34.DESS

1.4K 58 3
                                    

Nagpalipat ako ng RD ngayong Sunday para hindi na ako pumasok.Ayoko namang mag mukhang haggard ako na galing pa sa trabaho bago pumunta ng party.Mag aalas sais na ako natapos ayusan at make up-an nung gay beautician dun sa parlor na suki ko kaya dali dali akong nagbihis.Eksaktong alas sais naman ng dumating si TOP na napaka ganda sa suot nyang CK halter crepe gown na kulay pula.Samantalang ako ay naka CK Keyhole dark blue gown naman.

"Para namang hindi lang basta Anniversary party ang pupuntahan natin sa mga suot natin ngayon TOP...Parang aattend tayo ng awards night.
_AKO.Kasi naman,bukod sa mamahalin na itong mga suot namin,Naka Limo pa kaming sasakyan.

"Hahahahha.Awards night talaga?Simpleng Anniversary party nga lang kasi yung pupuntahan natin,kaya lang special para sa may ari yung ika 25th years nila kaya dapat maganda din ang suot natin._TOP. Magkatabi kami ngayon sa upuan dito sa loob dahil may kasama syang driver.

"Kinakabahan tuloy ako,Baka naman kasi puro mayayaman ang mga imbitado duon at ma out of place lang ako.Sila Terry at GD ba hindi invited?_AKO.Kapag kasi mayayaman ang may pa party,tyak pati yung dalawa,kakilala din yung nag invite kay TOP.

"Invited din sila kaya lang nasa Brazil ngayon si Terry para sa shoot ng latest commercial nya.While itong si GD naman,kanina ang sked papuntang Hawaii._TOP.Tumango na lang ako sa kanya at saka inilibot ang mga mata ko sa paligid nitong Limo.

Iba din talaga kapag mayayaman,kung saan saang bansa nakakarating.Kundi pa nabuko nuon ni Sally na anak pala si GD ng may ari ng CK mall hindi namin malalaman na mga anak mayaman pala itong tatlong toh.Ang gagaling talaga nilang magtago ng sikreto.

"Maiba nga pala ako,Sa Antipolo din pala gaganapin yung Anniversary party nung pinapasukan ni Ding.Mas nauna nga lang sila ng kaunti dahil alas sais pa lang umalis na sya._AKO. Medyo malayo din kasi mula Manila ang Antipolo kaya aabutin siguro kami ng isang oras sa byahe.

"Sana pala isinabay na din natin sya.Tatawagan ko na lang sya mamaya para sumabay na sa atin pag uwi.Isuot mo na muna itong coat ko,nilalamig ka na yata.Malamig yang kamay mo oh._TOP.Napa yakap kasi ako sa sarili ko kaya napansin nyang nilalamig ako.Sleeveless kasi itong gown ko na may butas dito sa bandang gitnang dibdib ko tapos malakas pa itong aircon ng sasakyan kaya nilamig talaga ako.

"Salamat.Hindi lang kasi ako sanay dito sa damit ko pero keri naman.
Medyo malakas lang din kasi ang aircon nitong sasakyan._AKO.Medyo hininaan nya ang aircon at saka hinawakan nya ang kamay ko kaya medyo nabawasan ang panlalamig ko.Yun nga lang,dahil hawak nya ang kamay ko,para naman akong naku kuryente.

"Medyo malapit na din tayo kaya maghanda kana.Dont worry,Andun din naman sina Aycee at Nixx kaya kahit papaano may kakilala ka at hindi ka maiinip.Saka di naman kita iiwanan,Akong bahala sayo._TOP.Dahil sa sinabi nya,nabawasan ang kaba ko.Hindi ko alam kung bakit para kasing kinakabahan ako sa pupuntahan namin ngayong gabi,Feeling ko may kakaibang magaganap na hindi ko maipaliwanag.

"Okey lang ako,Wag mokong alalahanin.Basta kapag need mong makipag usap sa mga kakilala mong negosyante,pwede mo naman akong iwan lang.Basta babalikan mo lang din kaagad.Promise hindi ako iinum para di ka mapahiya sa akin._AKO.Itinaas ko pa yung kamay ko kaya tawa sya ng tawa sa akin.

"Alam mo para kang bata.hahahha.Naloloka ako sayo.Mas matanda ka sa akin pero parang palagi kang pabebe.But kidding aside,Nag eenjoy ako sa kakyutan mo.Kahit sa simpleng kakengkuyan mo,ang dali mo akong mapatawa._TOP.Saka sya nagtakip ng bibig nya dahil nag make face ako at natawa sya.

"Oiiii si ateh...Tawa ng tawa,ibig mag asawa.hihihi. Isip bata pala ha...Sige di na ko magpapabebe.Seryoso na ko mula ngayon._AKO.Saka ako nag seryoso ng tingin sa kanya.Inayos ko ang pag upo ko at saka tumahimik bigla.

