Maaga akong pumasok sa mall para hindi maabutan nila Tita Sarah.
Kapag kasi byernes,tanghali na sila ni Lola pumupunta sa patahian.
Baka kasi mapansin nila ang mga kalmot ko sa braso gawa ng pagwawala nung babaeng baliw sa party.Ang hirap din pala ng bigla ka nalang susugudin ng wala kang kamalay malay,lakas magpatulala.Hindi ko na nagawa pang lumaban sa kabiglaan ko.Isa pa,nakakahiya namang patulan ko sya sa party ni Aycee lalo lang magkakagulo."Ayan na nga ba ang sinasabi ko kay GD,masyado kasi silang lapitin ng mga babae kaya madami ang hindi makapagpigil na manugod kahit wala naman silang alam._Sally.Para kasing sikat na celebrity din sila Terry,GD at TOP.Sa dami ng mga nagkakagusto sa kanila lalo na itong si TOP na ubod daw ng babaero,may mga babae talagang nagsiselos kapag may nakita silang babaeng kasama nilang tatlo.
"Iba naman kasi ang kaso ni TOP,Super babaero talaga kaya pati mga nakaka relasyon nya hindi maiwasang manakit sa makitang kasamang babae nya para lang makaganti._Joyce.Mahilig magbasa si Joyce ng mga magazine ng mga mayayaman at nabasa nya nga daw nuon na may isyu na din si TOP sa babae kahit hindi pa namin sila kakilala.
"Ang sabi naman kasi sa akin ni GD,Yung babae daw na yun kasi anak ng may ari ng Leslie Philippines,spoiledbrat daw kaya kahit anong gusto kahit na mapa bagay man daw o tao pa gusto nyang mapapasakanya lang.Kaya ganun na lang ang galit nya sayo pagkakita nyang magkasama kayo ni TOp na nagsasayaw._Sally.Sa nakikita ko sa kanya,hindi lang sya basta basta spoiledbrat...May sakit din sya sa utak.The way na kalmutin at hilahin nya ako,parang gusto nya na kong mapatay eh.
"Mag iingat ka sa kanya Dess,Pati daw ang pamilya nun nutoryus.Kapag may kumakalaban sa negosyo nila,kundi daw tinatakot pinapapatay.
Yun lang yung article na nabasa ko nuon tungkol sa pamilya nya ha.Pero wala naman kumpirmasyon kung totoo nga._Joyce.Bigla tuloy akong kinabahan sa kwento ni Joyce.Kung kami lang ni Leslie,at atakihin nya ako ulit,hindi ko sya uurungan.Pero kapag labanan na sa pera ang pag uusapan,hindi ko sya kayang tapatan."So ang dapat ko pala talagang iwasan ay si TOP.Para wala na lang maging problema at saka hindi na ako pagdudahan pa nung mapapangasawa nya na may something sa amin kahit wala naman ganun ba?_AKO.Parang nalungkot naman ako sa idea ng pag iwas ko kay TOP pero yun naman ang tamang gawin dapat.
"Yun ang tama mong gawin.Kapag lumalapit si TOP sayo,ikaw na ang umiwas.Mahirap ng madamay kapa sa gulo nila.Ayan na nga ba ang sinasabi ko,basta mayayaman talaga...Akala nila lahat kaya nilang mabili.
_Joyce.Saka ko lang ngayon naiintindihan kung bakit pilit ding nilayuan ni Joyce si Terry ng malaman nyang mayaman pala talaga ang pamilya nito."Kagaya ba ng pag iwas mo kay Terry ganun ba Joyce?_Sally.
"Hindi...hindi sa ganun.Nagkataon lang talaga na hindi na kami nagkakausap dahil busy na sya sa pagiging direktor nya at ako naman busy sa pag aalaga at pagbabantay kay nanay._Joyce.Halata naman sa kanya na iniiwasan nyang mapag usapan ang tungkol sa kanila ni Terry.
"Alam mo Joyce,Hindi mo naman talaga kailangang iwasan si Terry.Porke ba nalaman mong mayaman sya,at share holder ng hospital ang tatay nya dapat na syang ipagtabuyan palayo sayo?Unfair naman sa kanya yun kahit wala naman syang masamang ginagawa sayo,Kundi ang naging mayaman sya hindi ba?_Sally.Pati tuloy si Joyce nadamay na sa usapan dahil sa isyu about TOP.
"Teka teka lang...Kumalma muna tayo mga besh.Baka naman mamaya kayong dalawa na ang mag away nyan eh.Magkakaiba naman kasi tayong tatlo ng sitwasyon.Kayo ni GD,okey kayo kahit na nalaman mong anak mayaman pala sya.Eto namang si Joyce,dahil may trauma sa mayayaman, pilit inilalayo ang saril kay Terry kahit wala namang ginagawang masama sa kanya kundi puro pagtulong at kabutihan lang.
