18.TOP

1.6K 66 1
                                    

Nagtatago na nga ako dito sa Cavite pero nasundan pa din ako ni Leslie.
Sakay ng bagong bago nyang red BMW na convertible,Lahat ng tao sa loob ng Happybee ay nakatingin sa kanya papalabas sa sasakyan at papasok sa loob ng store.Revealing ang suot nyang croptop at saka miniskirt dahil sa kaiksian.
Napailing na lang ako at saka inunahan na syang hilahin ko papalabas para hindi na dun mag eskandalo.Manager lang at visor ko ang may alam na lesbian ako.Baka kung ano ano pang sabihin nitong babaeng baliw na ito kaya wala akong choice kundi salubungin sya.

"Teka ano kaba,Nasasaktan naman ako sa paghila mo!_Leslie.Hinila ko kasi sya papalabas at ipinasok duon sa kotse nya na agad kong isinara.

"Bakit kaba kasi nandito ha?Alam mong nagta trabaho ako at nakaka abala ka tapos umaarte kapa na parang ikaw pa ang biktima.Your crazy!
_AKO.Sinamaan ko sya ng tingin.Sa lahat kasi ng ayaw ko yung taong makulit at mapilit.

"Masama bang dalawin ng fiance' nya ang mapapangasawa nya?Hindi ka naman nagpupunta ng Makati kaya papano kita makakausap?_Leslie.Hawak nya yung kamay nyang hinila ko at nakita kong bahagya yung namula.

"Pwede ba Leslie,Tigilan mo na nga yang kakatawag mo sa akin na fiance mo.Alam mong hindi mangyayari yang sinasabi mo kahit pa anong gawin mo._AKO.Medyo mahinahon na ang boses ko pero any moment babalik na naman ito sa pagsabog kapag hindi ako tinigilan ng babaeng ito.

"Wala ka namang magagawa kasi parents na natin ang nagdesisyon.Saka hindi tama ang sumuway sa mga magulang.Kaya naman gagawin ko ang lahat para matuloy lang ang wish ng mga parents natin._Leslie.Napatingin ako sa mukha ni Leslie.Maganda naman sya at sexy,Mayaman at saka mukha namang matalino...Pero bakit wala akong maramdaman sa kanya kahit na ano?May sakit ba ako?Bakit kahit anong gawin ko,hindi ko naramdamang kumabog ang dibdib ko sa mga babae?

"You know what,Hinding hindi mangyayari yang binabalak mo na makuha ako naintindihan mo?Over my dead body!Kaya ngayon pa lang simulan mo ng kausapin yang mga magulang mo at sabihan na itigil na nila ang pagpa plano ng kasalan na pinapangarap mo dahil hanggang pangarap lang talaga yan!_AKO.Ako yung tipo ng tao na hindi mapagpanggap.Hindi ako kagaya ni GD na sinasarili lang kahit may gustong sabihin,at hindi din gaya ni Terry na kahit alam ng mali,iintindihin kapa din.When i say I DONT LIKE YOU,I mean it...Kahit masaktan kapa.

"No!Hindi mo magagawa sa akin ito TOP.Wala pang tao na umayaw sa sa isang Leslie Imperial...Makikita mo,Hinding hindi ako makakapayag na hindi matuloy na ikasal tayo.Sa akin ka din mapupunta,tandaan mo yan!_Leslie.Saka sya humagulgol sa kotse nya na parang baliw.

"Look Leslie,Pwede bang itigil mo na yang pag iyak mo at umuwi kana?
May trabaho pa ako at malayo pa ang uuwian mo.Im sorry kung nasaktan ka sa mga sinabi ko pero mas mabuti na yung magkaliwanagan tayo para di kana umasa pa!_AKO.Kahit naman matigas ang puso ko,marunong din akong maawa kahit papano.Isa pa,papano naman sya uuwi sa kanila ng ganyang iyak sa ng iyak at magda drive pa ng malayo.

