35.DESS

1.4K 65 3
                                    


Napainum tuloy ako ng wine ng di oras dahil sa natuklasan ko.Wala akong kamalay malay na ang party pala na aatendan ko ay Anniversary ng kumpanya ng parents ni TOP.Dahil wala naman akong choice,i eenjoy ko na lang itong party na ito.

"Kita mo nga naman oh,Kaya naman pala amoy malansang squatter dito... dahil andito kang mang aagaw ka!_Leslie.Na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala at agad dinuro duro ako.

"Pwede ba wag kang mang eskandalo dito.Kung gusto mo ng away,dun tayo sa labas.Para malaman mo kung sino ang binanbangga mo!_AKO.
This time palaban na talaga ako,at hindi ko talaga sya uurungan.Hindi na ako papayag na dumapo sa akin ang mga kamay nya.

"Hahahahha.Ang lakas namaa ng loob mong kalabanin ako samantalang isa ka lang patay gutom na saleslady.Baka hindi moko nakikilala?Kayang kaya kitang ipapatay kapag pinag utos ko._Leslie.Medyo napapansin na kami ng ibang malapit sa mesa na nakakadinig ng pag sisigawan namin.

"Wow ha,Talagang sayo pa mismo nang galing yan.Sa dami ng mga taong nakadinig sa mga sinabi mong pagbabanta sa akin...Siguradong kapag may nangyaring masama sa akin,IKAW LANG ANG nag iisang suspect!
_AKO.Pinipilit ko pa ding magpakahinahon dahil ayoko namang dahil sa amin,masisira ang okasyon.

"Talagang papatayin kitang hayop ka dahil sa pang aagaw mo sa akin kay TOP!Dahil sayo,Kaya ako ayaw pakasalan ni TOP.Malandi ka kasi,Inakit mo sya para magustuhan ka nya!Hayyuuup ka!_Leslie.Akmang susugurin nya na ako ng may biglang humarang sa harapan ko.

"Ikaw na naman LESLIE? Wala ka na bang ibang alam gawin kundi manira ng may party ng may party ha?Alam ba ng mga magulang mo yang pinag gagagawa mo?_Daddy ni TOP.Hinawakan naman ako sa kamay  ni TOP at saka chineck ang mukha at braso ko kung nasaktan ako.

"Guard,pwede bang palabasin nyo na ang babaeng yan dito ng hindi na maka panakit pa?
Aba iha,Wag mo namang sirain itong party ng pamilya ko.
Nagka usap na kami ng parents mo at nagkapirmahan na kami.
Napagkasunduan na naming hindi na ituloy ang naunang plano dahil  hindi naman talaga ikaw ang gusto ng anak ko._Mommy ni TOP.
Napahigpit ang paghawak ni TOP sa kamay ko sa sinabinb yun ng mommy nya.Tumingin ako sa kanya at saka nya ako biglang inakbayan.

"How dare you!Hindi totoo yang sinasabi mong matanda ka...Magpapakasal kami ni TOP kahit na ano pang mangyari!_Leslie.Agad naman syang inilabas ng mga security guard at saka lang parang nahimasmasan ang mommy ni TOP.Kahit kasi pati sya ay di pinatawad ng kamalditahan ni Leslie.Umupo sya dun sa mesa na katabi naming dalawa ni TOP at saka sya inabutan ni TOP ng tubig.

"Ayos lang ako,Maya maya din wala na itong nerbiyos ko.Ikaw ba iha,Hindi ka ba nasaktan?_Mommy ni TOP.Tumingin sya sa akin at saka ngumiti.Bumalik naman kaagad sa tabi namin sina kuya Tom at ang daddy nila matapos makipag usap sa mga bisita.

"Wag po kayong mag alala,hindi naman po ako nasaktan.Pasensya na din po,muntik na namang masira ang party nyo dahil sa akin._AKO.Saka naman nagsidatingan sina Aycee at Nixx pati ang mga magulang nila.

"Naku iha,Wala kang kasalanan.Yung babaeng yun talaga ang may problema.Wag kang mag alala,Ipina blotter ko na sya sa mga pulis at hinding hindi kana nya pwedeng lapitan._Daddy ni TOP.Tinapik nya sa balikat si TOP saka kami muling nanuod na lang sa nagsasalita sa stage.

"Ehem..ehem...Bago nga po pala ang lahat,Meron po yatang gustong ipakilala sa ating lahat itong si TOP.Alam nyo,First time in the history lang na mangyayari ito na magko confess si INSAN na inlove na sya sa isang babae._Nixx.Gumamit pa sya ng micropone habang nagsasalita kaya halos lahat ng mga tao duon,kay TOP nakatingin.

"Kaya naman,sasamantalahin na nya ang pagkakataong ito ngayon para mag confess sa kauna unahang tao na bumihag sa pihikan nyang puso.
Tinatawag po dito sa taas si TOP,at si Miss DESS NAKPIL._Aycee.Agad namang nagsipag palakpakan ang mga tao pagka dinig sa pangalan ko.
Teka,bakit pangalan ko ang binanggit na aakyat sa stage kasama ni TOP?

Agad naman akong inalalayan ni Top na tumayo at saka kami sabay na naglakad paakyat sa stage.Halos wala na akong kamalay malay sa mga nangyayari dahil sa para akong lutang sa nagaganap.Lalo pa ng hawakan na ni TOP yung mic at saka nagsimulang mag confess sa akin.

"Miss Dess Avila Nakpil...Alam kong nabigla ka sa mga nangyayari ngayon.
Hindi mo inaakala na ganito ang kalalabasan ng pag attend mo sa party na ito,pero gusto ko lang malaman mo na sa madalas nating pag uusap at palagiang pagsasama sa mga lakad,unti unti na akong napapalapit sayo.
Kaya naman,hindi na din napigilan nitong damdamin kong mahulog ang loob sayo.Sorry kung madalas kitang asarin at kulitin,Yun lang siguro yung way para mas lalo pa tayong maging malapit sa isat isa.Sana tanggapin mo ang inaalay kong proposal sayo...DESS WILL YOU MARRY ME?_TOP.Nagulat naman ako na proposal na kaagad ang sinabi nya gayung hindi pa nga nagiging kami.Nakita ko namang lahat ng mga tao ay nag i expect ng isasagot ko kaya kahit nagugulahan,sumagot na lang din ako sa tanong nya...

"YES..I WILL MARRY YOU._AKO.Lahat naman sila ay masayang masaya ng gabing yun.Kahit ang mga magulang ni TOP ay tuwang tuwa din nakangiti sa aming dalawa.Agad naman akong niyakap ni TOP at saka kami agad bumaba ng stage.Sinalubong kami ng mommy at daddy ni TOP ng mainit na yakap.

"Welcome sa family anak! Congrats sa inyong dalawa ngayon pa lang.
_Daddy ni TOP.Habang lahat naman ng kamag anak nila ay panay ang beso at pakikipag shakehands sa akin.

"Ate! Akala ko kung sino yung sinasabi nilang magandang girlfriend daw ni ate TOP,ikaw pala! Sobrang yaman pala talaga nila anoh,akalain mong sa kanila din pala yung KwinTOP._Ding.Bulong nya sa akin pagkalapit nya,saka ko naman sya ipinakilala sa pamilya ni TOP.

"Ding,sumabay kana sa amin sa pag uwi ha.Ihahatid ko na kayo ng ate mo.
Pasensya na kayo kung di ko kaagad nasabi na kami din ang may ari ng Kwin Top,bawi na lang ako sa susunod._TOP.Hawak nya palagi ang kamay ko at ipinakikilala sa mga tao dun sa party.Masarap pala sa pakiramdam yung feeling na ipinagmamalaki ka ng girlfriend mo sa madaming tao.
Parang ang ganda ganda mo.

"Iha,Pagpasensyahan mo na yang nobya mo kung sakaling hindi masyadong showy yan ha...Alam mo kasi,kahit sa bahay namin ayaw nya nung bini beybi sya.Kaya mula nung nagsarili yan,Nawala na din yung lambing sa katawan._Mommy ni TOP.Bumulong lang sya sa akin dahil ayaw nyang madinig ni TOP.

"Naiintindihan ko po kayo.Wag po kayong mag alala,gagawin ko po lahat ng makakaya ko para bumalik ang dating lambing ni TOP._AKO.Tumawa naman sa amin si kuya TOM dahil sa sinabi kong operation balik lambing.

Madaling araw na ng matapos ang party.Dahil ihahatid pa kami ni TOP pauwi,isinama nya ulit ang driver para ipagmaneho sya.Baka kasi makatulog pa sya habang nagdadrive pauwi.

Hindi pa kami nakakapag usap ng sarilinan ni TOP tungkol sa naganap na proposal.Hindi ko alam kung totoong nagpropose nga ba sya o palabas lang yun para tuluyan ng matigil si Leslie sa paghahabol sa kanya.

Magkagayun man,Nakahanda akong magpagamit kung sakaling isang malaking palabas lang ang lahat...Kahit na dahan dahan lang,maipadama ko kay TOP na mahal ko na nga talaga sya.


*Hinay hinay lang Dess,baka magsisi ka sa huli...Once a player,always a player daw.😉😉😉

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now