63.TOP

1.2K 50 0
                                    

Bago makapananghalian ay nakarating na ko sa Happybee Subic at kaagad akong dumiretso sa loob para makausap yung manager.At dahil ito ang pinaka bago kong branch,kakaunti pa lang ang kakilala ko dito at hindi ko pa sila gaano nakaka usap.Kaagad kong nakaharap ang manager nila na babae pala.Ismarte at halatang sanay na sa pagma manage si Miss Lagumbay base sa kilos at pakikipag usap sa akin.Napansin ko lang na medyo masyado syang touchy sa akin dahil sa paglapit lapit nya habang nagpapaliwanag sa mga problema sa store.

"Boss,May mga aplikante nga pala tayong nag aantay sa labas.Ang sabi nyo po kasi,kayo mismo ang mag i interview sa kanila pagdating nyo.Ito po yung resume nila._Sugar.Habang ipinapakita nya yung folder na hawak nya,ramdam ko yung pagdikit dikit ng dibdib nya sa braso ko.

"Okey sige ako na ang bahala.Papasukin mo na lang sila isa isa.Saka nga pala yung sales this week,paki kuha na din para alam ko yung benta ngayong araw._AKO.Bibihira akong personal na mag interview sa mga aplikante,ngayon lang para maka iwas sa pagpi flirt ng manager ko.

"Boss,Is there anything you want to drink?Para kasing hindi pa kayo nakaka pahinga from long drive tapos trabaho kaagad ang inuna nyo.
_Sugar.Muli na naman syang pumasok sa opisina at saka mapang akit na kinausap ako.Bakit mapang akit kamo,Sinadya nya lang naman na kausapin ako ng nakayuko ng bahagya para makita ko yung namumutok  nyang dibdib.Bakit ba naman kasi kahit saan ako magpunta,nilalapitan ako ng tukso.

"Hah?Ahhh ehh,Icetea na lang.Medyo mahina yata ang aircon nyo dito at pinagapapawisan ako._AKO.Malakas naman ang aircon pero mahina ako sa tukso kaya naman kaagad ko syang sinabihan na sabay na kaming umuwi mamaya.

Lima ang aplikanteng ininterview ko today,Tatlo lang ang nakapasa at dalawa ay sinabihan kong tatawagan na lang.Maya maya pa,naglibot ako sa loob ng store hanggang sa kitchen para tiyakin na maayos ang serbisyo ng mga tauhan ko.Saka ko lang naalala si Dess ng sya na mismo ang tumawag sa akin para kumpirmahin na nakarating na nga ako dito sa Subic.

"Im sorry babe,Naging busy kasi ko kaagad sa pag i interview ng mga applicants kaya di ako nakatawag kaagad.Kamusta naman ang trabaho mo dyan?Wag kang masyadong magpakapagod at umuwi ka kaagad.
See you tomorrow._AKO.

"Ikaw din dyan,Wag masyadong pakapagod.Umuwi ka kaagad at magpahinga sa room mo.Im sure pagod ka sa long drive.See you tomorrow babe,I love you._Dess.Ganun ka sweet si Dess,palaging may pabaong Iloveyou.Na kahit kelan yata hindi ko pa natugunan.Tapos mamaya maya lang,magkakasala na naman ako.

"Boss,Ipapadala po ni Ma'am Sugar.Hindi pa daw po kasi kayo nagla lunch sabi nya.Kung meron pa daw po kayong kailangan,mag sabi lang daw po kayo._Crew.Nakalagay sa nameplate nya ang pangalang SED.Sinasadya ba ng pagkakaton yun para paalalahanan ako na wag kong ituloy ang balak ko mamaya?

"Okey na toh,Salamat.Pakisabi din sa manager nyo salamat._AKO.
Hindi pagkain mula sa store ang sinerve sa akin kundi pagkain mula sa restaurant.May crab,shrimp at saka grilled bangus at liempo na lalong nagpa gutom sa akin.Papanong pati mga paborito kong pagkain ay alam ng manager nila?

Hapon na ng matapos akong mag check sa mga papeles na kailangan kong pag aralan at basahin.May mga papers din ako na pinirmahan.Kasama na din sa mga chineck ko ang mga tauhan mula sa staff,crew at mga guard.
So far,maayos naman ang takbo ng bentahan at ang tanging naging problema lang ay ang maling pagtatally ng mga sales kaya may naging malaking pagkukulang sa kwenta ng pera.

"Boss,Ayos na po ang lahat.May namali lang talaga po sa kwenta ng cashier kaya akala ng lahat nawalan kayo ng malaking halaga.Kung susumahin,balanse naman po at eksakto sa perang naka record sa print out yung sales.May pagkukulang lang po talaga dun sa cashier._Accountant ng store.Meron ding naka monitor sa lahat ng transaction at saka sa bawat branches,i see to it na may naka antabay na computer analyst,accountant at saka engineers.

"Boss,Mauuna na po ako sa inyo.Tapos na po ang duty ko today._Manager Sugar.Nakapagpalit na din sya ng uniform at naka maiksing short na lang sya ngayon at sando.Sa beach ba ang punta nya at sobra naman yatang iiksi ng mga suot nya.

"Ahhh,okey sure.Sige salamat nga pala sa report.Basta ipatawag nyo na lang ako kapag nagka problema kayo ulit._AKO.Muli akong tumingin sa mga papeles na binabasa ko para hindi na ko ipagkanulo pa ng mga mata ko.

"Bye Boss,Seeyou later._Sugar.Saka lang ako bumalik sa katinuan ng mawala na sya sa paningin ko.Baka kasi kapag di ako nakapag pigil,dun ko sya mismo sunggaban sa loob ng opisina.

Alas otso na ako nakatapos sa pagchi check ng mga documents at mga papers.Bahagya akong nag inat at saka kaagad kinuha ang jacket ko at bag
saka lumabas sa opisina.Lalaki ang manager sa night shift kaya matapos kong magpaalam sa kanila ay lumabas na ako parking lot para kunin ang sasakyan ko.

"Hi Boss!_Sugar.Saka ako biglang nagulat ng kaagad nya akong lapitan at halikan sa labi.Napa lingon naman ako kaagad sa paligid kung may nakakakita sa amin ngayon.

"Sugar,What are you doing here?Diba kanina kapa nagpaalam na uuwi kana?_AKO.Same pa din ang suot nyang damit at bag na dala mula pa kaninang nagpapalam na aalis sya.

"Actually nag stay lang ako dun sa kabilang cafe while waiting for you then sabi sa akin ng tauhan natin na palabas kana nga daw kaya inabangan na kaagad kita dito._Sugar.Agad kong binuksan ang kotse at saka kami nag usap sa loob.Ayoko kasing may makakita sa aming dalawa.

"Bakit mo ba ko inaantay,Akala ko umalis kana kaya wala akong idea na bigla ka na lang susulpot dito sa parking lot  at hahalikan ako.Bakit mo ginawa yun?_AKO.Inistart ko ang kotse kahit di ko naman alam kung saan ba kami pupunta.

"Sabi mo kasi sa akin kanina na sabay tayong uuwi diba,Kaya nag intay ako.Saka restday ko naman bukas kaya pwede akong di na muna matulog ng maaga tonight.Saan ba tayo boss,your place or mine?_Sugar.Lalo nya pang isiniksik ang sarili nya sa akin at saka nya ako muling sinunggaban habang nagmamaneho ako.








DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now