"Hindi...Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo lang ako TOP.Please give me a chance para maipadama ko sayo na worth it ako para pakasalan mo...Pagsisilbihan kita,aalagaan at pakamamahalin ng buong buo.Pleaaassee TOP,Magpakasal ka sa akin._Leslie.Umiiyak pa din syang nakikiusap sa akin.

"Will you stop it Leslie!Sinabi ko naman sayo na ayokong magpakasal...At isa pa,hindi kita gusto.Ayokong magpakasal sa taong hindi ko naman mahal,at lalong hindi kita pwedenb pakasalan dahil....Dahil may iba talaga akong mahal._AKO.Saka ako natigilan.Pero papano kung magtanong sya kung sino ang mahal ko,wala naman talaga akong mahal.haaaist.Bahala na

"May iba kang mahal?Tama ba ako sa nadinig ko,May mahal kang iba kaya ayaw mokong pakasalan?Hindi ako naniniwala,Inalam ko ang lahat sayo at wala ni isa man sa mga babae mo ang minahal mo at minamahal gaya ng sinasabi mo!Gusto mo lang akong lumayo sayo kaya mo sinasabi yan sa akin!_Leslie.This time,hindi na sya umiiyak kundi parang baliw na matalim ang mga matang tumitig sa akin.

"Come on Leslie,Bakit lahat ba ng nasagap mong balita tungkol sa akin ay totoo?At sigurado kaba na yang kinuha mong investigator ay magaling talaga o baka naman pini perahan ka lang at kahit kulang ang mga kwento nya,basta may maibalita lang sayo kahit hindi naman  talaga totoo pinaniniwalaan mo?_AKO.Saka sya parang natigilan.This time mukhang kakagat sya sa mga istorya ko.Mabuti na din para tantanan nya na ako.

"How dare you!Realiable ang source ko at magagaling silang lahat.Alam na alam ko din na wala kang dini date na kahit sino kaya hindi moko mapapaniwala dyan sa tinatahi mong kwento!Magpapakasal ka sa akin,sa ayaw at sa gusto mo TOP,Tandaan mo yan!_Leslie.Saka sya bumaba sa kotse nya at lumipat sa drivers seat para paandarin ang sasakyan nya.

"Hey!Ihinto mo ang sasakyan mo at bababa ako!Saan mo ba ako dadalhin?
Leslie ano ba?Kapag hindi moko ibinaba dyan sa gilid,hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin sayo.Baka imbis na makauwi ka ng maayos sa inyo,sa hospital ang bagsak mo!_AKO.Mabuti naman at nakuha sya sa salita.Dahil kung nagkataon,mapipilitan akong tumalon sa sasakyan nya at malamang pilay ako at bali ang mga buto ngayon.

"Hindi pa tayo tapos TOP.Hindi moko madadaan sa mga ganyang salita mo.Mapapasa akin ka din.Hindi ako naniniwala na may mahal kang iba.
Ako lang ang may karapatang magmahal sayo dahil para sa akin ka.
Kung totoo man yang babaeng sinasabi mo,mananagot sya sa akin...Kahit sino pa sya,hindi ko sya hahayaang humadlang sa ating dalawa
Hindi ako papayag na kayong dalawa ang magkatuluyan!_Leslie.Saka nya pinaharurot ang sasakyan nya papalayo.Kinilabutan naman ako sa sinabi nya na mananagot daw ang sino mang babae na mainvolve sa akin...

Bumalik ako sa Happybee at saka muling nagtrabaho sa loob.Pero mayamaya lang ay nagpaalam na din ako na mauuna na dahil parang biglang sumama ang pakiramdam ko.Umuwi ako sa apartment para magshower lang at magbihis...Namimiss ko na ang condo ko.Iba pa di  pala talaga kapag sariling bahay ang pag uusapan.Talagang hahanap hanapin mo.

Ang Luxury Condominium ang kaunaunahang bahay na nabili ko.Dito na ako nag stay mula ng magdecide ako na bumukod ng bahay kila mom and dad pagdating ko galing Canada.Kahit may mga bahay at lupa akong nabili sa Canada,Australia at Hawaii...at mga apartment sa tabi ng mga branches ng happybee,Sa condo ko pa din gustong magstay at magpahinga.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now