok.Naiisip ko kasi yung mga sinabi ni TOP sa akin.Bakit nga ba naman kasi ako yung tao na madaling magtiwala.Tapos namimis interpret pa ng ibang tao na easy to get dahil palaging nakangiti lang kahit iba na pala ang tingin ng iba.haaaaist!Dapat mag iiwas na ako sa mga lalaking mabait kunwari sa akin pero iba naman pala ang gusto.

"Dess,Anak...Bakit di mo pa pinapatay yang ilaw sa kwarto mo.Hindi kaba makatulog ha?_Tita Sarah.Mula sa labas ng pinto nyang sabi sa akin.

"Opo Tita,matutlog na po may ginawa lang ako._AKO.Kahit wala naman para lang may maidahilan.Kapag kasi di pa ako inaantok,ayoko munang pinapatay ang ilaw sa kwarto.Medyo takot kasi ako sa dilim.

"Matulog kana at may pasok kapa bukas.Pinaalala ko na nga pala kay Ding na bukas mo sya bibilhan ng sapatos nya kaya dun na sya dididretso pagka galing nya sa eskwela._Tita Sarah.Alam ko namang yun din talaga ang pakay nya kaya nya ako kinatok ngayon.Baka kasi malimutan ko at madisapoint si Ding sa ipinangako ko.


Buong maghapon kong inantay si Ding sa CK mall pero hindi sya dumating kaya agad ko syang tinawagan dahil nag aalala ako sa kanya.Nakapatay ang fone nya at hindi ko sya makontak kaya agad akong umuwi ng bahay para malaman kung nakauwi na sya.

"Ang buong akala ko nga din ay magkasama kayo ngayon.Sabi nitong Tita mo ay bibilhan mo nga daw ng sapatos yang kapatid mo.Pero kakatawag lang at ang sabi nga ay pauwi na sya._Lola Anna.Nasa seventy pa lang ang lola kaya malakas at maganda pa din syang tignan.

"Haaay naku yang batang yan talaga,Masyadong malihim.Akalain mong ang sabi ni aling Sale,Nakita nya daw dun sa Kwintop at nagbabagger dun sa cashier._Tita Sarah.Napalingon naman ako sa kadarating lang na si Ding at kaagad ko syang sinita.

"Ano ka ba naman ding,Maghapon akong nag alala sayo kung bakit hindi ka nakarating sa CK mall,naka off pa yang fone mo tapos mababalitaan ko na lang na nagta trabaho ka pala sa Queentop.Kinakapos kaba sa binibigay kong allowance sayo?_AKO. Ngayon lang ako nagtaas ng boses sa kanya mula ng dumating sya dito sa bahay.

"Pero ate,Nag message naman ako sa messanger mo na hindi ako makaka punta muna ngayon sa mall dahil nga natanggap ako sa work na inapplyan ko._Ding.Saka ko naalala,wala nga pala akong load sa internet kaya di ako nagbukas ng fb ko.

"E di sana nagtext ka.Hindi naman ako palagi nakakapag online.
Bihira kong gamitin ang messenger ko._AKO.Saka ko naalala,may free data pala sa messenger.

"Bawal na kasing humawak ng fone kapag naka duty ate.Isa pa,wala din akong load.Pag uwi ko pa lang saka ako nakapagpaload at saka ko lang nakita ang text at tawag nyo ni tita Sarah.Pasensya kana ate,pjnag alala kita ng husto._Ding.Sa sobrang hinahon at tahimik ni Ding,Hindi mo sya magagawang pagalitan ng husto.Nakakakonsensya syang sigawan.

"Bakit mo nga kasi gustong magtrabaho?Nagugutom kaba,kulang ba yung allowance na binibigay ko sayo?_AKO.Hinahayaan lang kami nila Tita Sarah at Lola na mag usap magkapatid.Hindi sila yung tipong nakikisali sa usapan.

"Hindi naman sa ganun ate,Malapit na kasi ang bakasyon...Sayang naman yung dalawang buwan ko na andito lang sa bahay habang nag aantay ng pasukan sa college kaya naisipan kong mag apply as a part time bagger lang._Ding.Na touch naman ako sa kapatid ko,Ayaw nya din talaga na masyado syang umaasa lang sa mga bigay namin sa kanya kahit nung una pa lang.

"Haaaaist!Ikaw talagang bata ka.Kahit kelan pinag aalala mo ko.
Papano na yan,Pasira na yang sapatos mo.Kelan pa kita mabibilhan nyan e graduation mo na next week?_AKO. Ipinaliwanag din nya na habang di pa sya nakaka graduate,dalawang oras muna ang duty nya sa pagba bagger.

"Bukas ate,pagkauwi ko from school didiretso na ko dun talaga.Madali lang kasi yung pasok namin bukas dahil magpupuntahan lang yung mga college representative mula sa ibat ibang school para mag promote sa mga eskwelahan nila._Ding.Naka pagpareserve na ako sa school napapasukan ni Ding kaya kampante na ako sa school nya for college.
Dun din kasi nag enroll yung kapatid ni Sally na si Sassy.

"Siguraduhin mo lang ha.Basta bukas magkita tayo sa mall.Sige na,magpahinga kana at magbihis.
_Ako.Saka sya pumasok na sa kwarto nya pagka mano kay Lola at Tita.

Ayos din pala yang KwinTop supermarket na yan eh,Matulungin sa mga mga estudyante.San ka nakakita na sila pa ang mag aadjust para sa mga tauhan nila.
Magaling din yung may ari nun.Hindi mukhang pera._Tita Sarah.
Kahit ako nga din ganun ang naisip.Meron pa palang mga negosyanteng iniiisip yung makakatulong sila at hindi yung makakalamang sa mga empleyado nila.

"Kaya naman pala lalong umaasenso,kasi hindi mapagsamantala sa kapwa.Naikwento nga ni Kelvin nuon na nasa labing lima na daw ang branches ng KwinTop.Masipag daw kasi at magaling sa negosyo yung may ari._Lola Anna.Libangan na ng lola ang manuod ng mga teleserye sa gabi kaya habang nanunuod sya ay pasali sali sya sa kwentuhan namin ni tita Sarah.

"Natandaan mo pa talaga yun nay ha,Ilang buwan na din yung naikwento ni Kelvin.Syanga pala Dess,Bakit hindi na naglalagi dito sa atin yang si Kelvin,Binasted mo na ba?_Tita Sarah.Malakas talaga ang pakiramdam niton si tita.

"Eh parang ganun na nga tita.Kasi naman ayoko na syang paasahin sa wala.Actually,dapat sasagutin ko na nga sya nuon...Pero kahit na ano kasi talaga ang gawin ko,wala talaga akong ma feel para sa kanya.Kesa naman lokohin ko pa sya,sinabi ko nalang na friends na lang kami._AKO.Boto pa naman sila ni Lola kay Kelvin.

"Hahahaha.Sabi ko na nga ba eh.Mabuti naman at diniretso mo na nga lang.Kahit naman pasado na sya sa amin ng lola mo,kung ikaw naman ay walang gusto sa kanya,natural na ikaw ang masusunod.Basta kami, dun kami sa magpapasaya sayo iha._Tita Sarah.Ngumiti ako sa kanya at saka napayakap kay lola.Maswerte talaga ako sa kanilang dalawa sa pagiging understanding at sa pagiging open minded nila.

"Salamat Lola and Tita sa palaging pag iintindi at pag uunawa nyo sa akin ha.Kaya never kong naramdaman na wala akong mga magulang dahil andyan kayo para sa akin.Pati na din sa pagtanggap nyo sa kapatid ko, salamat po ng marami._AKO. Nadinig ko kasi nung isang gabi habang nag uusap sila tita at lola na may boyfriend na yata si mama dun sa HK at wala talaga syang plano na umuwi.

"Naku,pabayaan mo na yung nanay mo.Andito naman kami ng tita mo.
Hinding hindi ka namin pababayaan.At lalong hinding hindi ka namin hahayaang masaktan at malungkot.Kaya apo,Mag enjoy ka lang at wag mag isip ng kung ano ano.Masaya lang tayo palagi at walang mga sakit, yun ang mahalaga._Lola Anna.

Tama naman sila...Maiksi lang ang buhay para sayangin at gawing malungkot.Dapat hindi mabuhay sa takot at maging matatag sa kahit na anumang pagsubok.Kung ano man yung mga nangyari sa nakaraan, dapat hindi ako magpa apekto bagkus ay taas nuo akong haharap sa lahat ng may dignidad at walang tinatapakang tao.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now