Linggo na ng umaga at maya maya lang darating na ang susundo sa aming bangka.Inaalala ko lang na pahirapan na naman sa mga kasama ko ang pag alalay sa akin sa paglalakad.Bakit naman kasi nagpicto pictorial pa ako ayan tuloy ang napala ko.Pasanin at asikasuhin ako ng grupo.
"Guys,Dont worry.Wag kayong masyadong magmadali at nagpasundo na ako.Just take your time at samantalahin nyo muna ang pag stay dito para makapag usap._GD. Nagpasya sila ni Sally na maglakad lakad na muna sa tabing dagat habang sila Terry at Joyce naman ay tahimik na naglakad naman papunta sa pool area.
"Masakit pa din ba yang paa mo?_TOP.Hindi na ako nag abala pang lumingon sa likod ko dahil kilala ko naman na ang boses nya.Lumapit sya sa tabi ko dito sa terrace at nakatanaw lang kami parehas sa dagat.
"Medyo okey na naman sya.Naigagalaw ko na.Hindi kagaya kagabi na sobrang kirot kapag inilakad ko._AKO.Kagabi ko pa kasi nakikita sa mukha nya ang sobrang pag aalala sa akin kaya ngumiti ako kaagad para kahit papano makita nyang ayos na ako.
"Mabuti naman kung ganun.Sasamahan na lang kita magpacheck up pagdating natin ng Manila dun sa hospital nila Terry para makasigurado tayo.Wag ka na din daw munang pumasok sabi ni GD dahil naipaalam kana nya sa Tita nya na napilayan ka._TOP.Natutuwa ako sa pagiging concern nya sa akin at ayoko din namang masyado syang mag alala kaya mas mabuti na din na mapatignan ang paa ko.
"Salamat ha.Mula pa kagabi hanggang ngayon hindi moko pinababayaan.
Ang dami ko ng abala sayo.Ngayon ko naiintindihan si Joyce bakit gusto nyang iwasan nuon si Terry...Hindi kasi tama na palaging umaasa na palaging may tutulong.Sa huli,magiging dependent kana at hindi na yun tama._AKO.Tumigil ako sa pagsasalita dahil any moment babaksak na din ang luha ko."Pero hindi naman siguro sulusyon ang pag iwas.Naiintindihan ko din naman ang damdamin ni Joyce,Ayaw nya yung pakiramdam na parang nagiging pabigat na sya kay Terry.Pero hindi nya ba naiiisip na sobrang apektado ang kaibigan ko sa ginawa nya?Aaminin ko,medyo sumama ang loob ko kay Joyce.Sobrang bestfriend kami kasi ni Terry,palagi syang uuwi sa condo na lasing at umiiyak...I hate to see her like that pero wala din akong magawa para sa kanya._TOP. Para namang ngayon pa lang nakokonsensya na ako sa gagawin ko ding pag iwas sa kanya after this vacation.
"Hindi naman natin masisisi si Joyce,Ayaw nya lang ding masanay na palaging nariyan si Terry para laging tulungan sya.Minsan,kahit gustuhin man nating unahing isipin ang sarili nating damdamin...Nananaig pa din ang salitang PRIDE sa kagaya namin.Yun na lang kasi ang natitira sa amin eh,yung humarap sa mga tao na wala kang inaabuso at sinasamantalang kapwa._AKO. Unti unti ko lang ding pinapaliwanag kay Top ang saloobin ko para hindi na sya mag iisip pa ng iba kung bakit ko sya sisimulang iwasan na.
●●●●●
After mapa xray at macheck ng doctor ang kaliwang paa ko,binigyan nya ako ng gamot na kailangan kong inumin para sa mabilis kong pag galing.
Sa Private plane ni GD kami sumakay pauwi kaya hindi ako masyadong nahirapan sa pagbyahe.Iniisip ko din kasi yung abala na gagawin ko sa mga taong kasama ko.Ayoko din kasi ng para akong bata na inaasikaso. Hindi ako sanay."Ate,Ang bait ni ate Top ano...tapos ang ganda pa.Pero sympre mas maganda kapa din._Ding.Habang nasa bahay ako,sya ang matyagang makikipagkwentuhan sa akin para daw di ako naiinip sa bahay.
"Talaga ba,mas maganda ako?Naku,malamang may ipabibili ka lang kaya ka sumisipsip noh?hahahhaa._AKO.Magkatabi kasi sa upuan dito sa sala habang nanunuod ng tv.
