Hindi pa man nakaka panganak si DESS ay may panibago na naman kaming problema na kinakaharap.Naaktuhan nya kami ni Vivian na naghahalikan sa loob ng opisina ko.Eksenang kahit naman ako ay nagulat din sa ginawang yun ni Vivian sa akin.Umuwi ako ng bahay pero wala ng mga damit duon si Dess.Kaagad akong pumunta sa bahay nila sa Mabini para humingi ng tawad pero wala akong Dess na nadatnan duon.
"Ano kamo TOP,Wala sa bahay nyo si Dess?Abay saan naman magpupunta yung batang yun.Kung kelan kagampan na at saka naman nakuha pang maglakwatsa._Lola Anna.Hindi ko naman masabi ang dahilan ng pag alis nya ng bahay ay dahil sa akin.
"Hindi naman siguro aalis si Dess basta basta kung walang dahilan.Baka nagpunta lang sa mga kaibigan nyo at pauwi na din siguro yun.Sinubukan mo na bang tawagan sina Sally at Joyce ha Top?_Tita Sarah.Tinawagan ko na din silang dalawa habang nagda drive ako kaninang papunta dito pero pareho nilang sinabi na hindi nagpunta sa kanila si Dess.
"Baka nga pauwi na din po si Dess Lola,Tita.Pasensya na po sa abala.
Babalik na din po ako ng bahay.Wag po kayong mag alala,kapag po nakauwi na sya ay kaagad kong ipapa alam sa inyo.Sige po,magpapa alam na po ako._AKO.Pagkatapos kong humalik sa kanilang dalawa ay mabilis ko ng pinaandar ang kotse ko papalayo sa bahay nila.Nagi guilty ako masyado sa kabaitan ng pamilya ni Dess sa akin mulat sapul na makilala ko sila hanggang sa ngayon.Samantalang puri sakit at sama ng loob lang naman ang ibinibigay ko sa apo nila at pamangkin."Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo TRISHIA!Aba'y hindi kapa din ba tumitigil dyan sa mga kalokohan mo?Ilang beses ka ng nahuhuli ng gf mo sa pambababae mo,wala ka pa ding kadala dala!Saan natin ngayon hahanapin si Dess,Ayaw mo naman kasing ipagpatuloy yung civilian bodyguard mo para magbantay sa inyo._Mommy.Tumawag ako sa bahay pero sinabi ng kasambahay ko na wala pa nga daw duon si Dess kaya dito ako sa Forbes dumiretso.
"Saan naman kaya pwedeng magpunta di Dess nyan?Baka dun kaya sa mga dati nyang kasamahang sales lady,nagtanong ka na ba ha TOP?_Daddy.Since wala pa namang 24hours,hindi pa daw pwedeng mag file na missing person si Dess.
"Dad naman,sympre nakapagtanong na ko.Kaya lang wala din daw silang alam.Matagal na daw nilang di nakikita si Dess.Pati nga si Ate Sydney tinanong ko din pero hindi daw nagpupunta sa boutique si Dess._AKO.
Halos lahat ng kaibigan at kakilala ni Dess ay napagtanungan ko na din pero lahat sila ay iisa lang ang sagot,Hindi nila nakita o nakausap si Dess."Tumawag ka kay Patrick,Vic.Baka magawan nya ng paraan na mahanap kaagad si Dess.Kabuwanan ngayon ni Dess at delikado sa kalagayan nya ang magpagala gala at ma stress.Makasasama yun sa bata._Mommy.Lalo akong nag alala sa sinabing yun ni mommy.This past few days pa naman ay madalas kong nakikita si Dess na hinihimas ang tyan nya na parang nananakit.Sobra akong nag aalala sa kanya.
"Huminahon kayo.Tinawagan ko na si Patrick at sinabi ko nga ang kalagayan ni Dess.Tatawagan nya na lang daw tayo kapag may balita na.
_Daddy.Saka ako tumayo at nagpaalam na hahanapin si Dess.Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko sya nakikita.Kahit saan man sya magpunta,hahanapin ko ang mag ina ko."Cuz,Relax ka lang.Ginagawan na ng paraan ni dad para makita si Dess.
Im sure naman na andito lang yun sa area since hindi naman sya makaka byahe ng malayuan dahil sa kalagayan nya.Mahahanap din natin si Dess, Dont worry._Nixx.(Anak ni Uncle Patrick(General)na kapatid ni mommy)
Sa kanya ko ibinuhos ang lahat ng nararamdaman kong takot sa pag alis ni Dess since kilala nya din naman si Dess at alam nyang lahat ng mga kalokohan ko sa buhay."Kasalanan ko,Kasalanan ko kung bakit umalis si Dess.Sobra sobra ko na syang nasasaktan.Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa kanilang dalawa ng baby ko.Shiiiit Nixx,Bakit ba ang sama sama ko kay Dess._AKO.Nakainum na ako ng dalawang beer in can kaya lalo akong nakakaramdam ng lungkot.
"Will you stop blaming your self.Hindi mo naman kasalanan na halikan ka na lang basta ni Vivian eh.Kasalanan ng bruhang yun.Malandi pa sya sa higad eh.Alam nya ng taken kana at masaya na sa buhay kaya gusto nya talagang sirain ka.Kundi ba naman sya nuknukan ng kademonyohan,Iiwan iwan ka nya at ipagpalit sa iba tapos ngayong naka move on kana at masaya saka sya magpaparamdam ulit.Gaga sya!_Nixx.
"Pero hindi ko na dapat tinolerate yung paghalik nya at dapat ako na ang kusang umiwas.Kung bakit ba naman kasi napaka hina ko sa mga ganung tukso at madali akong bumigay.Saan ko ba makikita si Dess,For Petesake "HINDI KO NA ALAM KUNG SAAN KO SYA HAHANAPIN!_AKO.Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa galit ko sa sarili ko.
"Look cuz,Bakit hindi na muna tayo magpahinga at matulog.Im sure naman na safe si Dess kung nasaan man sya ngayon.Hindi naman yun magpapabaya sa sarili nya dahil sa kalagayan nya.Magpahinga kana muna at bukas na bukas din ay sasamahan kitang hanapin sya._Nixx.Madaling araw na kasi at nakikita kong napapapikit na sya sa antok.
"Hindi din naman ako makakatulog kaya mauna ka na.Dito na lang muna ako sa baba.Kapag inantok ako,okey na ko dito sa sofa mahiga.Tulog kana cuz.Alam ko namang pagod at puyat kadin sa work mo._AKO.May isang beer in can pa akong uubusin at isa pa,ayaw din naman akong dalawin ng antok kaya dito ko na lang sa ibaba mag i stay.
"Sige ikaw ang bahala.Basta just incase na may balita ka na,gisingin mo lang ako at ipagda drive kita.Hindi ka pwedeng magmaneho dahil naka inum kana._Nixx.Tumango lang ako at saka sya pumanhik na sa kwarto nya para matulog.
Magdamag lang akong dilat at nagbrowse sa fone ko.Baka sakaling may makita akong lead kung saan pwedeng nakituloy si Dess sa mga oras na ito.Tama naman si Nixx.Hindi si Dess yung tipo ng tao na ipapahamak ang sarili nya lalo pa ang anak namin.Ganun pa man,Alam kong masamang masama ngayon ang loob sa akin ni Dess at hindi ko naman sya masisisi kung basta na lang syang umalis ng bahay.

YOU ARE READING
DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)
RomanceTRICIA OLIVEROS PAMINTUAN a.k.a T.O.P. is a certified Womanizer At dahil natira at nakapag aral sa isang bansang liberal,Nasanay syang naglalaro at nang iiwan na lang basta ng mga babaeng kanyang naikakama. Never pa syang nagkagusto sa lahat ng m...