Iba din naman sa case ko dahil unang una,wala naman kaming relasyon ni TOP talaga at isa pa,biktima lang ako ng maling akala._AKO.Sabay sabay kasi kaming nag out ngayon sa work kaya sabay dabay din kaming tumambay na muna sa cafeteria malapit sa mall para magkwentuhan."Hindi naman kami nag aaway ni Sally,Naiintindihan ko naman sya kasi nga okey naman sila ni GD at mabait naman din talaga si GD eversince.
Basta ang payo ko lang sayo,hanggang maaga pa layuan mo na si TOP para na din sa sarili mong kaligtasan.Mahirap mainvolve sa mayayaman,lalo pa kay TOP na may babaeng patay na patay._Joyce."Grabe din kasi talaga si girl noh,Willing talagang makipagpatayan para lang sa taong hindi naman sya gusto...Mayaman naman sya at maganda, tapos pinagsisiksikan nya yung sarili nya sa taong sukang suka sa kanya.
Sabi nga ni GD,hindi naman daw talaga bastos si TOP kahit na babaero yun.Kaya lang di daw nya talaga maiwasang magsalita kay girl ng masasakit na salita para lang layuan na sya nito._Sally.Sa madalas naming pagtatagpo ni Top,alam ko ding never syang naging bastos sa mga babae."I have nothing against TOP naman,Mabait naman sya at palabiro din...Yung pagiging babaero nya lang din kasi talaga ang problema.
Kaya siguro ayaw na ayaw nya dun sa girl kasi ayaw nya pa ding magpatali._Joyce."Ang mabuti pa nga talaga iwasan ko ng maging malapit sa kanya.Ayoko din namang mainvolve sa mga ganung isyu.Lalong ayokong ako ang balikan nung mga babaeng napaiyak nya at sa akin sila lahat gumanti noh!
Kahit pa sabihing naaawa ako sa kanya dahil pinipilit lang sya ng parents at pamilya nung babae na magpakasal,Hindi ko na problema yun._AKO.Pero bakit ganun,hindi bukal sa puso yung sinasabi ko.Parang sa kaibuturan ng puso ko,Gusto ko syang tulungang makawala sa sumpa ng babaeng baliw na yun."Nasa iyo yan Dess.Kung sa palagaya mo,ang pag iwas nga ang tamang sulusyon,gawin mo.Nakasuporta lang kami lagi ni Joyce sayo.Kahit na anu pa man ang mangyari,kakampi mo kami.Hinding hindi naming hahayaang masaktan ka ng kahit na sino._Sally.Tumango tango naman si Joyce sa akin at saka ngumiti.
Sobrang thankful ako sa mga kaibigang gaya nila na palaging handang makinig at tumulong sa akin.Kaya naman,ganun din ako sa kanila.Willing din akong gawin lahat para mapasaya ko sila.Matapos naming mag usap usap,agad din kaming lumabas na sa cafeteria at saka naglakad na papuntang sakayan.
Nasa pinaka parking lot pa lang kami ng cafeteria papalabas ng kalsada ng biglang bumukas ang pinto ng isang VAN at saka kami hinatak papasok sa loob nito.Agad kaming piniringan at saka tinakpan ng panyo sa bibig.
Struggle is real kahit na hindi naman talaga kami masyadong kinakapitan nung mga nakahawak sa amin.Pero kinakabahan ako na baka ito na yung sinasabi nila na nutoryus na tatay nung Leslie.Hindi kaya ipinadukot ako para takutin?Bigla tuloy akong napahagulgol ng malakas.
"Hey!Dont cry out loud,for pete sake.Wag kayong mag alala at matakot.
KAMI LANG TOH GIRLS!_Pamilyar yung boses nung nag sasalita at boses babae siya.Kundi ako nagkakamali..."TOP?_Sabi ko habang nakapiring.Kabisado ko ang boses ni TOP kahit di ko sya makita.
Saka kami nakadinig ng mga tawanan na kahit sina Joyce at Sally ay hindi din siguro makapaniwala.

BINABASA MO ANG
DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)
RomanceTRICIA OLIVEROS PAMINTUAN a.k.a T.O.P. is a certified Womanizer At dahil natira at nakapag aral sa isang bansang liberal,Nasanay syang naglalaro at nang iiwan na lang basta ng mga babaeng kanyang naikakama. Never pa syang nagkagusto sa lahat ng m...