"Hindi noh,Wala kaya.Totoo namang maganda ka.Sabi nga ni Boss Kelvin sa akin,ilakad daw kita sa kanya.Di na lang ako sumagot.Sa ginawa nyang pag iwan sayo nuon sa reunion nyo,nawalan na din ako ng gana sa kanya._Ding.Kahit naman sina lola at tita,nawalan na din ng amor sa kanya matapos ang ginawa nyang yun.Pero sa akin naman,wala na yun. Isa pa,anduon naman si TOP para samahan ako.
"Kapatid nga kita,kasi gandang ganda ka sa akin eh.Ako din naman gwapong gwapo sayo.hahahaha.Pero kidding aside,Ayaw mo ba kay Kelvin na maging boyfriend ko?Kasi parang gusto ko sana ulit syang bigyan ng chance sana eh._AKO.Kasi naman,palagi na lang sumisingit sa utak ko si TOP.Hindi nga pwede dahil lalaki ang gusto ko.Isa pa, ikakasal na yung kay CRAZY GIRL kaya nga ko nag give way na diba.
"Kung gusto mo naman sya,wala akong magagawa ate.Pero kung ako ang tatanungin,ayoko sa lalaking babaero.Hindi pa nga kayo nuon,suma sideline na sya sa iba papano pa kapag naging kayo na?Lalaki din kasi ako kaya ramdam ko kapag hindi seryoso at may ka fling pang iba yung guy._Ding.Sabagay,may katwiran.Once a playboy always a playboy.
Saka ko naalala si TOP.Numero unong playboy ang mokong na yun."Haaaaist!Tama ka naman dun.Sige na nga,hindi ko na pagbibigyan si Kelvin na manligaw ulit.Pero teka,hindi kaba naman nahihirapan sa trabaho mo duon sa supermarket?Baka naman mapabayaan mo ang pag aaral mo dahil sa trabaho ah?_AKO.Mabuti na lang at graduating na sya at college na.Ilang taon na lang pwede na siguro akong mag asawa.
"Syanga pala ate,invited ako sa celebration ng KWINTOP Anniversary sa susunod na linggo.Makikilala daw namin duon ang may ari ng KwinTOP pati mga anak nila.Alam mo ba yung OLIVEROS DOME ate?Sa may Antipolo daw yun eh._Ding.Mayroon palang ganung dome bukod sa Cuneta Astrodome at Skydome.
"E di umattend ka.Tamang tama yung sapatos mong bagong bili. Bibilhan din kita ng polo at saka bagong pantalon para hindi ka naman magmukhang boy duon sa Anniversary ng store nyo._AKO.
Kabisado ko na kasi ang sukat ng damit at pantalon nya dahil kapag may sale sa CK mall na mga damit at pantalon,palagi ko syang binibilihan."Ate naman waaag naa!Kaya ayokong kinu kwentuhan ka eh,lagi nalang nauuwi sa pagbili mo sa akin.Bagong celfone,sapatos bag at saka mga damit.Sobrang spoiled na ko sayo ate,hiyang hiya na ako._Ding.
Alam ko namang hindi pala hingi ang kapatid ko kaya ako na mismo ang nagkukusa na bilhan sya.Bumabawi lang ako sa mga taong di kami nagkasama at hindi nya naranasan ang mga luho sa buhay."Ay ayan na sya.Nag beastmode na!Hahahha. Bakit kaba nagagalit?
Kung yung ibang kabataan dyan,halos maglupasay sa mga ate at kuya nila mabilhan lang ng gusto nila,ikaw naman galit pa kapag binibilhan.
Hayaan mo lang ako na mag abot sayo,lambing ko lang yun para mas sipagan mo pa sa pag aaral.Gusto ko na makatapos ka para naman maging maganda ang kinabukasan mo._AKO.Iba kasi kapag lalaki.Sya ang tatayong padre de pamilya kapag nag asawa na sya.Ayokong dumating sya sa puntong hihiwalayan na lang sya ng asawa nya dahil sa wala syang permanenteng trabaho.
Gusto kong maging maganda at maginhawa ang magiging buhay nya balang araw kapiling ng magiging pamilya nya.

YOU ARE READING
DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)
RomanceTRICIA OLIVEROS PAMINTUAN a.k.a T.O.P. is a certified Womanizer At dahil natira at nakapag aral sa isang bansang liberal,Nasanay syang naglalaro at nang iiwan na lang basta ng mga babaeng kanyang naikakama. Never pa syang nagkagusto sa lahat ng m...