"Hahahahha.Baliw ka talaga.Ang sabi ko Pabebe ka at hindi ko sinabing magpaka estrikta ka.Di bagay sayo ang serious,para kang old maid na di sinipot ng jowa sa araw ng kasal._TOP.Saka ako biglang natawa at pinaghahampas sya.Ganito na kami ka kampante sa isa't isa ni TOP.Kahit na di kami magsalita,basta nagkatinginan  kami...Tatawa na lang kami basta.

Unti unti,nararamdaman ko ng palalim ng palalim na ang lihim kong pagka gusto sa kanya.Hindi ko lang alam kung ganun din sya.Pero base sa pagkakakilala ko sa kanya,never pa syang nainlove kaya siguradong imposibleng gustuhin nya din ako.

"Let's go na.Andito na tayo.Dahan dahan lang sa pagbaba baka madapa ka na naman.Lalampa lampa kapa naman.heehhhe._TOP.Sinamaan ko naman sya ng tingin at saka ako naunang bumaba.As usual,pabebe na naman ako sa kanya.Arte ko lang diba?hehheheh sensya naman...
nagmamaganda lang.

Pagpasok pa lang namin sa main entrance,may mga bumati na kaagad kay TOP.Feeling ko tuloy celebrity kami dahil halos lahat ng mga taong naandun,sa aming dalawa nakatingin habang naglalakad kami sa gitna ng red carpet papunta sa pinaka unahan ng entablado.

"Hey,Relax ka lang at ngumiti.Wag mong ipahalata na kinakabahan ka.
Mga tao lang din ang mya yan, kaya wala kang dapat ikatakot sa kanila.
_TOP.Pabulong nyang sabi sa akin kaya amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga at ang amoy ng paboritong pabango nya.

"Kasi naman bakit ba sila sa atin lahat nakatingin.Lalo tuloy akong kinabahan.Kilala ba nila tayo?Saka bakit dito pa tayo sa harapan pupwesto,para lang to sa may ari nung...KWINTOP 25TH ANNIVERSARY.
Teka,sa Kwintop din nagwowork si Ding.Ibig sabihin dito din sya pupunta?_AKO. Sasagot na sana si Top sa akin ng biglang lumapit ang isang gwapong lalaki na may hawig kay TOP.Parang male version nya kasi si guy.

"Kuya! Kanina kapa ba?Medyo malayo pa kasi kami nang galing kaya medyo na late kami.Btw,Si DESS nga pala kuya...Dess,sya naman ang older brother ko si kuya TOM._TOP.Naka all smile naman syang lumapit s akin at saka bumeso na parang kilalang kilala nya ko.Nagulat man,ngumiti na lang din ako sa kanya ng walang halong echos.

"Nice meeting you sis...Wooow! Ang ganda mo nga pala talaga.Hindi na ko magtataka kung bakit sa kauna unahang pagkakataon may ipinakilala na ding babae sa akin itong si bunso._Kuya TOM.Ayos din maka describe itong kuya ni TOP,At tinawag pa akong sis.Mukhang magkakasundo kami ni bayaw,este ni kuya TOM pala.

"Nice meeting you din po.Kaya naman pala sabi ko male version ni TOP kasi older brother pala.Salamat po sa papuri,kayo din naman magandang lalaki din._AKO.Tumingin ako kay TOP na tatawa tawa lang sa aming dalawa at di nagsasalita.

"Ay wait lang muna at tatawagin ko muna sila Mom and Dad para maipakilala ka ni TOP.Magsisimula na din kasi ang program kaya busy yung dalawa sa pakikipag chikahan sa mga bisita.Seeyou later guys!_Kuya TOM. Saka lang kami nakaupo ni TOP at nagsimula na syang uminum ng wine.

"Hindi mo naman sinabi sa akin na party pala ito ng KWINTOP.Kilala nyo ba ang may ari nito kaya pati kuya mo at parents andito din?_AKO.Sasagot na sana sya kaya lang biglang may nagsalita na sa stage at nagsimula ng ipakilala ang may ari ng KWINTOP.Nagulat ako ng sabihin ng emcee na ang may ari pala nito ay si Madam diamond (Patty Pamintuan)na nasa party din nuon ni Aycee.Sunod namang tinawag ay ang asawa nya na si Sir Vic Pamintuan na sya namang CEO ng KWINTOP Supermarket.

Ang nakakagulat pa nito,tinawag din ang pangalan ni Kuya Tom at ni TOP para pumanhik sa stage.Nagulat ako na pamilya pala nila ang nagmamay ari ng lahat ng branches ng KWINTOP sa buong bansa.







DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang