81.DESS

1.2K 53 0
                                    


Madaming temptasyon at mga pagsubok pa ang pagdaraanan namin ni Top lalo pa ngayong mas bumobongga ang negosyong itinayo nya pero umaasa akong makakayanan namin ang lahat basta hindi kami bibitaw sa isat isa.Sa ngayon,smooth at kontento naman kami sa buhay namin bilang mag asawa at parehong legal na nasa pangalan na namin ni Top ang dalawang anak namin na sina Skyler at Gucci.

"Wala naman akong masabi sa pagiging model nyang si Gucci dude,Aba'y batang bata pa pero malaki na ang kinikita ah! Parang gusto ko na din tuloy ipasok si Katie sa tv commercial para kumita na din eh._Terry.May small gathering kami ngayon,At muli na naman kaming nagsama samang magkakaibigan pati ng mga anak namin dito sa bahay.Kapag pare pareho silang walang out of the country at di masyadong busy sa mga negosyo nila,hindi sila nakakalimot magkakaibigang magkita kita.

"As if naman papayagan mo yang unica iha mo?E di sana nuon pa lang na baby sya at madami ng kumukuha sa kanya.Para namang di kita kilala Terry na ayaw na ayaw mo sa limelights at mas gusto mo ng tahimik at pribadong buhay._TOP.

"Iba kasi sa showbiz,magulo at madaming intriga.Ayoko namang ma expose ang buhay namin sa buong mundo noh!Atleast yang anak mo,modelling lang at international brand ang mino model kaya okey lang.
_Terry.Tamang taga pakinig lang kami ni Joyce sa kwentuhan nilang magkaibigan at paminsan minsan ding sumasabat sa usapan.

Maya maya pa ay nagsitakbuhan na ang mga bata kaya sinabihan ko na dun na muna sila sa garden maglaro para makapag enjoy sila.Mas malawak at mas malaya silang makapaglaro duon.Saktong kadarating lang din nila GD at Sally kasama ang kambal nila kaya mas naging masaya ang pagkukwentuhan namin.

"Moooooomshiiieeeee!Mommmmmyyyy! Pleaseeeeee hellpppppp KATIEEE,mommmsshiieeeee!_Gucci.Lahat kami ay kaagad napatakbo sa labas ng bahay papunta sa garden.Nadatnan namin si KATIE na nakadapa sa damuhan na walang malay habang nag iiyakan naman ang mga bata.

"Oohhhh myyy Godd,Katie?Kaaatiieee my baby,what happened? Tumawag kayo ng ambulance.Babbyy,waakeee uppp,Baaaaby!_Joyce.
Nabahala kaming lahat dahil sa nakita naming may dugo sa bandang ulo si Katie.Kaagad namang dumating ang ambulance at dinala si Katie sa GGH para matignan.

"Wag po kayong masyadong mag alala madam,Minor injury lang naman po ang natamo ni Katie.Nawalan lang po sya ng malay dahil natakot sya.
Yung sa nuo nya naman po ay may kaunting pagdurugo pero liban duon ay maayos naman po ang lahat._Doctor Reyes.Sya ang doctor ng pamilya nila Terry.

"Are you sure na okey lang ang anak ko doc?Baka meron kayong hindi na check sa ulo nya,or baka nabalian sya sa lower back nya,Doc sigurado ba kayo sa pag che check up nyo sa anak ko?_Terry.Ramdam ko ang pag alala sa kanilang mag asawa.Kahit naman kami ay nag aalala din ng husto sa nangyari.

"Mahal,Kumalma kana.Baka naman mapaano ka nyan.Sinabi na ng doctor na okey lang ang anak natin kaya magpasalamat tayo at walang masamang nangyari sa kanya.Pagpahingahin na muna natin sya dito at bukas na tayo lumabas para makasiguro._Joyce.

"Sya nga naman Terry,Mainam na magrelax kana at wag ng mag isip ng kung ano ano pa.Salamat at ligtas si KATIE,Yun ang mahalaga.Kami din ay magpapa alam na at balitaan nyo na lang kami kung sakaling naka uwi na kayo sa bahay.Dadalaw kami dun._GD.

"Salamat guys,Salamat sa prayers nyo.Pakisabi na din kay GUCCI na wag na kamo syang mag alala.Kawawa naman yung bata,parang natakot yata kanina nung makita si Katie na nakahiga._Joyce.Tumango naman ako sa kanya at saka kami sabay sabay ng lumabas ng hospital.

"Ate,Mabuti at dumating na kayo.Si Gucci kasi,kanina pa tahimik at di nagsasalita.Parang namumutla pa din sya at ayaw kumain._Ding.
Pinapunta ko kasi sya kaagad dito sa bahay para tignan ang mga bata habang nasa hospital kami ni TOP.

"What?Papanong namumutla,As in parang tulala ba or baka naman may sakit?Chineck mo ba kung nilalagnat?_TOP.Kaagad kaming umakyat sa silid nya para kamustahin at tignan sya.

"Gucci,Anak.Anong masakit sayo?Anong nararamdaman mo,sabihin mo kay mommy para ipapagamot natin.Are you okey anak?_TOP.Kaagad nyang niyakap si Gucci pero nananatiling tahimik lang ang bata.

"Baby,Anak.Andito na di Momshie.Please tel me,Anong problema,May masakit ba sayo?Nag aalala kaba sa nangyari kanina ha anak?Wag ka ng mag alala kay Katie,she's okey now.Katie is a strong girl kaya okey na okey na sya._AKO.Nakatingin lang sya sa akin at saka yumakap.Ni hindi nagsalita kaya nagkatinginan kami ni TOP at saka kami kinabahan.

"Bukas na bukas din ay ipapatingin natin si Gucci.Hindi pupwedeng magkaroon sya ng trauma sa nangyari.At dapat ding makita nya si Katie na okey na para hindi nya na maisip pa yung aksidenteng nangyari.
Haaaist.Bakit ba biglang nagka ganun si Gucci,Nakakapanibago ang pagiging tahimik nya!_TOP.

"Natatakot ako babe,Baka kung ano na ang mangyari sa anak natin nyan.
Sana naman hindi maka apekto ng husto sa kanya ang nangyari,Dyos ko kasalanan ko ito eh,Ako ang nagsabi sa mga bata na sa labas sila magsipaglaro kaya nangyari ang aksidente._AKO.Sa totoo lang,sarili ko ang sinisisi ko sa lahat.Kapag may nangyari sa anak ko,Ako ang dahilan.

"Ano ka ba naman babe,Wag ka ngang magsalita ng ganyan.Walang may kasalanan dun.Aksidente ang nangyari,at kahit nandito sila sa loob ng bahay o kahit sa kaninong bahay pa,kapag nakatakdang mangyari,magyayari kahit na isang daang yaya pa ang nakapalibot sa mga bata! Wag ka ng mag isip ng kung ano ano dahil baka pati namm ikaw mapaano din nyan._Top.Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at saka bahagyang napaluha.

Totoong madaming yaya na nakapalibot sa mga anak namin kapag magkakasama kaming magkakaibigan pero hanggat maaari,hinahayaan lang namin ang mga bata na sila sila lang ang magkakasama sa paglalaro.Ayaw naming lumaki sila na mga lampa at walang sariling diskarte sa buhay.Pero dahil sa nangyari,mapipilitan na kaming tutukan at pabantayan sila ng mga yaya at bodyguard ng bente kwatro oras para makasiguro sa kaligtasan nila.

Kinabukasan ay kaagad naming dinala si Gucci sa Hospital kung saan ako nanganak kay Skyler.Agad naming pinasuri si Gucci sa doctor at ikinwento ang nangyari.

"Ma'am,Madam base po sa pag check ko kay baby Gucci,Nagkaroon nga po sya ng Trauma sa nangyari.Pero wag po kayong mag alala dahil hindi naman po grabe yung epekto sa bata.Base po sa naging obserbasyon ko at sa mga sagot nya sa mga tanong ko,mahusay naman po at accurate ang lahat ng mga sagot nya sa akin.Yun nga lang po,Parang naging timid na sya at hindi na ganun ka energetic gaya nga ng sabi nyong dati nyang kilos._Doctor.

"So doc,Ano po ba ang maige naming gawin or may mga gamot ba syang need na inumin para mabalik yung normal na behavior nya?_Top.

"Wala pong gamot na ibibigay sa kanya,Like I said nga po,Normal po sya at wala namang problema except sa pagiging tahimik nya na ngayon.
Siguro po,kausapin nyo na lang sya palagi at wag hayaang maging malungkot at iwasang mapag isa para maiwasan nyang maalala yung nangyari.Wag po kayong mag alala,Babalik din po sya sa dati bigyan nyo lang sya ng time na unti unting makalimot._Doctor.

Umuwi kaming tahimik lang na nakayakap sa akin si Gucci.Pangiti ngiti lang sya kapag kakausapin namin ni Top pero hindi na sya makwento gaya nuon.

DESPACITO: SLOWLY,FALLIN FOR YOU...(DESS AND TOP LOVE STORY)Where stories live. Discover now